Chapter 13

2 0 0
                                    

Chapter 13

"Hello besty, nakauwi ka na ba? Sorry ah hindi kita nahatid at nasundo kanina, may emergency kasi sa bahay kaya 'yon," sa sobra siguro nitong pag-aalala napatawag pa ng wala sa oras.

"Oo naman nakauwi na ako, six na kaya ng gabi, hinatid ako kanina nila Ram, kaya huwag ka ng mag-alala, at huwag ka na rin makonsensya kung hindi mo man ako nahatid rito sa bahay at nasundo kanina sa clinic," sising sisi na naman ang loko, hmp!

"Mabuti naman at sila Ram ang naghatid sayo at hindi ang Jeon na 'yon, mabuti naman at nasa mabuting kamay ka," ang raming alam nito.

"'Yon? Ihahatid ako? Huwag na 'no, mabuti pang sa school na lang ako matulog kaysa naman ro'n pa ako magpahatid,"

"Lagi ka na lang no'n sinasaktan, bakla yata 'yon eh napatol sa babae. By the way nakita na ba ni tita ang pasa mo? Anong sabi?" 'yon nga ang pinag-aalala ko, kung ano ang sasabihin ni mama. Baka sumugod pa 'yon ng wala sa oras sa school.

"Hindi pa, hindi pa siya nakakauwi, mamayang seven siguro ganoon naman madalas ang uwi niya,"

"Eh 'di wala kang kasama? Mag-ingat ka nako," 'yon nga kaya naka-lock ang pintuan ng k'warto ko, ayaw ko naman kasi na kumuha ng kasama sa bahay kasi dagdag gastos pa ang bagay na iyon, oo nga may pera kami kasi mayaman naman kami ng sskto lang pero ayokong gastusin ni mama ang pera namin para lang sa pagpapasweldo ng katulong, para na lang 'yon sa future namin, para kapag may emergency ba eh may gagastusin kami pero knock on wood huwag naman sana. Hindi naman sa maramot akong tao, kagaya nga ng sabi ko, mahirap na magtiwala sa kahit sino, lalo pa't papapasukin mo siya sa sarili mong bahay, baka kung ano pa ang magawa ng taong pagkakatiwalaan mo sayo at sa mga mahal mo sa buhay.

Teka, mahirap akong magtiwala sa mga tao pero bakit nakuha kaagad ni Ivan ang loob ko at niyong lima? Siguro dahil unang kita mo pa lang mababait na sila, why not naman i-try 'di ba kung talagang mapagkakatiwalaan sila o hindi, at dahil riyan pag-iisipan ko muna kung kukuha na ba kami ng kasambahay o hindi, ako lang naman ang may ayaw no'n si mama gustung-gusto niya.

"And'yan ka pa ba?"

"Ah oo, may naisip lang ako. Totoo wala akong kasama pero nakalock naman ang buong bahay," bubuksan ko na lang ang pinto mamaya pagdating ni mama.

"Sige besty mag-ingat ka ng mabuti ah wala ka pa namang kasama riyan, sunduin na lang kita bukas magpahinga ka na muna, good night,"

"Good night, agahan mo bukas maaga akong papasok,"

"Sige babye," pinatay ko na rin ang tawag kasi mukhang antok na rin ang isang 'yon.

Hindi pa naman ako inaantok kaya binuksan ko muna ang FB ko para i-check kung ano na nangyayari ro'n, hindi pa naman ako active sa FB account ko, minsan kasi waste of time lang ito tsaka hindi rin mabuti sa mata at sa kalusugan na masyadong babad sa social medias, nakaka-adik rin daw kasi, kaya iniiwasan kong gumamit, though p'wede pero paminsan-minsan lang.

Pagka-open ko pa lang ang rami ng pumasok na notifications.

"Ano naman kaya 'to?" tanong ko sa sarili ko habang pinipindot ang mga naka-tag sa akin.

"Galit-galitan baka bandang huli ma-fall rin sayo!"  tag ni Jy sa akin.

"Angas eh mukhang wala rin namang ibubuga, 'di ba aming prinsesa?"  tag ni Hope sa akin.

Walang tag iyong tatlo, itong dalawa lang talaga, at teka, paano nila ako natag eh hindi ko naman sila friends? Dahil d'yan chineck ko ang friend request ko at doon ko lang naintindihan na naka-follow na pala silang lima sa akin at pati si Ivan, kaya ang ginawa ko in-accept ko na lang sila para naman hindi na sila magkalat pa sa newsfeed ko, baka kung anu-ano na naman ang isipin ni mama mas active pa naman 'yon sa social media kaysa sa akin.

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat