17

31 6 0
                                    

Break time nila. Nandito kami ngayon sa labas, may mga bleachers naman dito. Nakikipag-usap naman si Jaize sa mga kasamahan niya.

“Hello,” bati ni Danna sa akin, ang babaeng nakausap ni Jaize kahapon.

Tipid akong ngumiti. “Hi,” bati ko rin pabalik.

Mahinhin talaga. Pero siya ang nagfirst move ngayon na kausapin ako. Mukhang friendly naman siya.

“Ilang taon ka na?” tanong niya.

Nakaupo siya ngayon sa tabi ko. Napaayos naman ako ng upo at medyo nakakaramdam na naman ng hiya.

“Twenty two,” sagot ko. Pitong taon ang tanda ni Jaize sa akin.

Bahagya siyang nagulat. “Sure ba? I’m twenty three. Girl, ang bata mo tingnan. Hindi halata sa age mo ang itsura mo,” sabi niya naman.

Ang dami ngang nagsasabi na baby face ako. Pati ang height ko rin kasi ay hindi inayon sa edad ko. Mukha tuloy akong Senior High School student. Kapag katabi ko si Jaize, nagmumukha akong nakababatang kapatid niya. Kasing tangkad ko lang yata si Farrah.

Si Danna naman ay matangkad at slim ang katawan. Bagay lang sa edad niya ang physical appearance niya. Kahit simple lang din siyang manamit, parang ang sosyal pa ring tingnan sa kaniya. Sabi nga ni Jaize, mahinhin with class si Danna. And I can see it now.

“Nabanggit ni Jaize na mahilig ka raw sa anime? One Piece?” sabi ko naman, sumubok ng panibagong topic.

She nods at me. “Yeah. I really love it. How about you? Nanonood ka rin ng One Piece?” excited niyang tanong.

Natuwa naman ako bigla. Ganito rin kasi ako kapag gusto ko ang topic, nagiging excited talaga ako.

“Nanood lang siya nung nakilala niya na ako,” sabi naman ni Jaize na nasa tabi ko.

Nakikisali sa usapan namin kahit na kausap din naman siya ng ibang kasamahan niya. Hindi ko na lang pinansin at tinuon ko na lang kay Danna ang atensyon ko.

“Nanood ako noon sa tv. Pero hindi talaga kasi ako mahilig sa anime. Pinanood ko lang talaga ang One Piece because of Jaize,” sagot ko.

Napa-O naman ang bibig ni Danna at tumango-tango.

“I see. So gaano mo katagal natapos ang mga episodes?” tanong niya ulit.

“Two months siguro mahigit bago ako nakaabot sa recent episode noon. Masyado rin kasi akong busy that time, and nagsusulat din ako kaya nahahati rin ang oras ko,” sagot ko naman.

“She’s an author. Sa wattpad kami nagkakilala,” sabi ni Jaize.

Tipid lang akong ngumiti kay Danna at tumango na lang.

“Ang galing naman. Nagbabasa rin ako. Try kong basahin ang mga gawa mo,” aniya.

“Magaganda mga gawa niya. Nabasa ko na lahat,” sabi na naman ni Jaize.

Kanina ko pa napapansin na nakikisali siya sa usapan namin. Girls bonding kaya ’to, hindi siya kasali.

“I’ll try it, then.” Tinanong ako ni Danna sa username ko. Hinanap niya agad iyon para daw hindi na makalimutan.

“How about chinese drama? Mahilig ka ba sa gano’n?” tanong ko naman.

“OMG! Yes! Pati sa korean drama,” excited niya pang tugon.

Parehas kaming kinilig. Nakahanap ako ng kaparehas ko ng hilig. Kaya pala tuwang-tuwa rin si Jaize sa pagkukwento kay Danna. I like her na tuloy. Mali na nagselos pa ako sa kaniya.

“More on chinese drama talaga ako,” sambit ko.

“I can’t blame you with that, girl. Ang gaganda naman kasi ng mga palabas nila,” sagot niya.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now