Chapter 5

3 1 0
                                    

Chapter 5

"Mukhang close ka na sa kanila, paano nga ba nila nagawa na lumapit sayo?" tanong ng Ivan na kanina pa kain nang kain ng isaw, libre naman niya this time syempre ako kanina siya naman ngayon.

"Wala naman, basta kanina nang makita mo ako na kausap sila napadpad lang ako roon sa gym tapos hindi na 'ko nakaalis dahil naaliw ako na manood sa mga nagte-taekwondo. Ano bang pinag-aalala mo? Tsaka nag-sorry sa 'kin si Jy pati nga sayo eh," nakita kasi niya ako kanina na kausap sila kaya nagtatanong siguro ngayon ang loko.

"Hindi ako worries nagtaka lang, mabait naman talaga si Kim at Jy as I've said." Subo na naman ng isaw, hindi nabubusog amp!

"Oo nga. Eh teka, paanong nagtaka ka?" parang may hindi sinasabi pa si Ivan sa 'kin, I need to confront him.

"Wala, sila kasi iyong tipo ng mga lalaki na hindi lumalapit sa mga babae, baliktad, mga babae ang lumalapit sa kanila,"

"Gano'n, eh ikaw? Nilalapitan ka rin ba ng mga babae?" ngumiti siya tsaka tumitig sa 'kin, g'wapo sana 'to eh patawa nga lang.

"Oo, ikaw nga nilapitan ako eh," tsaka siya ngumiti ng mapang-asar.

"Tse, hindi tayo talo, 'yong seryoso nga, may gf ka?"

Mukhang si Ivan rin kasi ang tipo ng lalaki na nagseseryoso sa mga babae, hindi siya pasikat kahit na bagay sana niyang maging sikat, ewan ko pero mukhang mapera rin ang isang 'to, though hindi ko naman masabi ng maayos kasi hindi ko pa naman siya lubos na kilala, hindi mo naman masasabi na mayaman na ang isang tao porket nilibre ka ng isaw, malay mo sadyang mapagbigay lang, sabi nga sa eat bulaga bawal judgmental. Nanonood ako niyan minsan, ganda kasi may mga matututunan kang lessons na p'wedeng i-apply sa totoong buhay, haha skl.

"Ba't mo tinatanong? Luh parang ano 'to bahala ka baka ma-in love ako niyan," nakatingin na sa ibang direksyon ang loko halatang kinikilig.

"Sira, para alam ko kung iiwasan kita o hindi, malay ko ba baka mamaya may manghila na lang ng buhok ko riyan, ayokong ma-issue 'no, kabago-bago ko pa lang sa lugar na 'to," ps. hindi po kami lumipat ng bahay, school lang. First time ko sa lugar na 'to kasi malayo na 'to sa bahay at hindi rin naman ako palagala na babae, sa bahay lang ako natambay.

"Wala nako, hayaan mo na lang ang love life, mag-aral na lang tayo, hindi ako mamamatay kung forever akong single,"

"Sure ka d'yan? Paano kung magkagusto sayo ang pinaka-sikat na vlogger? Ano gagawin mo?" I try to convince him na maniwala sa salitang love kahit maski ako'y hindi rin paniwalain sa salitang love. Eh kasi naman hindi ko pa na-try!

"Sino sa kanila? 'Yong sexy ba na maganda?" binatukan ko nga siya dahil sa sagot niya, pero mahina lang naman kaya hindi mababawasan ang talino niya.

"Confirmed! Mas mahalaga nga sayo ang pisikal na anyo, oh I forgot, noong unang nagkakilala tayo kanina pala, sumingit ka kasi akala mo pangit ako, tapos no'ng makita mo mukha ko nagpunta ka sa likod ko, judgmental ka!" pinalo ko pa siya sa braso.

"Buti nga sayo 'no, bahala ka, hindi na kita kaibigan," kunwaring nagtampo ako tsaka tumalikod sa kanya pero nanatili pa rin na nakaupo ako sa tabi niya.

"'To naman parang ano, syempre joke lang, kahit naman seryoso ako minsan marunong rin akong magbiro, good vibes lang tayo. 'To oh kain ka na." Hinarang niya ang isaw sa bibig ko na kaagad ko rin naman na kinagatan.

"Basta tatandaan ko ang sinabi mo, mas importante pala sayo ang physical appearance huh, kala mo!" inirapan ko pa siya ng bahagya.

"Joke nga lang 'yon, hatid na kita? Gabi na oh baka mamaya eh mapagalitan ka sa mommy mo," akmang kukunin niya ang mga natirang isaw nang pigilan ko siya.

"Mamaya na muna, kwentuhan muna tayo tsaka mali ka, mama ang tawag ko sa mama ko at hindi mommy, baliw pang-sosyal lang 'yon," six pm pa lang naman hindi pa nakauwi si mama nasa trabaho pa siguro 'yon, seven kasi ang cut off niya sa opisina.

"Hindi naman ako sosyal pero bakit mommy tawag ko?"

"Baka mayaman kayo," ngayon malalaman ko na ang status ni Ivan sa buhay.

"Hindi naman, 'yon lang talaga tawag ko simula bata pa ako kay mommy," mayaman 'to sure ako, ayaw lang niyang mag-yabang.

"Mayaman kayo, halata naman sa hitsura mo eh, huwag mo ng i-deny marunong akong mangilatis ng tao kahit papaano," natawa naman siya kaya tumingin ako sa kanya ng makahulugan.

"Ang estado kasi sa buhay hindi pinagmamayabang, isa lang naman pupuntahan natin eh, sa ilalim ng lupa. Bakit kapag namatay ka ba madadala mo sa ilalim ng lupa lahat ng kayamanan mo? Hindi naman 'di ba? Kaya imbes na ipagmayabang mo ang kayamanan mo tumahimik ka na lang at ibahagi ito," hanga na talaga ako sa katalinuhan nito.

"Alam mo, iba rin ang mindset mo, hanga na ako sayo loko ka." Tinapik ko pa siya sa kanyang braso.

"Huwag, sabing ayaw ko ng love life eh,"

"Feeling," ani ko sabay irap.

Natawa naman siya ng walang hanggang tawa, happy na happy, mukhang mani.

"Haha seryoso na 'to, alam kong mayaman ka rin, 'yong honest, kumakain ka ba talaga ng isaw? Kasi maraming mga babae ang ayaw sa isaw kasi kadiri raw, ba't ikaw oo? Paki-explain," seryoso ba siya sa tanong niyang 'yan? Of course I like chicken intestine!

"Oo naman 'no tsaka huwag mo nga akong igaya sa mga maaarteng babae riyan, sabi mo nga huwag ipagmayabang ang estado sa buhay. As if naman na ikamatay ko kapag kumain ako ng isaw, sarap kaya pati balot, huwag lang 'yong sisiw kasi naaawa ako dahil bata pa lang naluto na,"

"Ohh, ang ganda mo sa part na hindi ka maarte, mas gumaganda ang babae kapag walang pinipili sa pagkain," mukhang pareho kami ng mindset nito ah. Ang nice!

"G'wapo rin ang lalaki na nagsasabing maganda ang babae na walang pinipiling pagkain,"

Seven Boy's Vs. One Girl (On-going)Where stories live. Discover now