06

16 7 0
                                    

Jaize called me. Pagkasagot ko ay busangot na mukha ko ang bumungad sa kaniya.

“Why are you sad, my love?” he asked.

Mas lalo akong napanguso. “Mahal...” paawa ko pang sabi.

“Why? Anong nangyari?” tanong niya ulit.

Nasa kwarto na siya at nakahiga. Dim ang lights kaya hindi ko siya masyadong kita. Kulay blue kasi ang gamit niyang ilaw.

“Kanina kasi may nagsabi sa akin na tumaba raw ako,” nakangusong sabi ko naman.

Nakita ko naman ang pag-angat ng kilay niya. Ang kapal talaga ng kilay niya.

“Sexy ka naman. The last pic you sent to me, youʼre sexy, love.”

I sighed. Malamang sexy ako roʼn kasi nagdress pa ako noʼn para lang magpicture. Nasa mood ako magpicture that time.

“Huwag mo silang pansinin. Sexy ka, hindi ka mataba,” sabi niya pa ulit.

Tumango na lang ako. Nagtanong siya sa akin kung anong mga pinagkaabalahan ko buong araw kahit na alam naman niya ang mga ginawa ko kanina. Nagkwento pa rin ako sa kaniya, nakatitig naman siya sa akin.

“Ikaw ba? Anong ginawa mo buong araw?” tanong ko naman din.

“Nakatambay lang sa terrace kanina. Then nagluto na ako, wala naman akong masyadong ginawa kanina,” sagot niya. “Nanood lang ng videos sa fb, dapat nga sa twitter ako manonood kanina,” dagdag niya pa.

Nangunot naman ang noo ko. “Bakit hindi ka nanood doon?”

Ngumiti naman siya sa akin. “Kausap kasi kita. Kapag nanood ako sa twitter, mapapatambay ako roʼn, baka maghintay ka sa chats ko. Kaya hindi na lang ako nanood,” sagot niya.

Kausap kasi kita... Kaya hindi na lang ako nanood... Mga simpleng salita lang naman iyon pero bakit grabe ang tuwa na naramdaman ko?

He always make time for me. Mula simula hanggang ngayon, hindi niya hinahayaan na maghintay ako ng matagal sa kaniya. Mas pinipili niyang kausapin ako kaysa gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin minsan.

“Pwede naman akong manood na lang sa IG, masesend ko pa sa ʼyo ang iba,” sabi niya pa.

Totoo. Ganoʼn kami madalas. Nanonood din ako ng reels sa Instagram at kapag may konektado sa amin, sinesend ko talaga sa kaniya. Akala ko nga hindi niya papansinin ang mga ganoʼn, pero isa-isa niyang nilalagyan ng reaction, at isa-isa ring nirereply-an.

“Pwede ka namang manood kung gusto mo. Magsabi ka lang sa akin,” sabi ko.

Umiling siya. “Nakakanood naman ako kapag tulog ka, okay na ʼyon,” sagot niya naman.

Is this what they called healthy relationship? Wala pa kaming label pero grabe na siya magbigay ng assurance at oras.

“Magsamgy raw kami ni Steph bukas,” sabi ko.

“Okay. Ingat kayo. And enjoy kahit hindi ka mahilig sa ganoʼn,” aniya at natawa.

Napanguso na naman ako. Hindi talaga ako mahilig sa ganoʼn. Hindi naman ako malakas kumain. Konting pagkain lang busog agad ako. Goodluck na lang sa amin ng best friend ko bukas.

Morning came. Nagchat ako kay Jaize na mag-aasikaso na ako ng sarili ko dahil maaga kaming aalis ni Steph. Birthday rin pala ni Tatay Steve ngayon. Ang sabi ni Steph ay samahan ko siyang bumili ng regalo or cake na lang daw.

Nagpahatid ako sa 7/11. Doon kami magkikita ni Steph at saka kami sasakay ng jeep papunta sa kakainan namin. Siya ang nagdecide kung saan kami kakain. Hindi naman kasi ako maalam sa ganito.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now