Chapter 18

1 0 0
                                    

Chapter 18

"Bagay na bagay, kita mo oh," komento kaagad ni Kim habang naglalakad kami palapit ni Ivan sa kanila.

"Syempre, lahat ng damit babagay talaga d'yan," palabiro ka talaga Jy.

"Grabe naman kayo," nakibiro na lang rin ako dahil hindi ko talaga sure kung okay na ako after nang nangyari kanina, grabe ang lalaking 'yon, siya pa lang ang nagsabi sa akin ng bagay na iyon. Ako? Magbebenta ng katawan? No way, kahit sino pa ang iharap nila sa akin 'no!

"Magsisimula na 'ata," imik naman ni Ram kaya lahat kami ay magsimula ng ituon ang atensyon sa may stage.

"Oo nga, mabuti pa pumwesto na tayo," suhestiyon naman ni Minny.

Nang magsimula na kaming maglakad, nakita ko naman ang walanghiya na nakangisi lang habang naglalakad papuntang stage. Wow huh! Rapat nga mahiya siya 'no, sinabihan niya ako ng masama kaya sana lang ay mahiya siya, ang kapal talaga ng mukha niya!

"Kaya mo 'yan, nandito lang kami to support you, hurry up huwag mong pakinggan ang sinasabi ng iba, stand straight, chin up and don't mind them, smile instead," ang galing talagang mag-motivate ni Ivan, wala na talaga akong mapipintas sa lalaki na 'to.

"Thank you, syempre naman kakayanin, nandiyan kayo eh," tsaka ko sila inisa-isa na nginitian.

Umakyat na rin ako ng stage, nang magtama ang mata naming dalawa ng walanghiya, biglang bumulwak ang dugo ko, parang gusto na nitong lumabas sa katawan ko dahil sa sobrang nerbyos sa kaniya.

Dahil nga sa grand campaign ito nasa isang bahagi ng gymnasium ang mga teachers at ang ibang mga staff ng university.

"Hello, kung hindi pa ninyo nalalaman ang pangalan ko, I am Share V. Arago, 17 years of age and I am grade 12 student. Lumalaban ako dahil may mga tao na handang sumuporta sa akin, may isang tao pa na parating nagmo-motivate sa akin na huwag kong pagtuunan ng pansin ang mga taong walang magawa sa buhay. Gusto ko nga pala na makuha ang tiwala ninyo kahit na hindi iyon madaling ibigay but I am willing to prove myself to all of you," ako na ang naunang nagsalita dahil alam ko naman na walang balak na maunang magsalita ang gunggong.

"Ang drama, tss, hi, I am Jeon, iboto niyo ako!" ang hangin ah, parang kung sino, 'kala mo naman hindi makabasag pinggan.

Pagkatapos niyang ipakilala ang mga kasamahan niya sa party list, ako naman ang nagpakilala actually ngayon ko lang sila nakilala though ngayon lang rin kasi nila sinabi na sila ang mga kasama ko.

"Pres, wala man lang tayong naihanda na talent portion," paglapit sa akin ng kasamahan ko at lumalaban bilang vice president ng party list.

"Ayos lang 'yan, wala rin naman silang naihanda, pantay lang tayo," gahol na rin kasi sa oras, minadali lang rin kasi ang grand campaign na 'to.

"Okay, simulan na natin ang pagtatanong tungkol sa mga issue ng university, anyone na gustong magtanong?" tanong ng isang professor kaya nagsitaasan ng kamay ang mga estudyante.

"Bilang magiging susunod na leader, ano ang maipapayo niyo sa mga bully?" actually to be honest ang ganda ng tanong niya, ano na kayang grade niya?

"Ako na ang mauuna," wow siya na mauuna nagpapabida ka lang eh!

Nagsigawan naman ang mga nagpapantasya sa walanghiya, hindi naman siya g'wapo ah, ano bang mayroon sa kanya? At bakit baliw na baliw sa kanya ang mga babae?

"Bilang isang magiging susunod na leader, gusto kong malaman ng mga bully na hindi sila magtatagumpay sa mga pinaggagagawa nila, kapag ako ang naging president ng SSG which is ako naman talaga ang mananalo, lahat ng bully ipapa-kick out ko." talaga? Isa nga siya sa mga bully eh, rapat lang na ipa-kick out niya sarili niya.

"Ikaw? Baka naman wala ka ng masabi?" inirapan ko lang siya dahil sa kanyang kayabangan.

"Nek nek mo!" hindi ako nag-mic para hindi  marinig ng ibang estudyante ang sinasabi ko.

"Naranasan ko rin naman noon kung paano mag-handle ng mga cases ng bullying at masasabi ko na nasa tamang pag-guide lang ang solusyon, like kapag pinaramdam mo sa mga bullies kung paano ang feeling ng ma-bully, tiyak na titigil sila, they don't know how is with that situation kasi hindi naman sila ang nasa sitwasyon na 'yon, iyon lamang." nginitian ko pa ang babae na nagtanong kanina, ang ganda ng tanong niya at mana iyon sa kanya.

"Another questions?" imik na naman ng professor.

May lalaki naman na nagtaas ng kamay kaya siya na ngayon ang binigyan ng mic, "Gusto ko si Ms. Share ang unang sumagot. May pag-asa ba kami sayo? Sagot Ms. Share," wow ah, 'yon lang pala ang itatanong nag-mic pa. Saan 'to nagmana ng kapal at tanungin sa akin iyan sa harap ng maraming tao, actually, hindi naman ako pihikan sa mga nanliligaw sa akin, ayoko lang talaga ng ganitong way ng pagsasabi ng feelings o pagco-confess, ang hangin, parang may bagyo parati.

Akmang itatapat ko na sa bibig ko ang mikropono nang biglaang magsalita ang gunggong, ba't sumisingit? Ako nga ang unang sasagot 'di ba? Pabida naman 'to eh!

"Sino ka ba? Huh? Who the hell told you na p'wede kang magtanong ng ganyan sa amin?" wow! Ako ang dapat na unang magagalit, sumisingit? Pabida talaga!

"Huwag mong sabihin na pati ikaw tinanong ko, si Ms. Share lang kaya ang tinanong ko oh," 

"P'wede bang huwag ka ng magsalita? Hindi naman nakakatulong sa grand campaign iyang mga tanong mo eh, alis na!" mukhang galit na yata ang gunggong, hindi naman nakakabastos ang tinanong ni Mr. Who ever he is, anong kinakagalit niya?

"Ba't ka kasi sumasagot? Hindi naman ikaw ang tinatanong, sawsawero ka kasi, feeling mo lahat ng babae magkakagusto sayo, dakilang bully!" oh, gusto ko ang lalaking 'to, ang tapang, saan niya nakuha ang tapang niya na kalabanin si gunggong? Ang dakilang bully ng school.

Nakita kong nagsitayuan sila Ivan at umakyat sila rito sa may stage.

"P'wede bang ihinto niyo na 'yang walang kwenta niyong away? Tsaka ikaw Mr. Jeon, huwag paiiralin ang init ng ulo, at ikaw naman lalaki, huwag kang magtatanong ng mga ganoong bagay sa akin kapag nasa harap tayo ng maraming tao, hindi sa ayaw kong maligawan, ayoko lang na isinasama ang personal things sa mga professional things, I am sorry!"

"Tama na 'yan, nagsenyas na rin ang dean na ihinto na raw ang grand campaign at simulan na ang botohan," nang magsalita si Ram, roon ko lang napagtanto na nasa likod ko na pala silang anim.

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon