01

45 8 0
                                    

Life is full of shits. Life is really hard. You will face a lot of problems in life, if you give up, you’re a loser. You need to win. You need to face all of those problems. You need to be strong.

“Tangina! Lockdown na naman daw?!” himutok ko nang marinig ang balita.

Hindi na nga kami nakagraduate sa school dahil sa biglaang nawalan ng pasok. Akala ko isang linggo lang mawawalan ng pasok. Tuwang-tuwa pa ako no’n kasi makakapagpahinga kahit papaano. Pero ang isang linggo ay nadagdagan pa ulit ng isa pang linggo.

Birthday ko pa naman sa susunod na linggo. Sana naman hindi na lockdown. Debut ko pa naman ’yon. Kahit walang handa ay ayos lang basta makasama ko mga kaibigan ko. Kahit inuman lang ayos na. May pera naman akong nakalaan para sa birthday ko.

“Masaya pa kayong walang pasok, ayan dinagdagan pa,” sabi ni Lola.

Banas na banas akong humiga sa kama ko. Tapos naman na akong maghugas ng kinainan namin. Matutulog ako ngayon dahil wala naman na akong ibang gagawin.

Hindi pwedeng hindi ako matutulog tuwing tanghali dahil kapag sumasapit na ang gabi ay sumasakit na agad ang ulo ko. Kaya nakasanayan ko nang matulog kapag tanghali, tapos hanggang madaling araw na akong gising at nakatutok sa cellphone para magbasa ng wattpad stories.

Iniisip ko ngayon kung anong magiging ganap sa birthday ko. Pwede naman akong maghanda, kung maraming pupunta. Pero sa tingin ko naman ay iilan lang ang pupunta kung sakali. Si Steph at sila Domingo lang siguro ang makakasama ko sa birthday ko. Mga tropa lang talaga.

“Hoy hindi! Si Letter A ’yon!” rinig kong sabi ni Tin.

Kingina na namang mga bata ’to. Alam namang natutulog ako, ang iingay nila. Puro kaharutan na naman ang pinag-uusapan nila ni Janine. Umay sa mga pinsan kong ’to.

“Tanga! Nakita ko kahapon ’yon!” si Janine.

Ayaw ko ng maingay. Naiinis ako kapag bitin ang tulog ko. Konting ingay lang nagigising na agad ako. Konting liwanag lang nababanas na ako dahil nagigising din ako. Parang nananadya pa ang mga ’to. Dito pa sa kwarto nagkwentuhan, alam namang may natutulog.

“Lumabas nga kayo ro’n! Napakaiingay ninyo, natutulog ako!” inis na sigaw ko sa kanila.

Sinabi nang ayaw kong maingay at iniistorbo ako sa tulog. Palagi pa naman akong puyat, nagbabawi ako tuwing tanghali ng tulog. Minsan napapagalitan na ako nila Lola, pero syempre hindi ako nagpapatinag. Nakikinig naman ako sa sermon, hindi ko lang talaga sinusunod minsan.

Minsan kapag sobrang sama ng loob ko sa kanila, iniisip ko na lang na umalis at maghanap ng trabaho. Pero dahil hindi pa ako eighteen, walang maayos na trabaho akong mahahanap. Pero malapit naman na akong mag-eighteen. Isang linggo na lang.

Pero hindi pa man dumarating ang birthday ko, nag-announced na naman sa tv na hindi pa rin tapos ang lockdown, mas lalo pa nga iyong tatagal. Kinginang covid19 ’yan. Bakit bigla kasing sumulpot ang virus na ’yan. Anong gagawin ko sa April three? Sa mismong debut ko pa talaga naglockdown? Ang dami kong plano para sa debut ko. Akala ko pa naman magiging masaya ’yon.

Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa ba ako dahil hindi ako mapapagastos, o maiinis ako dahil hindi ko man lang makakasama mga kaibigan ko sa birthday ko?

“Happy Birthday!” bati sa akin nila lola.

I should be happy, right? Hindi man natuloy ang plano kong debut celebration, at least nandito naman sila lola. Okay na akong hindi man engrandeng handaan, basta kasama ko naman sila. Bawi na lang siguro sa mga susunod na birthday.

“Nagpadala kaya si Papa?” tanong ko kay Lola.

Kumakain kami ngayon ng pancit. Nakapagbukas na rin ako ng mga chats kanina sa facebook. Binati na nila ako. May post na rin nga ako at marami ring bumati sa akin sa comment section.
Isa-isa ko pang nireply-an iyon.

Right Here (BOOK 1)Where stories live. Discover now