08

22 7 0
                                    

Iʼm a bit shy. This is our first meet up. This is not planned. Birthday niya ngayon and I surprised him.

Kumalas ako sa yakap sa kaniya. Pero gusto ko nakayakap lang ako. It feels good to hug him. I want to hug him more. Maybe later.

“Happy birthday, my love...” I said while looking at him.

He stares at me intently.

“Thank you.”

“What gift do you want for your birthday?” I asked.

He holds my hand. Napatingin ako roʼn. Agad ko rin namang binalik sa mga mata niya ang tingin ko. His deep set eyes looks intimidating.

“Us being official,” he answered.

I smiled. I canʼt hide my happiness.

“So you want a label? Okay, then. Weʼre now official.”

Weʼll celebrate our first month next month, then. Thinking about our status right now makes me happy indeed. I really love him. Everything about him.

Nasa biyahe kami ngayon pauwi sa kanila. I have money for a month. Kailangan makahanap na ako ng work this week para hindi maubos ang ipon ko. I neee to find an apartment, too. Magpapatulong na lang ako kay Jaize sa paghahanap.

“Wala si Farrah?” tanong ko pagkarating namin.

Dalawang aso ang sumalubong sa akin. Mahilig ako sa aso, mas mahilig ako roon kaysa sa pusa. Pero okay rin sa akin ang mga cats, I find them cute and sweet.

“Nasa apartment,” sagot niya naman.

Seeing their house right now makes me overthink about things in my life. Sobrang laki ng bahay nila. Pero ang pakiramdam ko parang nasusuffocate ako, hindi ako makahinga. Pakiramdam ko hindi ako bagay sa ganito.

I canʼt help but compare his lifestyle in mine. Sobrang layo pala talaga ng agwat naming dalawa. Pakiramdam ko tuloy kahit nasa akin na siya, hindi ko pa rin siya maabot. Masyado siyang mataas para sa tulad ko. I feel insecure right now. Not that I am ashamed being poor or what, I just canʼt stop thinking about things right now.

“Anong iniisip mo?”

Bahagya pa akong nagulat nang dumako ang kamay niya sa baywang ko. Nanatili akong nakatayo kasi at nakatingin sa paligid. Napansin niya siguro iyon kaya nilapitan niya na ako.

“Wala naman. Ang laki ng bahay ninyo,” sagot ko.

Binalik ko ang tingin sa kaniya. Nagtama ang tingin naming dalawa. Para bang binabasa niya sa mga mata ko kung anong iniisip ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at bahagyang tumango sa akin.

“Donʼt overthink, love. Alam ko na ʼyang mga ganiyan mo,” may banta sa tonong sambit niya.

Bahagya akong natawa at iniwas ang tingin sa kaniya. Hindi ko matagalan sa ngayon ang titig niya. Parang matutunaw ang tuhod ko at bigla akong babagsak sa paraan ng titig niya. Nakakapanghina.

“May alam ka bang apartment na mura lang ang bayad? Maliit lang naman kailangan ko, para sa akin lang,” sabi ko.

Naglakad ako papunta sa sofa at naupo roon. Agad namang sumunod si Jaize at tumabi sa akin. Nakaharap ako sa kaniya at naghihintay ng isasagot niya.

“Bakit mag-a-apartment ka?” tanong niya.

Napakunot ang noo ko. “Para may matirahan ako? Alangang sa kalsada lang ako tumira?” sarkastikong sagot ko naman.

Nanatiling salubong din ang kilay niya habang nakatitig sa akin.

“Pwede ka namang dito na lang sa bahay,” sabi niya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now