Nang makarating ako sa caffeteria ay agad akong naghanap ng mauupuan, pero nabigo ako maghanap dahil marami ding ibang outsider ang nakapasok. Palabas na ukit sana ako ng pinto ng caffeteria nang nagulat ako ng biglang nagring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Karin

[Bumalik ka dito! Ibalik mo wallet ko]

"Ito na nga pabalik na. Wag na kayo tumuloy dahil wala nang bakanteng upuan"

[Huh? Paano yan]

"Basta sabihin mo kila Xian na magkita-kita na lang sa entrance ng school"

[Okay, sige]

Dali-dali akong nagpunta sa entrance ng campus at agad ko naman silang nadatnan doon. Nag-aantay, at kita kong nakaabang na si Karin para sungaban ako ng hampas

"Leche ka alam mo nang mainit dito sa Manila naggaganyan ka pa, buti sana kung nasa Canada tayo, ayos lang!" bulyaw nito sabay lapit at hawak sa kamay ko "Saan tayo kakain?"

"I'm craving for pizza. Akala mo parang walang pizza sa Canada. I just want to eat it with my fiance" sabi ni Karin "Right Heinz" at binigyan ko na lamang siya nang tango at ngumiti ng pilit

Wala pang ilang minuto ay nakarating kami sa isang malapit na mall at kumain sa isang sikat na pizzeria. Mga 15 minutes din ang hinantay namin para makaupo kami sa designated table namin dahil marami din ang nakareserve. Kumuha kami ng dalawang family-sized pizza, isang bucket ng chicken at dalawang 1.5 sized na softdrinks. Dahil sa katakawan ni Beth ay naubos namin ang lahat ng pagkain na inorder namin at si Azel na ang nagbayad. Naglakad-lakad na din muna kami sa mall nang biglang nagsalita si Azel

"Paano ba yan, alis na ako guys" mahinang sabi ni Azel "Sa uulitin, baka maiwanan ako ng flight ko. Yung mga pasalubong ko papa-deliver ko na lang sa harap ng bahay niyo sa butler ko"

"Huh?? Butler??" - Nesh at Beth

"Uo may butler na ako. Haha xD parang hindi kayo naniniwala??"

"Hindi talaga! Kelan pa??" - Nesh at Beth

"Basta matagal-tagal na din. Wag ka mag-alala Beth makikilala mo din siya. Single yun" pagkasabi na pagkasabi ni Azazel nun ay nakita kong nagningnibg ang mga mata ni Beth "Sige na, lalo lang ako mahirapang umalis ee 'pag nakikita ko kayo"

"Pota umalis ka na lang kung aalis ka! Haha xD" pabiro kong sigaw kay Azel at tuluyan na siyang naglakad papalayo sa amin habang kumakaway papatalikod

Nang makaalis si Azel ay agad naman naming napag-desisyunang mag-arcade muna pampalipas oras. Hinatak ako ni Karin sa isng photobooth para magpicture. Pagtapos namin doon ay naglaro kami ng basketball at ako naman ay nagpunta sa Guitar Hero. Si Xian at Nesh naglaro ng Tekken habang si Beth, si Beth pakalat-kalat dahil nahahanap ng mabibiktimang gwapong lalaki

Phone Ringing. . .

"Hello pre. Bakit ka pala napatawag? Nasaan ka na pala?"

[Ito medyo napaaga ng konti pero 1 hour na lang hinihintay ko para sa flight ko]

"Aa ganun ba. Ingat pre"

[Saan na ba kayo ngayon?]

"Dito kami ngayon arcade, pamatay oras lang"

[Ge kayo din jan, Yung sinabi ko pre aa. Bye bye]

Pagkababa na pagkababa ng tawag ni Azel ay bigla na lamang akong natulala at para bang nawala ako sa wisyo ko. Nakatingin lang ako sa kawalan ng biglang nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko na nakapagpabalik sa akin sa realidad

"Wala na, hindi mo tuloy natapos yung tugtog. Game over" sabi ni Karin na hanggang ngayon ay nakayakappa din sakin "Bakit ka ba nakatulala? Sino ba yung tumawag?"

"Aa, si Azel lang. Wala. . Wala yun" sabi ko sabay tingin sa oras sa cellphone ko para ma-ilihis ang usapan "Hindi pa ba tayo uuwe? Magsasara na yata tong mall ohh" dagdag ko

Agad kong tinanggal ang gitara na nakasabit sa katawan ko at inalis din muna si Karin sa pagkakayakap sakin. Lumabas kami ng arcade na nauuna ako sa paglalakad na hindi pinapasabay si Karin sa akin. Napahinto na lamang ako sa paglalakad ng tinawag ni Xian ang pangalan ko "Heinz. Pre tara taxi na tayo"

"Sige pre una na kayo nila Beth at Nesh. Mag-iibang taxi kami ni Karin" sabi ko at tumango't kumaway na lamang si Xian habang yung dalawang babae naman ay hindi na nagpaalam pa samin. Siguro galit yun sakin! Dahil doon ay kailangan kong itext si Xian

To: Xian
Pre pki sbi kay Beth at Nesh na wag muna magsasbi kay Io. Ako na lamang kamo ang magsasabi personal. Salamat ingat

Wala pang isang minuto ay nagreply din si Xian

From: Xian
. Ge pre ako na bahala sa kanila

Agad din naman kami nakapara ni Karin ng taxi pauwi. Tahimik kaming pumasok parehas sa loob nito "Kuya, South Cembo lang po" sabi ni Karin sabay pulupot ng kamay sa braso ko at humiga sa balikat ko

Mga ilang minuto din kaming nanahimik ni Karin nang bigla siyang magsalita "Mahal mo pa ba ako?" at nakatingin kami parehas ng mata sa mata "Matatanggap ko naman kung hindi na, siguro naman at alam ko, na hindi mo makakalimutan yung mga ginawa ko sa'yo noon?"

Saglit kong inalis ang tingin ko sa kanya pero naramdaman kong binalik niya ito gamit ng kamay niya at magkaharap na naman ang nga mukha namin "Heinz, I still love you" tapos ay binigyan ako ng mabilis na dampi sa labi ko na ginantihan ko na lang din ng bagay na matagal ko nang namiss. . to kiss her deeply, a deep passionate kiss

Natigilan na lamang kami ng biglang magsalita si kuyang driver "Boss, saan po banda? Andito na tayo sa South Cembo"

"Ayy sige po, dito na po 'nong" - Karin

Kukunin ko na sana yung wallet ko para kumuha ng pambayad para sa taxi nang pigilan ako ni Karin "Wag ka na bumaba. Idiretso mo na yan senyo, ok na ako" sabay sara ng pinto at tuluyan nang naglakad papalayo hanggang sa hindi ko na siya natanaw

"Sige kuya, Pitogo na po tayo"

Third Person POV

Pag-uwi ni Heinz ay agad itong dumiretso sa kanyang kwarto. Hindi na nito nagawa pang buksan ang ilaw sa kwarto niya. Inabot ang remote ng aircon at nakatulala lang sa kisame ng kwarto niyang may mga glow-in-the dark na galaxy

"Fvck!" sigaw nito habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha niya "Aaahhhh potaaaa!! TSK :/"

Hindi niya pa din matiyak kung ano nga ba talaga ang nararapat na gawin sa sitwasyon niya ngayon. Hindi siya makapag-desisyon dahil sobra siyang naguguluhan "Ang sakit sa ulo!!"

Pinikit niya ang kanyang mga mata, sa pagpikit niya nito ay nakita niya silang dalawa ni Karin, ang naging nakaraan nila nito. Naalala niya kung paano niya minahal ng sobra ang taong pinangarap niya at kung gaano siya kasaya nung naging sila ng pinapangarap niya

Sa kabilang banda ay nakita niya din si Io. Si Io na minamahal siya, tinanggap siya kahit pa nasaktan na niya ito ng lubusan at handang ibigay ang lahat sa kanya. Aminado si Heinz nung umpisa na gusto lamang niya si Io, isang paghanga pero nang tumagal ay unti-unti na niya itong natutunang mahalin at pahalagahan. Hindi niya lubos maisip kung mawala man si Io sa tabi niya, ayaw niya itong mangyari dahil gusto niyang nasa tabi lang niya si Io

Bumaba si Heinz sa kusina nila para kumuha ng beer na nasa lata. Pagkakuha nito ay agad siyang bumalik sa kanyang kwarto at muling nahiga. Kinapa niya ang cellphone niya dahil sa dilim ng kwarto, nang makuha ito ay agad niyang tinawagan si Ping

[Bakit??]

"San ka? Punta ka dito sa bahay, mag-inom tayo"

[Ge. Si Biboy?]

"Pakidaanan mo na lang din"

[Ge]

Pagkatapos na pagkatapos ng pagtawag ni Heinz ay bumaba agad ito sa kanilang sala at binuksan ang kanilang pinto. Ilang saglit pa ay nakarinig na siya ng tumatawag sa gate nila, pero isang hindi inaasahang tao ang kanyang nakita sa gate nila

"Anong ginagawa mo dito??"

--- END OF CHAPTER 26 ---

(A/N): Sorry sa sobrang kupad ng UD ko T_T, naging busy lately dahil nag-training ee. Yup, may work na ako pero wag mag-aalala dahil sisikapin kong mag-UD ulit na once a week. Sorry talaga guys! Love you ^_^
Basta, for now enjoy niyo lang 'tong Chapter na 'to. Salamat :)

Infinite Loop (on Going)Where stories live. Discover now