Chapter 4

2 1 0
                                    

Chapter 4

Nang paakyat na kami ni Ivan ng hagdan nakita ko na naman ang pinaka-hate kong makita rito sa school, si gunggong, and guess what may kalampungan siyang babae, kung makalingkis akala mo naman kung sinong ahas, dinaig pa si Valentina na parang reyna ng ahas. Pero teka, is it right to call her as ahas or mas bagay ang higad? Oh well, ang ahas naman at higad ay parehong gumagapang kaya p'wedeng both.

Hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin, huwag ka tumingin nakakainis ka!

"Oh anong tinitingin-tingin mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng g'wapo?" ang kapal, kasingkapal ng simyento ang mukha.

"Saan banda? Neknek mo 'no, isaksak mo sa baga mo 'yang self confidence mo!" tsaka ko siya inirapan. Kala niya, gungong siya 'no!

"Tara na baka ma-late tayo, terror pa naman ang professor natin sa math," pag-aaya ni Ivan kaya pinutol ko ang tinginan na nakakapaso.

"Ganoon ba talaga 'yon?" na-curious na naman ako, nasa kanya na yata lahat ng pinaka-pangit na ugali, hindi ba nate-turn off ang higad slash ssss ahas sa kanya? Sama ng ugali!

"Ang alin? Ano na namang napansin mo sa kanya? Sabi ko na nga ba na hayaan mo na lang 'yon, likas talaga na bully si Jeon," ohh so Jeon is the name, ang ganda ng pangalan kaso ang sama ng may-ari, kausapin ko kaya magulang niya para itanong kung bakit iyon ang ipinangalan sa kanya.

"Yup, I know na bully siya 'cause I saw it, ang tinatanong ko is kung parati ba na may nakalingkis sa kanya na babae, siya lang ba o silang pito?"

"Curious ka talaga sa kanila 'no, pero sige, since gusto mong malaman sasabihin ko sayo ang mga nalalaman ko tungkol sa kanila. Ipapakilala ko sila sayo isa-isa. Si Jeon ang pinaka-leader nila, ang playboy sa grupo. Si Yoon naman ang pinaka-bad boy sa kanila, silang dalawa ni Jeon ang pinaka-mabagsik sa grupo, kapag nagpapalit sila ng babae para lang silang nagpapalit ng damit araw-araw o oras-oras. Si Kim naman ang pinaka-mabait sa grupo, siya ang tinaguriang good boy, siya rin ang madalas na nakakabangayan ni Jeon dahil sa mga ginagawang pambubully nito. Si Minny naman ang pinaka-hot raw sa grupo, hindi ko nga lang alam kung talaga nga bang hindi siya babaero o ano. Si Hope naman ang dancer sa grupo madalas kinakikiligan dahil sa mala-anghel na pagsasayaw nito. Si Ram, siya ang pinaka-brainy sa grupo, mahilig maglaro ng chess and at the same time siya ang pambato ng school sa mga math competition nakalaban ko na rin siya minsan sa isang math competition, and lastly si Jy, siya ang pinaka-masayahin sa grupo, siya ang tinaguriang the joker sa grupo dahil may sense of humor ito kapag kausap mo, siya rin ang madalas na bumabara kila Jeon at Yoon. And that's what I know about the seven heartthrob of the school," heartthrob raw, pero tama except roon sa dalawa na feeling pogi, kaasar!

"Ang rami mong alam tungkol sa kanila ah," pagkatapos kong marinig ang mga kinwento ni Ivan bigla akong nagkaroon ng kumpyansa sa sarili na kung sakaling kakalabanin ko sila Jeon at Yoon magiging kakampi ko siguro iyong lima, I'll try it, ano kaya ang magiging reaksyon ng dalawang gago na iyon?

"Syempre, sa tagal ba naman na nag-aaral ako rito. Bilisan na natin baka naroon na si prof," nagmadali na lang kaming pumasok dahil baka ma-late kami, terror pa naman raw ang professor namin sa math.

After ng klase sa hapon, nagpaalam muna sa akin si Ivan kasi may ite-take pa raw siya na remediation sa mga na-missed niyang lessons kaninang umaga. Halatang may paki sa acads ang loko dahil perfect niya ang quiz kanina sa math and thanks to him kasi pinakopya niya ako, next time ako naman ang magpapa-kopya sa kanya, ngayon lang talaga 'yon dahil wala pa akong alam sa mga lessons nila.

Naglakad-lakad na muna ako sa may garden hanggang sa napadpad ako sa may gym, at roon ko nakita ang mga nagpa-praktis ng taekwondo at isa roon si Kim, memorize ko na ang name niya dahil kay Ivan. Siya pala si cute guy slash good boy.

Nagma-martial arts rin pala siya? Mukhang hindi yata nasabi sa akin ni Ivan ang bagay na iyon ah.

Nilapag ko muna ang bag ko sa may upuan tsaka pumangalumbaba para panoorin siya, I mean sila, napatingin naman ako sa tabi ko nang may maramdaman akong presensya na parang may naupo sa tabi ko.

"Ikaw 'yong kanina? Pasensya ka na kila Jeon at Yoon mga siraulo lang talaga ang mga iyon," si Jy pala, the joker in the group!

"Sinabi mo pa," sagot ko naman tsaka muling binalik ang atensyon sa mga nagpa-praktis.

"Mukhang interesado ka sa taekwondo, gusto mo ba sumali? P'wede kong sabihin kay Kim,"

"Ahy hindi, napadpad lang ako rito kasi wala si Ivan, naaliw lang ako kasi ang gagaling nila," friendly rin naman pala ang isang 'to, siya pa ang unang nag-approach sa akin.

"Ivan pala pangalan no'n isa rin siya sa mga binubully ni Jeon at ni Yoon, pero hindi kami kasali roon ah, sila lang 'yon na dalawa. Minsan nga nababara na namin ang dalawang iyon dahil ang lakas ng sapak nila sa utak," so totoo pala ang sabi ni Ivan na mababait silang lima at demonster talaga iyong dalawa, hayts hindi sila bagay na isali sa limang anghel!

"Hindi mo kailangan na magpaliwanag alam ko naman 'yon, I saw it na mabait kayong lima," ang cute niyang ngumiti OMG!

"Pagpasensyahan mo na talaga sila. Newbie ka lang 'di ba?"  Tumango naman ako.

"Kung may kailangan ka sabihin mo lang, kami bahala sayo, basta huwag mo lang lapitan ang dalawang iyon mga gago talaga sila," ohh siya pa nag-offer. Pero totoo kaya ang sinasabi ng isang 'to? Baka ginu-good time lang ako nito, hirap na rin magtiwala sa panahon ngayon!

"Thanks. Paano niyo nga ba naging kaibigan ang dalawang iyon?" ayoko sanang itanong kaso naunahan na naman ako ng bibig ko.

"Haha, wala, childhood friends na kaming pito, magkakaibigan kasi ang family namin, mga kilalang business taikun rito sa pilipinas," so likas pala talaga na mayayaman sila, kaya siguro iyon ang pinagmamatigas ng dalawang gunggong na 'yon.

"Ah," napaka-friendly naman ng isang 'to halos mawalan na ako ng topic.

"Jy nga pala, and ikaw si?" oo nga 'no kanina pa kami daldal ng daldal pero hindi pa kami nakikipagkilala sa isa't isa.

"Share na lang," inabot pa niya ang kanyang kamay na kaagad ko rin naman na tinanggap.

"As in share? Magbahagi?"

"Ahm yes," joker nga, medyo korni nga lang pero ayos na kaysa naman sa Jeon at Yoon na 'yon na walang modo!

"Ganda ng name mana sa may-ari, hindi joke 'yon kahit na tinagurian akong the joker ng grupo," alam ko naman iyon charr ang lakas ng kumpyansa ko sa sarili.

Ngayo'y nakaharap na siya kay Kim na katatapos lang mag-praktis, "Hey here," pagtawag niya sa kaibigan at kaagad naman na lumapit ito sa amin.

"Hi," bati niya sa akin kaya parang nagwala naman na ang puso ko.

Ang g'wapo niya sa suot niyang martial arts attire, pero mukhang kahit saang anggulo naman yata ay g'wapo siya.

"Hello," balik na bati ko naman.

"I'm Kim and you are?" Inabot rin niya ang kamay niya, OMG napaka-friendly naman pala ng mga 'to except sa dalawang nakakairita!

"Share," tsaka ako nakipag-kamay sa kanya, ps. ang lambot ng kamay niya!

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now