Chapter 19

2 0 0
                                    

Chapter 19

"Ano ba kasing nangyari? Ba't pinatulan niya pa? Pinairal na naman niya 'yong init ng ulo niya," komento ni Ram habang inaabot sa akin ang tubig na binili siguro niya.

"Inom ka na muna, mukhang ninerbyos ka kanina dahil sa mga 'yon. Oh."

"Salamat," pagpapasalamat ko kay Ram.

"Paano na ngayon 'yan? Tutuloy pa ba ang botohan? Napunta lang sa wala ang grand campaign," si Hope naman na mukhang nadismaya rin dahil sa nangyari.

"Base sa aking pananaliksik, itutuloy daw ang grand campaign mamaya after lunch, pero sinisiguro na daw ng dean na wala na ulit mangyayaring gulo," wow huh, napaka-updated talaga nitong si Ram. Daig pa nga ang isang professor.

"Dapat lang, nasaktan kanina si Share, ramdam ko iyong nararamdaman mo kanina, alam mo 'yon, 'yong sobrang paghahanda natin pero nauwi lang sa wala," si Ivan naman na humablot ng isang bote ng tubig sa eco bag na dala ni Kim kanina.

"What do you mean na paghahanda? Ito bang mga damit na suot-suot natin ang tinutukoy mo?" na-curious kasi ako sa sinasabi ni Ivan na paghahanda.

"Ah wala, I mean oo, 'yang mga damit nga ang tinutukoy ko," ngumiti pa siya ng bahagya tsaka nag-peace sign sa mga lokong 'to.

"Ba't ba kasi ang daldal mo, muntikan na tuloy tayong mabuko," ano bang mabuko ang sinasabi ng mga 'to? Ngumisi pa si Jy ng abot hanggang tenga, HAHA, tama ba ang ngisi hanggang tenga? O ngiti hanggang tenga?

"Mga baliw, d'yan na nga kayo," tumayo na ako at akmang aalis na nang biglang magsalita si Kim, dahilan para mapatigil ako at manatili sa kung saan ako nakatayo kanina.

"Basta kasi, huwag ka magtampo, kami na bahala sayo mamaya, sure 'yan," nag-apiran pa ang mga loko at sinabayan pa ng halakhak na parang wala ng bukas.

"Ewan ko sa inyo," inirapan ko sila pagkatapos ay tinuloy na ang balak na pag-alis kanina.

Naglakad-lakad na muna ako sa may hallway nang may madaanan ako na parang nag-aaway, nagsisigawan kasi, at dahil nga isa akong dakilang pakialamera, huminto muna ako para marinig ko pa ng maayos ang mga pinagsasagutan nila.

Nang sumilip ako sa may bakanteng room, nakita ko na naroon sila Jeon, and si Yoon? Ano na namang ginagawa nila? Nambu-bully na naman ba sila? Hindi na nagsawa eh, mga dakilang bully talaga.

Sa mga sandaling ito, binaba ko ang tingin ko at nakita ko iyong lalaki kanina na nakaupo na sa sahig at mukhang nahihirapan na.

"What the?" tanong ko sa aking sarili nang pabulong lang syempre para hindi nila ako marinig, masabihan pa ako mamaya ng marites kapag nagkataon na narinig nila akong naguusosya.

"Ba't mo ginawa 'yon? Tangnamo, wala kang karapatan na ganunin siya, wala kang karapatan na tanungin ng ganoon ang babae kapag may iba na siyang sinisinta," at sino naman kaya 'yong tinutukoy niya? Siguro may ibang lalaki na umaaligid-aligid sa mga babae niya, yes, mga babae niya dahil bukod sa bully siya, bukod sa gunggong siya, bukod sa mayabang siya at demonyo, babaero din ang walanghiyang 'to.

"Bro, akala ko ba wala ng kayo? Eh sino 'yong babaeng tinutukoy mo? Iba talaga ang isang Jeon, papalit-palit ng mga babae," proud pa ang mga walang kwenta niyang kaibigan na ipagsigawan na babaero ang gunggong na 'to? Hayts, iba naman talaga!

"Sino ba kasi ang tinutukoy mo? Wala naman akong ginawa sa mga babae mo eh,"  ba't pa kasi sasagot? Deretsahin mo na lang kasi na sapakin, puro ka naman salita eh.

"It's none of your business para sabihin ko kung sino siya," wow huh!

Nang wala na akong marinig na salita galing sa kanila, napagdesisyunan ko ng umalis at ituloy ang balak na paglakad-lakad kanina.

Ano ba talaga ang rason kung bakit patay na patay ang mga babae kay gunggong? Dahil ba maimpluwensya siyang tao? O dahil g'wapo siya, ahy hindi pala, wala akong sinabi ah, erase! Erase!

Tinuloy ko lang ang paglakad-lakad hanggang sa makarating ako sa garden na magandang tambayan dahil mahangin tsaka marami rin puno na p'wedeng sandalan. Pero parang gusto ko na tuloy umalis at maglakad lakad ulit kasi puro naman nagde-date ang mga tao rito, 'di ba sila marunong rumespeto ng single? Talaga lang ah, hayts, mga kabataan nga naman ngayon!

"Inggit ka? P'wede rin natin gawin 'yan kung gusto mo," muntikan na akong matalisod ng biglaang may magsalita sa may likuran ko.

"Ah, hindi naman ako naiinggit, napadaan lang," akala ko kung sino na, si Kim lang pala.

"Akala ko kasi naiinggit ka eh," OMG, ba't ang cute niya kapag nakangiti? Myghad, mukhang hulog na hulog na nga yata talaga ako sayo Kim, pero ayokong umamin kasi ayokong dumating sa point na mailang ako sayo, ang awkward kaya ng bagay na 'yon.

"Loko ka. Ba't ka nga pala narito?" binalingan ko siya saglit ng tingin bago ituon sa kung saan ang atensyon ko.

"Wala, sinundan kita, 'di ba obvious?" ilang segundo ko din yata na inisip kung anong isasagot ko kasi parang may kung anong butterfly na lumilipad sa may tummy ko. Ito ba 'yong tinatawag nilang kilig? But what if one day, that butterfly effect will turn into a trauma? Masyado sigurong masakit 'yon!

"Hindi, malay ko ba na ako pala 'yong dahilan kung bakit nandito ka,"

"Sa tagal kong nag-aaral dito, ngayon ko lang nakita na ganito pala kaganda dito, 'di kasi ako naglalakad lakad sa school na 'to kasi ang daming toxic people, buti ka pa real," wow, lakas makahugot ng isang 'to, naranasan na rin kaya ni Kim na magka-girlfriend? Gusto ko tanungin kaso baka magalit siya kaya huwag na lang, sadyang may mga bagay talaga na hindi pinagsasabi sa kahit sino.

"'Di mo naman sure na real ako eh, 'di mo pa ako lubos na kilala,"

"Oo nga 'no, pero p'wede ka pa naman na kilalanin ah, tsaka interesado ako na kilalanin ka para alam mo, ikaw ba?" sana interesado ka rin sa nararamdaman ko.

"I like you too,"

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now