Part 50: Missing

338 37 0
                                    

Part 50: Missing

RYOU POV

Naghubad si Jihan sa aking harapan, hindi ko alam kung ano na naman ang plano niya. Isa lang ang alam ko, kapag nahulog ako sa kanyang kamandag ay mas lalong hindi niya ako titigilan. Gagamitin niya ang nangyari sa amin para mas lalo akong hawakan sa leeg.

"Ano pang hinihintay mo? Kiss me and make love with me. Huwag mo sabihing hindi ka attracted sa akin?" tanong niya sa akin. Nakabuyangyang ang kanyang makinis at sexy na katawan, susunggaban na lamang ito ni Ryou.

At habang nasa ganoong posisyon kami biglang bumukas ang pinto at pumasok si Gino, wala siyang kamalay malay sa nangyayari dito sa loob. "Bro, nandito na yung inorder nating pagkain,"ang wika niya at gulat na gulat siya noong makita si Jihan na walang saplot.

Agad na nagtakip si Jihan ng katawan at nagsisigaw ito, "Bastos!!" ang galit niyang salita kay Gino sabay sampal dito.

"Sorry, hindi ko naman alam na may sexy scene na nagaganap dito sa loob ng kwarto. Saka bakit mahihiya ka pa sa akin e nakita ko naman yung picture mo magazine wearing bikini!" ang hirit ni Gino kaya muli siyang sinampal ni Jihan.

Halatang napahiya ito, "Bastos ka! Pangit ka na nga, bastos ka pa!" sigaw niya sabay walkout.

"Grabe naman si Jihan, hindi ko naman sinasadyang pumasok. Bakit kasi hindi kayo nag lolock ng pinto?" reklamo ni Gino.

Tinapik ko ang kanyang balikat at ngumiti, "Salamat, you saved me!"

"Iniligtas kita? Paano? Hindi ba dapat galit ka sa akin dahil na purnada yung hot moment niyo?" ang tanong ni Gino.

"Alam mong hindi ko maaaring gawin kay Jihan ang ganitong bagay dahil baka mas lalo niya akong sundan na parang isang anino. Better this way para wala siyang isumbat sa akin," ang tanont ko sa kanya.

Kapwa kami lumabas ng silid at nagpunta sa dine in area kung saan umorder ako ng pizza at pasta para mayroon kaming pagsaluhan.

Si Jihan ay nakaupo lang sa balkunahe at halatang mainit ang ulo. "Ji, kumain na tayo," ang pagtawag pero sa halip ay inirapan lang ako nito.

"Pare wala sa mood si Jihan, ganyan talaga sila kapag hindi napagbibigyan. Yung partner ko nga ay nagagalit sa akin kapag hindi ko siya kinantot," ang sagot ni Gino habang nakangisi.

"Iyan ang mga bagay na hindi ko kayang gawin kay Jihan, baka maya maya ay pwersahin niya akong pakasalan siya kapag may nangyari sa aming pagitan," ang sagot ko naman.

"Sira ka talaga, kaya lagi kayong nag aaway ni Jihan. Pero you know, napansin ko na bagay kayo ni Jihan," ang sagot ko.

"Ilang beses na niya akong sinabihan na panget, malaki ang mata, malaki ang butas na ilong na parang butthole."

Natawa ako, "lahat naman ng bagay ay pangit sa paningin ni Jihan. Walang ibang maganda sa kanyang kundi ang mamahaling bagay at ang sarili niya. Masanay ka na sa ugali niya dahil kapag napikon ka sa kanya ay talagang matatalo ka."

"Pero kakaiba talaga ang ugali ni Jihan, kawawa ang magiging boyfriend niya. Kaya ikaw kung ayaw mong maging kaawa awa ay huwag mo na siyang gawing shota," ang natatawang sagot ni Gino.

"Kaya nga pinauubaya ko na siya sa iyo. Maaari mo siyang ligawan anytime," ang sagot ko naman.

Noong gabing iyon ay hindi halos dinalaw ng antok. Nakatayo lamang ako sa balkuhane sa likod ng rest house kung saan nasisilayan ang magandang view ng karagatan.

Malamig ang simoy ng hangin, tumatama ito sa aking mukha kaya naman paminsan minsan ay pumipikit ako para langhapin ito.

Nasa ganoong posisyon ako noong mapatingin ako sa bracelet na ibigay sa akin ni Yue, habang nakatitig dito ay tila gumuhit ang kakaibang kirot sa aking dibdib. Nasaan na kaya siya ngayon? Bumalik na ba siya sa kanyang karagatan? Bumalik na ba siya sa kanyang mundo? Ito ang mga tanong sa aking isipan at hindi ko namamalayan ang pagpatak ng aking luha.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon