07

30 8 1
                                    

Days passed by. May mga times na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Jaize. Heʼs hot-headed person. Konting bagay ay mabilis siyang mainis. Kaya minsan sigurado akong naiinis siya sa akin, pero kinakausap niya pa rin naman ako.

Tulad ngayon. Heʼs tipsy. Hindi naman siya nalalasing kaagad kahit maraming inumin. Ang taas ng alcohol tolerance niya. Magkausap kami ngayon and I can feel that heʼs not in the mood.

“Do we have a problem, love?” I asked.

[“Nothing. Matulog na lang tayo,”] sagot niya naman.

I know thereʼs something in his mood. At dahil makulit ako, kahit alam kong ikawawala lalo ng mood niya ang paulit-ulit kong tanong, nagtanong pa rin ako sa kaniya.

“Halatang may problema. Nakainom ka ʼdi ba?” tanong ko.

He sighed. [“Love, walang problema. Gusto ko lang na matulog na tayo kasi masakit ulo ko. Letʼs sleep?”]

His tone is fine. Walang bakas na inis o ano pa man sa tono niya. Maayos niya akong kinakausap. Sadyang umaatake lang ang pagiging overthinker ko, konting bagay iniisip ko agad na may problema.

“Sure ka walang problema?” tanong ko ulit.

He sighed again. [“Wala nga. Kapag pinilit mong meron, baka magkaroon nga. Matulog na tayo.”]

Pinatay ko ang tawag at napabuntong hininga na lang. Minsan naiisip ko, nahihirapan si Jaize sa akin. Kasi hindi ako stable, masyado akong overthinker. Pakiramdam ko nahihirapan siya kapag ganoʼn ako. Pero pinipilit ko namang baguhin, e. Kasi alam ko namang hindi siya tulad nung ex ko. Maayos niya akong tinatrato, kaya sinusubukan ko rin talagang ayusin ang sarili ko para sa kaniya.

Trauma. I donʼt want to experience that again. Ayaw kong makaramdam ng takot kay Jaize. Ayaw kong magkaroon ng takot sa mga bagay na nakasanayan ko. Hindi ito ang unang beses na napansin kong nagkakaroon ng problema sa tuwing nakakainom siya. I donʼt know if itʼs just me, or sadyang madalas uminit ang ulo niya kapag may alak na dumadaloy sa katawan niya.

“Love, ganiyan ka rin kasi nung nakainom ka. Ano ba kasing problema?”

Nakainom ulit siya. Ilang linggo matapos ang inom niya at inakala kong may problema. Ngayon, iba na naman ang nararamdaman ko.

[“May problema ka ba sa pag-iinom ko?”] tanong niya sa mahinahon namang tono.

I bit my lower lip. “Wala naman. Pero kasi...”

[“Wala naman pala. Do you want me to stop drinking alcohol?”]

Hindi ako nakasagot agad. “No. Okay lang naman sa akin kung iinom ka,” sagot ko na.

[“ʼYun naman pala. Wala tayong problema, Bea. Sadyang stress lang ako lately sa trabaho. Iʼm sorry kung nadadamay ka sa init ng ulo ko minsan.”]

Pansin ko iyon. At tanggap ko siya sa kung ano mang ugali niya. Tanggap ko lahat sa kaniya. Kasama niya ako sa lahat, hindi lang sa saya. I want him to feel that I am always with him. Kahit anong mangyari.

So every time heʼs drunk or tipsy because of alcohol, I always behave myself. Ayaw kong gumawa ng mga bagay na ikaiinis o ikawawala ng mood niya. Kapag magkausap kami at nakainom siya, maingat ako masyado sa mga sinasabi ko. Minsan maaga pa akong nagyayaya matulog para lang hindi kami magkasagutan.

“Thanks for helping your lolo,” sabi ni Lola sa akin.

Nagkasakit kasi si lolo. Ako ang chinat ni Tita Panza dahil wala naman siyang ibang malalapitan daw. So tumulong ako, nagbigay ako ng pera pangdagdag sa pambiling gamot ni Lolo.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now