Chapter 22

0 1 0
                                    

Chapter 22

This Chapter is dedicated to
@charlorttejoyacob

Nagsimula na din ang botohan, nauna na nga pala kaming bumoto nang sa gayo'y mabantayan namin ng maayos ang mga botohan. I really wanted to win, hindi dahil sa desperada ako, gusto ko lang talagang tumulong.

"Hi ate, nakaboto na po kayo?" tanong ko ng maayos sa babae na sa wari ko'y kanina pa nakatingin sa akin.

"Oo, at ikaw ang binoto ko, ayusin mo ang university please lang," ba't parang takot na takot siya? May problema kaya? Kawawa naman kung mayroon.

"Oo naman po, 'yon talaga ang nais ko at ang plano ko," nginitian ko pa siya ng bahagya dahil ramdam ko talaga na hindi siya okay, at sana naging magaan ang loob niya sa pag-uusap naming ito.

"Sana kapag naayos ang university andito pa ako," nabigla naman ako sa kanyang itinuran, hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaba, parang may mali sa sinabi niya, o baka naman nagiging OA na naman ako? Pero hindi eh, parang may mali talaga.

Balak ko pa sanang humirit pero nakaalis na siya sa harapan ko. Ime-memorize ko na lang ang mukha niya para kapag nagkita ulit kami maalala at makilala ko pa siya.

"Share? Are you okay? May nanakit na naman ba sayo?" tsaka ko lang mapagtanto na nawala pala ako sa sarili ko habang nakatingin sa babae na palayo na mula sa akin.

"Ahh wala. T-tara?" nagpilit lang ako ng ngiti kay Kim tsaka inaya siya patungo kila Ram na nakaupo sa may plant box na nasa harapan ng room.

"Parang may tinatago ka, is there something wrong, base on psychologal facts kapag daw kinikimkim mo ang isang bagay sa sarili mo mas lalo ka lang mahihirapan kakaisip." wow! Just wow! May pa-psychological facts pa ang Kim. Talino mo rin boy! Ano kaya reaksyon nito kapag tinawag ko siyang boy? Huwag na, hindi 'to time para magbiro sa utak, may iniisip pa ako. Iniisip na mas importante!

Hinintay ko muna na makarating kami kila Ram bago ko sabihin ang nasa utak ko, alangan naman na kay Kim ko lang sabihin, eh 'di nagtampo na iyong anim kapag nagkataon, hayts!

"Upo ka muna, mukhang pagod ka eh," offer ni Ivan sa tabi niya kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy at naupo na roon.

"Heto oh, tubig ka muna mukhang kulang ka sa tubig namumutla ka na rin, may masakit ba sayo? Nahihilo ka ba?" hindi sa gano'n Ram, may iniisip lang ako.

"Oo nga, sabihin mo lang dadalhin ka namin sa clinic," gatong naman ni Minny.

"Iniisip mo pa rin ba iyong sinabi ni Jeon kanina? Tsaka 'yong pagkindat niya kanina sayo? Huwag mo na isipin 'yon ul*l lang talaga ang isang 'yon!" nako Hope kinalimutan ko na ang ginawa ng gunggong na 'yon, hindi siya mahalaga sa akin kaya walang dahilan para tumambay pa siya sa isip ko.

"Oo nga huwag mo na siyang isipin, may araw rin ang gagong iyon 'di pa sa ngayon pero darating ang tamang time," huwag kang gumanti Jy, hayaan mong magsisi.

"Lahat kayo mali, hindi ang gunggong na 'yon ang iniisip ko, iba." lahat sila'y naghintay sa susunod na sasabihin ko. Magandang maging kaibigan ang mga ito, ako 'yong talks a lot tapos sila ang good listeners ko. Huwag lang silang maging marites, marisol, marisa at kung anu-ano pang p'wedeng itawag sa mga tsismosa.

"Kanina kasi habang nage-entertain ako sa mga students, may isang estudyante na makatingin sa akin, syempre tinanong ko kung nakaboto na siya tapos ang sagot niya sa akin ay oo nakaboto na ako at ikaw ang binoto ko, please ayusin mo ang university," bumuntong hininga muna ako bago ituloy ang pagke-kwento.

"Sagot ko naman, oo naman po ate, 'yon talaga ang gagawin ko at ang plano ko, tapos isinagot ba naman sa akin ay, sana daw kapag naayos ang university nandito pa siya. Sa tantsa ko may problema siya eh, parang may mali sa kanya," hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng 'yon kasi dinetalyado ko sa aking isipan ang kanyang hitsura.

"Hindi mo ba natanong kung anong ibig niyang sabihin?" tanong naman ni Ram na may pagka-curious talaga sa kanyang mukha.

"Natulala ako eh, kaya nakaalis siya ng hindi ko man lang natatanong kung bakit ganoon ang mga tinuran niya," I explain.

"Baka naman balak niya lang na mag-transfer kaya ganoon ang nasabi niya, 'di ba?" p'wede rin Jy.

"Pero parang may mali talaga," hindi na naman tuloy ako mapakali eh.

"Nakuha mo man lang ba ang pangalan niya? Baka p'wede natin siyang hanapin to help her, baka may problema talaga siya, mahirap na baka may gawin pa 'yon sa sarili niya," tama ka Kim baka nga may balak siyang gawin sa sarili niya.

"Hindi ko nga natanong kasi ang bilis ng mga pangyayari kanina,"

"Alam mo Kim may point ka, kasi karamihan ngayon sa mga teenager nagpapakamatay kasi hindi nila masabi-sabi ang mga problema nila, sana okay lang ang babaeng 'yon, I feel so sad to her," ramdam ko rin na willing tumulong si Hope sa babaeng 'yon, well kami namang lahat handang tumulong at the first place.

"Mahirap rin mag-mental breakdown, nakakapanghina," dagdag ko pa.

"Pag-pray na lang natin 'yong girl na 'yon, baka one time makasalubong natin siya eh 'di doon na lang natin siya tulungan, wala naman tayong any information regards sa kanya kaya hindi natin siya maaaring tulungan for now, pero kapag nakita naman natin siya, we are all here willing to help her no matter what she needs from us." nice idea Ram, the best ka talaga magpayo, mukhang mas ikaw ang kailangan ni ate, magaling ka kasing mag-comfort, siguro marami ka ng na-comfort na girl.

Hapon na rin nang matapos ang botohan, bumalik na kaming lahat sa gym dahil iaanunsyo na kung sino ang mga nanalo, to be honest, kinakabahan talaga ako kasi baka hindi ako manalo, pero I trust the people who trust me also tungkol sa pagtakbo ko as SSG president of the university.

"Okay ka pa naman Besty?" tanong ni Ivan na nasa tabi ko.

"Oo naman, why not hindi magiging okay?" hindi ko siya binalingan ng tingin.

"Alam kong kinakabahan ka, magtiwala ka lang, I know you will win this battle," andito ka na naman Ivan, pinapalakas mo na naman ang loob ko. Ini-spoiled mo na ako niyan eh!

"And the winner is... Ms. Share," parang nagpanting naman ang tenga ko dahil sa narinig ko. Talaga ba? Nanalo ako? OMYGHAD, this is not a dream? Hindi nga, nakayakap na sa akin ang anim na loko eh at ramdam ko 'yon kaya malamang hindi talaga 'to panaginip.

"So automatically, president ng Yes-O ay si Mr. Jeon, thank you so much for supporting this event, see you tomorrow!" closing remarks ng emcee.

"Omyghad guys, we made it!" bumawi na rin ako ng yakap sa kanila, ang hitsura nga pala namin ngayon ay nakagroup hug.

"I'll promise ate, aayusin ko ang university! Pangako ko 'yan sayo and I don't break it! Pagbubutihin ko, just watch me doing it!"

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now