16

25 8 0
                                    

Maaga akong nakarating sa trabaho. Naunahan ko pa nga si Cynthia. Nagulat pa siya na pumasok na ako.

Nagstay si Jaize sa apartment ko hanggang hapon kahapon. Pumasok na rin siya kanina, nagchat siya sa akin na nasa trabaho na siya. Nagsabi rin ako na nasa work na ako.

“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Cynthia sa akin.

Tumango naman ako. “Oo. Medyo masama lang talaga lagay ko kahapon. Nakapagpahinga naman na ako,” sagot ko.

Nakaka-guilty na magsinungaling. Pero tapos naman na, nangyari na. Babawi na lang ako ngayong araw. Pagbubutihan ko ang trabaho ko.

“Sure ka, a? Baka bigla kang bumagsak diyan. Nako, Brianna, baka mabinat ka pa, ha!” nag-aalalang sabi niya pa.

Bahagya akong natawa. “Hindi naman siguro. Okay naman na ako.”

Nagsimula na kaming magtrabaho. Bumalik na siya sa counter at ako naman ay sa harapan na ulit. Naghihintay na may customer na dumating.

Naging abala kami nang may dumating na ngang customer. Medyo masakit pa rin ang katawan ko pero sinikap kong magtrabaho ng maayos.

“Break time, Brianna. Wala pa namang customer,” ani Cynthia.

Ilang oras na rin akong nakatayo kanina nang may customer. Minsan nakakaupo naman ako kapag walang customer, pero sadyang mas matagal talaga na nakatayo at naglalakad-lakad.

May meryenda siyang dala, iyon ang kinain namin. Ang lunch ay baka bumili na lang ako sa malapit na food court. Pwede namang sumaglit na umalis, hindi naman sobrang tagal oorder ng pagkain.

“May boyfriend ka na ’di ba?” tanong ni Cynthia.

Tumango naman ako. Paminsan-minsan ay tumitingin ako sa labas dahil baka may biglang customer na dumating.

“So nagawa na ninyo ’yung alam mo na,” nahihiya pang sabi niya.

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya. Natawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Mukhang nakuha niya na ang sagot na gusto niyang malaman.

Uminom ako sa tumbler ko. Hindi ko kinaya ang biglaang pagsasabi niya no’n. Kahit hindi niya tinuloy o ginamit ang mismong word, nagets ko naman na agad iyon.

“Bakit mo naman nabanggit iyan?” tanong ko.

Umayos siya ng upo. Muli akong tumingin sa store. Hindi rin ako mapakali na nandito kami sa room namin habang walang tao sa labas. Baka mamaya masalisihan kami.

Inaya ko na muna si Cynthia. Tapos naman na kami. Pwede naman kaming mag-usap sa mismong pwesto namin. Mas okay na rin iyon kaysa naman walang tao rito, baka manakawan pa kami.

“So ayon nga. Kasi kami nung boyfriend ko hindi pa nakakaranas ng gano’n,” aniya.

Nakikinig naman ako kahit na may parte sa akin na nahihiya. Bakit ba kasi ganito ang usapan namin.

“Gaano na ba kayo katagal?” tanong ko naman.

“A year. Hindi pa kasi ako ready. Natatakot kasi akong mabuntis. Pero sabi niya hindi naman daw ako mabubuntis kapag ginawa namin. Virgin kasi ako, Bri. Natatakot ako,” pagkwento niya pa.

Napatango naman ako. “Hindi ka naman pinipilit nung boyfriend mo?” tanong ko naman.

Umiling siya. “Hindi naman. Pero pakiramdam ko nagsasawa na siya. Girl, feeling ko iyon lang ang habol niya sa akin. Hindi ko na alam, e. Gusto kong ibigay sa kaniya iyon pero natatakot talaga ako.”

Isang taon na sila at wala pa ring nangyayari sa kanila. Kami ni Jaize ay wala pang isang taon pero may nangyari na sa amin. And he still the same Jaize I know. Hindi lang iyon ang gusto niya sa akin, alam ko ’yon. Kahit noong mga nagdaang buwan na walang nangyari sa amin ay napatunayan ko namang hindi iyon ang habol niya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now