09

22 8 2
                                    

Medyo natagalan kami sa paghahanap. May ibang apartment kasi na sobrang mahal ng renta. Naghanap pa kami ng mas mura doon. Ilang apartment ang napuntahan namin hanggang sa nagdecide na rin akong kunin na itong huli. Five thousand ang down, three thousand a month naman ang upa, bukod pa ang bayad sa tubig at kuryente.

"Okay na siguro ʼto. Hahanap pa akong work," sabi ko kay Jaize.

Maliit lang ang nahanap naming apartment, tama lang siya para sa akin. Bibili pa ako ng mga kailangan ko. Pero kainaman naman dito may papag na higaan nang kasama, bibilhan na lang ng foam para hindi masakit sa likod.

"Ngayon ka rin ba bibili ng mga kailangan mo rito?" tanong ni Jaize.

Tumango ako. May malapit na mall at palengke rito. Maganda nga ang pwesto ng apartment na ʼto, hindi na malayo sa mga kailangan kong puntahan. Isang biyahe lang din ito papunta kila Jaize.

Kumain muna kami. Late lunch na nga iyon. Saka kami dumiretso sa palengke. Ang gusto ni Jaize ay sa mall kami bumili ng mga kailangan ko, pero masyadong mahal doon. Kailangan kong tipirin ang pera ko, hindi pwedeng basta gastos lang ako lalo na ngayon na wala pa akong trabaho.

Ang mga kailangan ko lang muna ang binili ko. Tulad ng rice cooker, kutson para sa higaan, unan at iba pang pangunahing kailangan.

"Ako na," sabi ko kay Jaize nang subukan niyang bayaran ang ibang gamit na bibilhin ko.

Alam kong gusto niya lang tumulong, pero ayaw kong bayaran niya ang mga gamit na ako naman ang mangangailangan.

"Love, I can pay."

Tumango naman ako. "Kaya ko rin magbayad," sagot ko sa kaniya.

Wala rin siyang nagawa dahil iyon ang gusto ko. Pero sa pagbabayad sa sinakyan namin ay siya na ang nagbayad, hindi na ako nakipagtalo roʼn. Tumulong din siyang ibaba ang mga gamit na nabili namin. Ang magagaan ay ako na ang nagbaba para makabawas din sa mga hahakutin nila nung driver.

"Salamat po," magalang kong sabi sa driver matapos malapag ang mga binili namin.

Pinasok ko na sa apartment ang ibang gamit. Si Jaize ang bumuhat sa hindi kabigatan na mga gamit. Wala naman halos mabigat doon, bigas lang siguro. Bumili na ako ng isang sako, hanggang kailan kaya aabutin noʼn sa akin?

"Kasya ba ang mga damit mo rito?" tanong niya.

Pinwesto niya sa gilid ng higaan ang maliit na cabinet na binili ko. Kasya naman siguro ang mga damit ko roʼn, hindi naman sobrang dami noʼn.

"Kasya ʼyan. Pagkakasyahin," sagot ko naman.

Naubos ang buong araw namin sa pag-aayos ng mga gamit dito sa apartment ko. Sasama ako sa kaniya ngayon pauwi sa kanila para kunin ang ibang gamit ko na naiwan doon.

"How about your work? Anong trabaho ang papasukan mo?" tanong niya.

Kararating lang namin. Nandito kami sa kwarto niya ngayon. Ako na nakaupo lang at siya ay nakahiga naman sa hita ko. Pinaglalaruan ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Medyo mahaba na ang buhok niya.

"Kahit anong work. Kung saan pwede," sagot ko naman.

Napagod sa pagtulong sa akin si Jaize kaya nakatulog siya ngayon habang marahan kong pinaglalaruan ang buhok niya. I let him sleep in my lap. Hindi ko na ginising o inilipat sa unan. Sumandal na lang ako para hindi ako mangawit.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming ganoʼn. Napamulat na lang ako dahil sa mainit na kamay na humahaplos sa mukha ko.

"Dito ka na ulit matulog ngayon. Bukas ka na umuwi sa apartment mo," sabi niya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now