Part 71: Monster Within

299 31 0
                                    

Part 71: The Monster Within

"Ang lahat ng ito ay palabas mo lang, tama?" tanong ni Yue kay Mr. Singh, hindi niya maitago ang galit sa kanyang mga mata.

"Oo, ang lahat ay palabas ko lang mula sa pakikipag kaibigan ko sa iyo hanggang sa pagkuha ko sa iyo bilang isang modelo. Ang lahat ng ito ay may hidden agenda at iyon ang dukutin ka at mapasa akin!" ang sagot ni Mr. Singh, nakangisi na parang isang demonyo.

"Pero ang intensyon namin ni Ryou na tulungan ka sa iyong negosyo ay totoo. Hindi ko akalain na ganyan ka kasama Mr. Singh, hindi nakapagtataka kung saan kumuha ng ugali si Jihan na iyong anak," ang sagot ng binata.

"May dalawang uri ng tao sa mundo, ang isang manloloko at isang nagpapaloko. Sorry kung pareho kayong tanga ni Ryou. At sorry rin kung pareho kayong bumagsak sa aking plano. Huwag kang mag alala Yue sisiguraduhin kong magiging makabuluhan ang paggamit ko sa iyong katawan bilang main ingredients ng aking produkto," ang sagot ni Mr. Singh.

Noong mga sandaling iyon ay mas lalo pang lumapit si Mr. Singh kay Yue, pinilit niya hawakan at himasin ang buntot ng binata pero iniiwas ito ni Yue. "Huwag mo akong hawakan!"

Noong mga sandaling iyon ay para siyang baliw na demonyong nakatitig sa buntot ng binata . Kitang kita ang matinding pananabik sa kanyang mga mata na makuha ang kanyang nais. "Ano kaya ang magagawa sa iyong napakagandang mga kaliskis? Ilang matataas na kalidad ng produkto ang magagawa sa iyong balat?" ang excited niyang tanong.

"At ilang beses ka kayang parurusahan ng kalikasan sa iyong ginagawang pang aabuso sa mga katulad namin na namumuhay ng payapa at tahimik? Isa kang literal na halimaw, ikaw ang pinaka perpektong larawan kung gaano kasama ang isang taong nabubuhay dito sa ibabaw ng lupa," ang sagot naman ni Yue sa kanyang harapan.

Natawa si Mr. Singh, "huwag ka namang ganyan magsalita sa akin Yue, ginagawa ko lamang ang tama para sa future ng aking negosyo. Alam mo ang mundo ay isang malaking arena ng pakikipagsapalaran, ang mga mahihina ay ginagamit lamang ng mga malalakas. At ang malalakas ang siyang nananaig at nabuhuhay ng mas mahaba. Kayong mga mahihinang nilalang ay nilikha lamang para sa amin, ito ang iyong kapalaran na dapat niyong yakapakin."

"Baliw ka Mr. Singh! Ang paniniwala mo ang siyang magpapahamak sa iyo!" ang sigaw ni Yue sa kanyang harapan. Sa sobrang galit ng binata ay sinapak niya ang matandang negosyante.

Nangiti si Mr. Singh, "Dalhin na si Yue sa laboratoryo! Alisin ang kanyang mga kaliskis at tadtadrin ng pinong pino ang kanyang buntot!" ang utos ng matanda.

Mula sa silid ay pumasok ang taong nakasuot ng laboratory gown, sila ang mga scholars at researchers ni Mr. Singh sa pangunguna nina Nigel at Warren. Lumapit sila kay Yue at hinawakan nila ito sa katawan. Nagpupumiglas ang binata ngunit sa dami nila ay wala na itong nagawa!

Agad nilang tinuturukan si Yue ang gamot na pampawala ng malay. Binuhat nila ang binata at dinala sa main laboratory upang pag aralan at pag experimentuhan ang kanyang buntot at mga kaliskis!

******

Samantala ay nagkaroon naman ng malay si Ryou Guerrero. Natagpuan niya ang kanyang sarili sa isang magarbong opisina kung saan nandoon si Jihan na nakaupo at pinagmamasdan lamang siya habang natutulog.

"Mabuti naman at gising ka na," ang bati ni Jihan sa kanya.

Nakaramdam si Ryou ng matinding pananakit sa kanyang ulo, "Argh, nasaan ang iyong ama? Alam mo ba na dinukot niya kami?!" tanong ng binata

Nagkibit balikat si Jihan, "I know, pero don't worry hindi ka naman nila sasaktan dahil nadamay ka lang naman dito. Si Yue talaga ang main target ni Dad at sa ngayon ay baka pinag eexperimentuhan na ang kanyang katawan," ang sagot ni Jihan.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon