Part 68: The Secret Garden

280 34 0
                                    

Part 68: The Secret Garden

SINGH PRIVATE ISLAND

"Maligayang pagdating po sa Singh Secret Garden. Ito ang secret facilities and laboratories ng Singh Cosmetics na dine-developed maraming taon na ang nakalilipas," ang bati ng mga research expert kay Jihan noong dumating ito sa isla. Ito ay sa pangunguna ng dalawang top researchers ng isla na sina Warren at Nigel.

"Nice to see you again, Warren and Nigel. Tama nga ang aking ama, marami pa akong dapat na matutunan sa operation ng company. Ngayon ko lang narealize na ang nalalaman ko pala ay wala pa sa 5% ng general operation," ang sagot ni Jihan.

"Ang Islang ito ay tinawag ng iyong ama na "Secret Garden", dahil dito nagmumula ang sikretong katalinuhan na patuloy nating ginagamit upang makapag produce ng mga kalidad at quality na products," paliwanag ni Nigel habang naglalakad sila ng lobby ng laboratory.

"I can't believe na si dad ang utak sa lahat ng ito. Ngayon ay masasabi ko na siya ay isang literal na genius at scientist!" ang paghanga ni Jihan habang iniikot ang paningin sa mga facilities ng laboratory.

"Sir Jihan, sa palagay ko ay mas lalo kang mamamangha kapag dumating na tayo sa pinaka exciting part ng facilities. Ipapakilala namin sa iyo ang pinakamahalagang project ng laboratory. Ito ay tinatawag na "Project Aqua" isang natatanging project na dine-developed maraming mga taon na ang nakalilipas," ang paliwanag ni Warren.

Ngumiti naman si Nigel, "papunta pa lamang tayo sa exciting part, Sir Jihan," ang dagdag pa niya at dito ay ipinagpatuloy nila ang paglalakad sa hallway ng laboratory.

Makalipas ang ilang minuto ay narating nila ang isang silid na mayroong asul na pintuan at nakaukit dito ang letrang P.A na ang ibig sabihin ay "PROJECT AQUA."

"Ngayon, narito na tayo sa entrance door ng Project Aqua. Ito ang sikreto ng Singh's Cosmetics. Dito dine-developed ang mga products na lumalabas sa merkado. Bago tayo pumasok ay nais kong sabihin na ito ay hindi isang ordinaryong facility. Ang anumang bagay na nasa loob nito ay mananatiling lihim ng Singh's Cosmetics!" ang paliwanag ni Nigel.

Lalong kinabahan si Jihan, ngunit gayon pa man ay nakaramdam siya ng matinding excitement. Matagal na niyang naririnig ang tungkol sa "PROJECT AQUA" ngunit ngayon pa lamang niya makikita kung ano ang mayroon sa silid na ito.

Maya maya binuksan ni Warren at Nigel ang pintuan ng facility. "WELCOME TO PROJECT AQUA!"

Pagbukas ng pintuan ay tumambad sa mga mata ni Jihan ang maraming human capsule! At bawat isang capsule ay naglalaman ng mga mermaid na naka stock na parang isang laboratory experiment sa isang science room!

Nasa mahigpit 30 capsule ang nasa paligid at lahat ay naglalaman ng mga mermaid na nakapreserve ang mga buntot. Hindi makapaniwala si Jihan sa nakikita ng kanyang dalawang mata! Hindi niya na may tinatagong ganito ang Singh Cosmetics!

"Mga mermaid na naka preserve! Ito ang laman ng Project Aqua. Ito rin ang "SECRET INGREDIENTS" ng Singh cosmetics!" ang paliwanag ni Nigel.

"Hindi ako makapaniwala, ang ibig sabihin ay talaga wino-work out ni Dad ang research facilities na ito? This is amazing! Hindi ko akalain na may ganitong secret ang Singh's Cosmetics. Pero paano? Bakit ang mermaids ang naka preserved dito?

Ano ba ang mayroon sa kanila?" tanong ni Jihan na hindi maitago ang pagtataka.

Niyaya nila Nigel at Warren si Jihan na lumakad sa loob ng secret laboratory. Pumasok sila sa isang facilities kung saan naroon ang mga members ng research unit na nakasuot ng mga puting laboratory gowns at abala sa pag didisect ng mga subjects.

"Pinag aaralan nila ang mga structures ng mga kaliskis at laman loob ng mga mermaid na nakapreserve sa mga human capsules. Matagal na panahon na ang nakakalipas magbuhat noong madiskubre ni Mr. Singh na ang buntot ng sirena ay isang mahusay na sangkap sa pag gawa ng anti aging product. Hinihiwa ang buntot ng sirena at kukuha ng isang pirasong laman sa buntot nito.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now