10

19 6 0
                                    

Jaize went home around seven PM. Hindi siya rito kumain. Bukod sa wala ngang lamesa, balak ko lang bumili ng ulam o baka magde-lata na lang muna ako ngayong gabi.

I received an email from my boss. Schedule ko iyon sa trabaho at iba pang kailangan. Iʼm a saleslady in a jewelry store sa hindi kalayuang mall. Bukod pa iyon sa mall na gustong puntahan ni Jaize para bilhin ang mga gamit ko rito sa apartment.

Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Wala akong alam sa mga accessories at syempre, nakakatakot din dahil mamahalin ang mga iyon. Overthinker pa naman ako, paano kung pumalpak ako sa trabaho ko?

“Kumusta ka diyan?” si Steph.

Katatawag niya lang. Magkavideo call kami ngayon. Nagluto lang ako ng noodles. Iyon na lang ang dinner ko ngayon. Bukas na lang ako babawi ng kain.

“Okay lang. Miss na miss mo na ba agad ako?” pang-asar ko namang sagot.

Inirapan niya ako. “Nagkita na kayo nung ka-internet love mo?” tanong niya.

“Yup. Nasa apartment ako ngayon. Bukas magstart na ako sa trabaho,” sabi ko.

“Kainam naman pala nakahanap ka agad ng trabaho. Anong napasukan mo?” tanong niya naman.

Kumakain ako habang kausap siya. Nakapatong sa unan ko ang phone ko, may phone stand naman kaya hindi ako nahirapan, huwag lang malikot dahil malalaglag iyon. Malambot kasi ang unan na pinapatungan ko.

“Kailangan ng work. Wala na akong pera, naibili ko na ng mga gamit. Wala pa nga akong lamesa rito.”

May ginagawa ata siya. Hindi siya nakatingin sa camera at parang may inaayos yata siya. Nasa kwarto naman siya ngayon.

“Pahiramin muna kita? May extra pa naman ako. Gcash ko ba sa ʼyo? Para mabili mo na mga gamit na kailangan mo,” aniya.

Naisip ko rin iyon. Pero may extra pa naman ako. Saka hindi ko naman kailangan ang lamesa agad. Siguro makakapaghintay naman iyon sa unang sahod ko.

“Hindi na muna siguro. Makakapaghintay naman ang mga iyon. Saka may work naman na ako, so hihintayin ko na lang na magkapera na ako at bibili na ako ng mga kulang kong gamit.”

“Kapag kailangan mo, magchat ka lang sa akin, ha. Pahihiramin kita,” ani Steph.

Alam ko naman iyon. Siya naman palagi ang takbuhan ko sa ano mang bagay. Hindi naman ako masyadong namomroblema pagdating sa pera, nakakaya ko naman magbadget. Lalo na ngayon na mag-isa akong nakatira dito sa apartment, ako lahat ang gagastos. Kailangan talaga magtipid at maging praktikal minsan.

Iʼm done eating. Tapos na rin akong makipag-usap kay Steph. May mga ginagawa siya. President kasi sa room nila, marami talagang gawain ang mga college.

Minsan naiisip ko, kung nag-aral ba ako, mararanasan ko ba ang mga nararanasan ko ngayon? O kung may Mama pa ba ako, mararanasan ko lahat ng ito? Madalas kasi naiimagine ko na baka matino ang buhay ko kung buhay si Mama. Baka nakapag-aral ako, baka hindi ako nahihirapan sa buhay ko.

Masyado ba akong mahina kaya binigyan ako ng ganitong klaseng buhay, para maranasan kong lumaban? Para maging matatag ako sa bawat pagsubok na binibigay sa akin?

“Ilang taon na ba ang lumipas, wala pa ako sa pangsampung taon,” mahinang sambit ko.

Edad disi-otso, nasabi ko sa sarili ko na sampung taon mula sa edad kong iyon ay nasa maayos na kalagayan na ako. Bente dos na ako sa susunod na buwan. Anim na taon pa ang bubunuin ko. May anim na taon pa ako para sikapin na maging maayos ang buhay ko. Kaya ko ba?

Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising lang ako dahil sa alarm ko. Ala singko pa lang ng umaga pero gumising na ako. Alas siyete hanggang ala tres  ng hapon ang pasok ko. Iyon ang nakalagay sa email na sinend sa akin kahapon. Kaya naman maaga akong gumising ngayon para hindi ako ma-late sa trabaho. Nakasanayan ko nang i-chat si Jaize tuwing umaga kaya naman iyon ang ginawa ko ngayon. Gising na rin ito dahil maaga rin ang pasok niya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now