12

24 6 0
                                    

Hindi na ako hinayaang umuwi nung mga pinsan at kapatid ni Jaize. Inaya nila akong magmovie marathon. Kaya naman ngayon ay nandito kami lahat at kani-kaniyang pwesto na. Ang iba ay nasa lapag dahil hindi na kami kasya sa sofa. Katabi ko si Jaize, nasa sulok ako ng sofa. Nasa kabilang gilid niya naman si Farrah at si Phoebe ay kasama ang ibang pinsan nila sa lapag.

“Anong gusto mong kainin?” bulong ni Jaize.

Nagsimula na kasi ang movie. Ang ibang kasama namin ay may mga pagkain nang hawak. Ako naman ay nakaupo lang at nakatutok sa pinapanood.

“Grapes,” sagot ko naman.

Naiisip ko kasi ang pagka-crunchy nung grapes. Kumain na ako kanina noʼn, tinigilan ko lang dahil baka maubos ko ang lahat ng grapes na nakahanda. Wala pa namang tigil bibig ko kapag gusto ko talaga ang kinakain ko.

Tumayo si Jaize at pumunta sa dining. Tutok na tutok din ang mga kasama namin sa panonood. Hindi talaga ako mahilig manood ng movie, nabobored ako masyado. Hindi rin ako masyadong mahilig sa kdrama, more on chinese drama kasi ako.

“Here, love.”

Hawak niya ang isang bowl na may grapes. Ang dami niyang kinuha. Siya na ang naghawak noʼn. Kumukuha-kuha na lang ako.

Nakatuon ang atensyon ko sa panonood. Medyo gusto ko naman ang napili nilang movie. Action naman kasi iyon at intense rin kaya medyo nagugustuhan ko manood.

“Baka makatulog ka diyan,” muling sabi ni Jaize matapos ang ilang minuto.

Nakayakap sa akin ang isang kamay niya. Ang isang kamay naman ang may hawak sa bowl na may grapes. Siksik na ako sa gilid ng sofa. Nilalamig ako, nakatutok sa amin ang fan.

“Love, pausog ng fan, nilalamig ako,” bulong ko.

Pero narinig ata iyon ng isang pinsan niya kaya iyon na ang nag-usog ng fan. Nagpasalamat naman ako.

Naubos ang grapes kaya binalik na muna ni Jaize ang bowl. Pagkabalik niya sa akin ay may dala na siyang kumot. Alas onse na pero active na active pa halos lahat ng kasama namin.

Jaize put the blanket in my lap. He snaked his arm around my waist again. Heʼs now focus on the screen so I do the same. Pero hindi na ako masyadong makafocus dahil inaantok na ako. Wala na akong maintindihan sa pinapanood. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Jaize. Naramdaman niya iyon kaya umayos siya ng pagkakaupo para mas mapasandal ako sa kaniya. Marahan niya rin akong hinila palapit sa kaniya. Nakahanap ako ng maayos na pwesto dahil doon.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa movie at kung anong oras sila natapos. Nagising ako dahil sa ingay ng alarm ko. May pasok pa ako. Kailangan ko nang gumayak.

Napansin ko na nasa kwarto ako ni Jaize. Nasa tabi ko ang teddy bear na bigay niya. Wala si Jaize pero naririnig ko ang ingay ng tubig sa cr. Nauna siyang magising. Sa tabi ko ba siya natulog? Binuhat na naman niya ako dahil nakatulog ako sa sofa kagabi habang nanonood sila.

“Good morning, love.”

Tumutulo pa ang buhok niya nang lumabas ng cr. Iniwas ko ang tingin ko. Nakahubad kasi siya. Akala niya siguro tulog pa ako kaya hindi siya sa cr nagbihis. Tumayo ako at lumapit sa bag na dala ko kahapon. Nandoon kasi ang mga gamit ko. Maliligo na rin ako dahil papasok pa ako sa trabaho.

“Sabay na tayong pumasok, love. Ipagluluto kita ng breakfast habang naliligo ka pa,” ani Jaize.

Tumango lang ako. Hindi ako makalingon dahil hindi pa rin siya nakakapagsuot ng damit. Nananadya na naman ba siya?

Nasa bandang pinto pa rin siya ng cr. Wala akong choice kundi ang lumapit doon dala ang mga gamit ko. Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Ang aga-aga mang-aasar na naman siya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now