02

23 7 1
                                    

Kausap ko si Steph, my best friend. Nagpapatulong ako sa kaniyang humanap ng trabaho. Gusto ko na kasing makaalis dito sa amin. Gusto kong magtrabaho at kumita ng pera na para sa sarili ko at para na rin kila lola. Gusto kong makatulong.

“May alam ka bang pwedeng pasukan na trabaho?” tanong ko.

Magkavideo call kami ngayon. Hindi kami makapagkita dahil nga bawal pang lumabas, lockdown pa rin kasi. Pwede lang kaming lumabas hanggang sa barangay lang namin, pero kung sa ibang barangay na, hindi na kami papayagan.

“May kaibigan ako, naghahanap ng yaya ’yung kapatid niya. Dalawang bata nga lang,” sagot niya.

Napaisip naman ako. Dalawang bata? Kaya ko kaya iyon?

“Magkano raw ang pasahod?” tanong ko naman.

“Six thousand daw to eight thousand. Depende pa raw kung maganda performance mo,” sagot niya naman.

Marunong naman akong mag-alaga ng bata. Ang dami kong pamangkin na inalagaan ko na. Hindi na rin bago sa akin ang mga gawain tungkol sa bata.

“Isang six years old saka isang one year old daw. Magluluto ka lang para sa kanila saka maglalaba rin ng mga damit,” sabi pa ni Steph.

“Saan ba ’yan? Ako lang mag-isa?”

Tumango naman siya. “Oo, nandoon pa ’yung kaibigan ko. Bisexual ’yon. Kung doon ka magwowork, makakasama mo siya hanggang bakasyon, pero aalis din siya kapag may pasok na,” sagot niya.

Pinag-isipan kong mabuti ang alok na ’yon sa akin. Kinausap ko rin si lola tungkol doon. Malapit lang naman sa amin ang papasukan kong work, tuwing linggo ay pwede akong umuwi sa amin. Isang biyahe lang naman iyon.

“Kung ganiyang trabaho din ang papasukan mo, doon ka na sa mga tito Rey mo. Sa kuya Paeng mo raw naghahanap ng mag-aalaga sa anak nila,” ani Lola.

Malayo. Sa Pasig pa iyon, e. Pero okay rin dahil kamag-anak ko naman din ang tutuluyan ko ro’n.

“Magkano raw starting?” tanong ko naman.

“Five thousand daw sabi ng mga tita Day mo. Doon isa lang aalagaan mo, diyan sa sinasabi mo naman dalawa ang aalagaan mo, all around ka pa.”

Kaya pinag-isipan ko talagang mabuti iyon. Hindi ako mabubuhay rito sa amin kung aasa ako sa tatlong daang kita ko sa tahian. Ayaw kong maging pabigat kila lola. Ayaw kong mas dumagdag pa sa mga isipin niya.

Nang umuwi sila tito Rey, kinausap siya ni Lola na payag na akong sa Pasig na magtrabaho. Inayos ko na ang isang bag kong may mga damit. Iyon lang ang dala ko. Okay na iyon, saka na ako magpupundar ng mga damit ko kapag may pera na ako.

“Kapag may mga kailangan ka nandoon naman ang tita Day mo, tawagin mo lang sa kabila,” bilin ni Lola.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Noon kasi nagpupunta ako sa Pasig para magbakasyon lang. Ngayon ay pupunta ako para magtrabaho na. Balita ko pa nga maarte raw sa pagpapakain sa bata. Puro gulay lang at hindi nilalagyan ng kanin ang pagkain nung bata. Kailangan pang i-blender para daw makain nung bata.

Walong buwan si Gavin. Kailangan na raw kasing magtrabaho nung nanay kaya naghanap na sila ng magbabantay sa bata. Nang makita ko si Gavin at sinubukan kong kunin ay agad naman siyang sumama. Bilugan ang mukha at kulot ang buhok. Sa isip ko nga ay nasabi ko na lang na para siyang Santo Niño. Mapisngi kasi siya at ang itim ng mata ay medyo malaki rin.

“Bea, kausapin ka namin,” ani Kuya Paeng.

Siya ang amo ko, magpinsan kami pero hindi buo. Magpinsan ang Mama niya at ang Mama ko. Tita ko ang Mama ni Kuya Paeng.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now