Chapter 23

1 1 0
                                    

Chapter 23

"Congrats nga pala ulit anak, ang galing galing," kagabi pa congrats nang congrats si mama hindi na nagsawa pero thank you naman ako nang thank you, patawa talaga kami eh. Nagcelebrate pa nga kami kagabi na dalawa kaya late na rin nakatulog mabuti na lang at hindi late na nagising, hayts!

"Thank you 'ma, sige mauna na po ako, first day ko as SSG president, ayoko pong ma-late, bye I love you!" hinalikan naman ako ni mama sa noo tsaka ako kumaway bago sumakay sa taxi na kanina pa nag-aabang sa akin, kanina ko pa kasi pinara.

Habang naka-sakay ng taxi, in-open ko muna ang FB ko at nakita na marami akong friend request, marami rin messages, at comments tsaka notifications, pero hindi ko nireplyan lahat kasi hindi lahat kailangan replyan, baka kasi mapudpod mga daliri ko kaka-type, hindi naman sa pa-famous ako pero ayoko lang talaga nirereplyan lahat ng nasa message box ko.

Ilang minuto lang rin nakarating na ako sa school, at nang bumaba ako, ang anim na lalaki ang bumungad kaagad sa akin, as usual, para na naman silang mga anak ng mafia boss dahil nakaitim silang lahat ng jacket. Uniform ba nila 'yan? Matanong nga sila mamaya.

"Good morning madam president," bati pa ni Ivan ng may ngiti sa labi.

"Ang pangit naman ng madam Ivan," angal ko naman.

"How's your gising?" tanong naman ng Kim, napansin siguro niya ang malaki kong eye bug.

"Alam ko malaki ang eye bugs ko Kim, huwag mo ng ipahalata," angal ko ulit sa pangalawang pagkakataon.

"That's not what I meant, kumusta nga ang tulog mo? I just wanted to know it, if you don't mind," mukhang mao-offened pa yata ang loko.

"Okay naman, masaya dahil kayo kaagad ang bumungad sa akin," sagot ko naman kasunod ang kanyang pagtango.

"First day mo as SSG president, new journey pero makakasama mo na ang kinaiinisan mo for pete's sake," napaka-seryoso na naman ni Ram, pero minsan may ikinabuti ang pagiging seryoso niya.

"Oo nga, and I don't have to deny the fact na parati ko na siyang makikita at worst parati ko pa siyang makakasama," hindi ko man gusto ang makasama siya parati, wala akong magagawa dahil tandem kami sa pagsasaayos ng university, pagsasaayos nga ba talaga? O siya ang number one na gugulo sa university na pilit kong isasaayos.

"Huwag mo na lang siyang pansinin, focus ka na lang sa goal," puna naman ni Minny. Kahit ayoko siyang pansinin napipilitan pa rin ako kasi sobra niya talagang papansin, tsaka kumukulo rin ang dugo ko sa kanya kasi isang lapit pa lang niya ninenerbyos na talaga ako.

"Nice advice indeed," komento ko naman sa sinabi ni Minny.

Matapos magkumustahan napagpasyahan na naming maglakad at pumasok sa kanya-kanyang class, kung 'di ko pa nga pala nake-kwento, dahil parang wala akong maalala na ikinwento ko, grade 12 nga rin pala ang limang 'to pero hindi ko sila kaklase, at sa pagkaka-alam ko kaklase nila Ram sila Yoon at Jeon, bale magkakaklase silang seven boys.

"Congrats again Ms. Share," nakangiti ang propesor nang batiin ako pero pansin ko nang makita niya ang lima'y parang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tama ba ang sinabi saakin ni Ivan noon na kinatatakutan ng mga propesor ang seven boys? Well mukhang alam ko na kaagad ang sagot doon, iyon ay oo!

"It seems na natatakot ka pa rin sa amin propesor, hindi mo na kailangan pa na matakot, hindi naman na namin kasama sila Jeon at Yoon,"

Hindi pa rin mapakali ang propesor.

"Tama po ang sinabi ni Jy, nag-FO na po sila," sabat naman ni Ivan.

"Oo nga po, kita niyo naman na si Share ang sinuportahan namin kahapon at hindi sila Jeon at Yoon, hindi po ba?" straight tagalog 'yon Kim ah, kaya mo naman paang magtagalog nage-english ka pa.

"Tsaka prof, ano pong kinatatakot niyo sa kanila? Tiklop nga po mga 'yan sa akin eh," wika ko naman dahilan para mag-iba ang ekspresyon ng propesor, ngayo'y nakangiti na siya at parang nawala ang takot dahil sa mga sinabi namin.

"Puro naman pala kayo kwela, ang ibig bang sabihin niyan ay hindi na kayo naghahari-harian?"

"Hindi naman po kami naghahari-harian prof ah, hindi po kami 'yon, sila Jeon lang naman at Yoon ang gumagawa no'n, mga good boy po yata kami 'no!" naiiling naman na wika ni Minny.

"Sa pagkaka-alam ko, si Kim lang ang tinaguriang good boy sa atin, nang-aagaw ka na naman ng p'westo Minny, 'yan na naman ang sinasabi ko sayo eh, mabatukan ka na naman d'yan," para sa akin Hope good boy kayong lahat, hindi lang si Kim pero siya ang number one, myghad!

"Ang rami mong alam Hope, hayts!" Kim said while rolling his eyes. Nagro-roll eyes ba naman?

Mukhang tama naman ang kwento ni Ivan sa akin, sila Yoon at Jeon nga lang talaga ang pangunahing problema sa seven boys.

"Tama na 'yan at baka magsuntukan pa kayo dahil sa asaran ninyo. Papunta sana ako sa room mo Ms. Share para ibigay 'to kaso mabuti na lang at nakita ko kayong nadaan dito kaya ibibigay ko na," inabot niya sa akin ang isang papel.

"Ano po 'to?" tanong ko habang binabasa ang papel.

"So, 20 lang ang gap ng botohan?" tanong ko ulit kay prof tsaka naman kinuha sa akin nila Ram ang hawak kong papel na kabibigay lang ni prof.

"Yes, and thankful ang buong faculties dahil ikaw ang nanalo, can't wait na maayos mo ang university Ms. Share," todo ngiti pa si prof na sinuklian ko rin naman ng ngiti.

Ramdam ko na totoo talaga ang sayang nadarama nila although kabago-bago ko pa lang sa school na 'to mabilis na silang naa-attach sa akin and I am happy na pinaramdam nila sa akin na welcome ako sa eskwelahang ito. I really love staying here even though may epal na Jeon at Yoon.

"By the way prof mauna na po kami, may klase pa po kami," nagpaalam na ako kay prof at ganoon rin ang ginawa ng anim tsaka kami naglakad at kanya-kanyang pumasok sa kanya-kanyang rooms namin.

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now