Chapter 25

1 0 0
                                    

Chapter 25

"Ms. Share," kaagad na tinawag ako at nilapitan ni Vice Pres."Mabuti naman po at nakarating kayo," todo ngiti pa siya, gaano ba ako kaimportante sa party na ito at napapangiti sila kapag nakikita nila ako na um-attend.

"S'yempre naman, hindi ko kayo p'wedeng tanggihan dahil lahat ginagawa niyo masuportahan lang ako, kaya salamat ah!" Hinawakan ko pa ang kamay niya tsaka iyon pinisil. Sobrang thankful ako dahil sa kabila ng stress na binibigay sa akin ng bwisit na Jeon na 'yon, may mga tao pa rin sa school na nagpapagaan ng loob ko at nagtatakip sa hinanakit at pagka-asar na dulot sa akin ni Jeon.

"Wala lang po 'yon, sige po pasok na, enjoy the rest of the night," hindi na ako umimik at nginitian na lang siya.

Pumasok na kami sa loob ng resto at doon ko nakita na nandoon din si Jeon, hays! Ano na naman kayang ginagawa nito dito. Manggugulo na naman ba siya? Hindi na nahiya!

Ah oo, ako nga pala ang dahilan ng party na 'to kaya ako ang mamimili kung sino ang mga gusto kong makita dito, so p'wede kayang mag-request na paalisin siya dito? Dahil hindi ako komportable na makita siya, para akong nasasakal kapag malapit siya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako ng wala sa oras, "Upo na, pagod ka yata hindi pa nagsisimula ang party," ani Ivan kaya naupo na lang ako.

Habang abala sa pagke-kwentuhan ang anim, nabaling ang tingin ko sa bwisit na 'yon at doon ko nakita na nakatingin pala siya sa akin. Ano naman kayang dahilan at nakatingin siya sa akin? Bwisit nga naman oo! Kanina pa ba siya nakatingin? Nakakainis talaga ang lalaking iyan!

"Pahangin muna ako ah," paalam ko sa anim tsaka kaagad na lumabas, hindi ko alam kung anong nagawa sa akin ni Jeon at ganoon na lang ako ka-allergic sa kanya, siguro dahil bully siya? Dahil mayabang siya? Dahil lahat ng bagay akala niya makukuha niya ng ganoon lang kadali? Dahil siguro spoiled brat siya, wala namang maganda sa katangian niya eh, lahat pangit, mukha lang niya ang g'wapo. Hays, oo, inaamin ko na g'wapo talaga siya! Eh ano naman? Wala namang ibig sabihin 'yon ah. Oo maniwala kayo!

"Bwisit ka!" inis na wika ko tsaka sinipa ang bato na malapit sa akin.

I am wearing black pants tsaka white t shirt, simple lang naman ang party kaya hindi required na formal ang suotin mo.

"Ako? P'wede bang ilugar mo 'yang pagiging maldita mo dahil baka kung anong magawa ko sayo," biglang salita ng pamilyar na boses.

Parang narinig ko na ang boses na 'yon ah.

"Kung may kaaway ka, huwag mong idamay ang walang kinalaman na bato, inosente 'yan eh,"

"P-pake mo naman?“ natigilan ako sa pagsasalita nang makita ko si Yoon na nakatayo sa isang sulok.

"May pake ako, mukhang kilala ko kung sino na naman nagpapakulo ng dugo mo," hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi ko mawari kung sino ang kausap niya.

"Ano bang paki mo? Umalis ka nga, badboy!" singhal ko sa kanya kaso hindi pa rin siya kumikibo pero this time nakamasid na siya sa akin.

Hindi katangkaran si Yoon at halos magkapareho lang kami ng height, pero paki ko ba sa height niya? Hays!

"Hay, sayo ba ang buong resto at gusto mong umalis ako?" hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Kung p'wede nga lang bilhin ko 'tong resto mapaalis lang kayong magkaibigan ginawa ko na." mahinang sabi ko.

"Ano? May sinasabi ka?" tanong nito sabay irap.

"Wala, sabi ko pasok na ako sa loob," tinalikuran ko na siya at wala ng balak na harapin pa siya muli kaso nagsalita siya dahilan para kusang tumigil ang mga paa ko sa paglalakad.

"Worth it ka siguro na tao, kaya nagsasayang ng oras sayo si Jeon at ang mga kaibigan namin, pero ako, never akong magkakainteres sayo. Alis na!" gago talaga 'tong lalaki na 'to bwisit.

"Pero mag-ingat ka dahil ngayon pa lang, may nasira ka ng friendship na matagal binuo, at sana huwag ng matuloy ang mga dapat matuloy," nilingon ko siya at nakita ko kung gaano kaseryoso ang mukha niya pati ang tono ng pananalita niya.

"Hay ano bang sinasabi mo? Baliw!"

Tuluyan na akong bumalik sa loob at hindi na siya muling nilingon na dapat ay kanina ko pa ginawa. Nababaliw na siguro ang Yoon na 'yon kaya ganoon ang mga sinasabi niya.

"Okay ka lang? Ba't parang pawis na pawis ka, ang lamig naman ah, may masakit ba sayo?" tanong ni Kim nang makabalik ako sa table namin.

"Ayos lang naman ako, no worries, mainit lang talaga 'tong suot ko," nginitian ko na lang si Kim para mapanatag na siya, alam ko kasi na hindi siya titigil kakatanong kapag sinabi ko na hindi ako okay dahil ginulo ng baliw at badboy na Yoon ang isip ko.

Napatingin ako kung nasaan ang p'westo ni Jeon kanina at nakita ko na wala na siya roon.

Saan siya nagpunta?

Pero paki ko naman? Hays! Mas mabuti nga 'yon para maging komportable na ako!

Nag serve na sila ng pagkain kaya inabala ko na lang ang sarili ko na kumain ng madami. Infairness naman sa resto na 'to, ang sarap ng mga menu nila ah, hindi lang sa picture masarap, pati sa tastes.

"Ms. Share, congrats ulit, I hope ikaw na ang babago sa plataporma ng university natin, ikaw lang ang pag-asa namin Ms. Share," sigaw ng isang estudyante kaya parang may humaplos naman sa puso ko, ang daming sumusuporta sa akin kaya hindi ko sila p'wedeng biguin, I will do everything para mapabuti ang university na matagal na nilang gustong ayusin.

"Gagawin ko lahat," hindi ako mangangako at gagawin ko na lang dahil baka mapako pa.

"Ms. Share, sana po mapatalsik niyo na si Yoon at Jeon dahil sobra na po ang mga ginagawa nila, kayo na lang po ang pag-asa namin,"

Sanay ako sa papuri pero hindi ako sanay na magpaalis ng mga taong nakapaligid sa akin. Sila ang bahala kung kailan nila gustong umalis.

Kaya ikaw Jeon, magbago ka kung gusto mo pang manatili sa lugar na ito, sa university, hindi kita paaalisin pero tuturuan kita ng leksyon at tuturuan kita kung paano maging isang mabait at totoo na tao, manood ka lang at matuto! Humanda ka!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon