Chapter 21

2 0 0
                                    

Chapter 21

"Thank you Jeon for that nakakakilig na performance," ano namang nakakakilig doon prof? Eww!

"Next naman na magper-perform ay si Ms. Share, are you ready guys?" jusqo dito na yata matatapos ang buhay ko, ba't ba kasi may pa-taleng portion pa? 'Di ba p'wedeng patalasan na lang ng isip? Hays, sobra naman na yatang kahihiyan ang dadanasin ko nito eh!

Naghiyawan pa talaga ang mga nanonood, p'wes wala kayong mapapala sa 'kin, wala akong ipapakitang performance.

"Okay may we call on Ms. Share and her party list," kita ko sa mga mata ng manonood na naghihintay sila na pumagitna ako at sumayaw o kumanta o 'di kaya nama'y magpakita ng kahit na ano, okay fine, talo ako ng Jeon na 'yan sa talent portion pero please naman, huwag niyo na akong pakantahin o pasayawin, bahag talaga ang buntot ko kapag talent ang pinag-uusapan, I can sing naman pero 'di pang professional, I can dance pero I don't have enough confidence to do that one.

Gulat ako sa part na wala naman akong inutos na tumugtog ang speaker pero bigla na lang iyon tumugtog ng 'Bahala Na' by Kenaniah. Hayts, mukhang mailalabas ko na ang tinatago kong boses na banyo lang madalas ang nakakasaksi.

"'Di ko ma-ipaliwanag ang nadarama," bigla na lang lumabas mula sa likuran si Ram na nakahawak na ng mikropono at siyang kumanta sa unang linya.

"Siya nga ba," hirit naman ni Hope.

"Ngunit ang dami namang kaagaw," si Minny naman na sinabayan pa ng kaunting pagpapa-cute.

"'Di bale na sino ba naman ako para piliin niya 'di ba," mahiyain nga ba talaga ang isang Kim? Mas kaya pa niyang kumanta kaysa sa akin!

"Ayoko ng ipilit ang sarili sa hindi ako kilala," hobby talaga ng isang Jy na ngumiti at maging cute sa paningin ng lahat.

"Susugal na ba ako? O itataya ko na naman ang puso ko, baka mabalewala o mapahiya bahala na, bahala na," marami namang litanya mula sa kanta si Ivan, magaling din palang kumanta ang loko? Pero infairness lahat sila magaling, mas magaling pa nga sila sa 'kin eh.

Pagkatapos kumanta ni Ivan binigay niya sa akin ang isa pang mikropono, nagdalawang isip pa nga ako kung kukunin ko ba iyon o hindi, mabuti na lang talaga'y nawala ang hiya ko kaya kinuha ko na lang rin at nagsimulang kumanta. "'Di bale na sino ba naman ako para piliin niya 'di ba? Mahirap na kung kani-kanino magtiwala at magpaniwala... Susugal na ba ako? O itataya ko na naman ang puso ko, baka mabalewala o mapahiya o bahala na, bahala na..." habang kumakanta pa nga ako'y naghagis ng mga kendi sila Ram sa mga nanonood kaya naman nagkagulo sila, hindi lang pala bata ang mahilig sa kendi, at isa lang ang narealize ko sa grand campaign na 'to, 'yon ay para akong tumatakbo sa pagka-presidente dahil sa pinaggagagawa ng mga kasama ko, pero kahit na ganoon, I am very thankful to them kasi nariyan sila to support me, masasabi ko na bang swerte ako sa kanila?

"Nagustuhan mo ba ang surprise namin sayo? Pinaghirapan namin 'to," tanong ni Kim na siyang naiwan kasama ko habang iyong lima nama'y naghahagis pa rin ng mga kendi sa audience.

"Ito ba iyong nabanggit niyo ng madulas kayo kanina?" tanong ko naman habang hindi mapigilan na 'di mapangiti.

"Indeed!"

"Wagi kayo kasi nasurprise talaga akp, thank you!"

"Welcome," tsaka siya ngumiti ng matamis.

Bago ako magsalita para sa final statement ko, nahagip muna ng paningin ko si Gunggong at nakita ko na parang naiinis na naman siya, dahil siguro sa mas todo suporta sa akin ang mga kabigan niya kaysa sa kanya, ang pangit kasi ng ugali eh kaya ganyan.

"Thank you sa suporta, I hope na iboboto niyo 'yong sa tingin niyo na makatutulong talaga sa ating lahat, sa ikabubuti ng buong university, hindi ako mangangako, basta go with the flow lang tayo, thank you po ulit," simple lang ang sinabi ko, kapag nagi-speech ako ayoko ng mahaba, gusto ko maiksi lang, kahit gaano pa kaiksi 'yan as long as detalyado at maiintindihan okay na 'yan kaysa naman sa pagka-haba haba eh wala namang maintindihan at hindi pa malinaw, useless lang rin kapag ganoon.

"Bukas na po ang botohan maaari na po tayong bumoto," announced ng isa sa mga prof kaya bumaba na kami ng stage, gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko dahil kung hindi dahil sa kanila wala sana akong naipakita na performance, gusto ko pa naman manalo para talaga makatulong ako sa buong university.

"Guys thank you, we made it!" niyakap ko silang lahat, do you know the group hug? Ganoon ang ginawa ko sa kanila.

"Welcome, ang galing mo pala kumanta," komento pa ng Jy.

"Kayo nga eh, hindi naman magaling marunong lang,"

"Sus ganoon rin 'yon," si Hope naman.

"Oo nga," gatong pa ni Minny.

"Huwag ng i-deny," si Ivan naman.

"The voting line is now open, tara boto na tayo?" bumitaw na rin ako sa pagkakayakap sa kanila.

"Yeah para rin mabantayan natin mamaya ang counting," pag-sang ayon naman ni Kim kay Ram.

"Tama tara na," sinang-ayunan ko na rin ang dalawa kasi gusto ko rin bantayan ang counting mamaya, hindi sa desperado akong manalo, gusto ko lang talagang maayos ang buong university, 'yon din naman kasi ang reason kung bakit ako ang isinabak ng section namin para matulungan ang mga nangangailangan ng tulong sa buong university.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang voting room nang masalubong namin ang gunggong at si Mr. Badboy kasama rin nila ang mga kasamahan nilang mukhang mga myembro ng gang.

"Good luck," ani ng gunggong sabay kindat.

Good luck mong mukha mo!

"Alalayan niyo 'ko, kinikindatan ba naman ang Share natin," palag naman ni Jy na mukhang balak suntukin si gunggong.

"Ako rin, sasapakin ko talaga 'yon," dagdag pa ng Minny.

"Opss guys, kalma lang kayo nakaalis na sila, may panahon para d'yan, sa ngayon panoorin muna natin siyang mag-angas, may oras rin 'yon," kahit kailan talaga'y kalmado ang Ram na 'to, number one talaga siyang matino sa Seven boys.

"Tama si Ram, huwag niyo ng patulan ang gagong iyon," isa pa 'tong si Kim, number two na matino at kalmado.

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now