Part 22: For Love or For Mission?

500 41 2
                                    

Part 22: For Love or For Mission?

YUELO POV

Matagal na tagal na rin magbuhat noong umakyat ako dito sa high land para isagawa ang misyon na iniatang sa akin ng mga elder mermaids. Ito ang misyon na hindi ko maaaring takasan dahil ang pagtakas dito ay para na ring pagtalikod sa aming lahi.

I admit na noong una talagang nahirapan akong makisabay sa buhay dito sa high ground. Ang bawat paligid ay katumbas ng kakaibang mundo. Pero gayon pa man ay hindi ako sumuko at inaral ko ang lahat ng mga bagay na ginagawa ng mga tao kabilang na ang kanilang araw araw na gawain.

Halimbawa, ang pagtatrabaho para kumita ng pera. Ang pagbili ng pagkain sa pamilihan at ang pakikipag usap sa mga tao sa aking paligid, kabilang na dito ang pag gamit ng tamang gestures.

Dito sa high ground ay mahalaga ang gestures dahil isa itong silent language na ginagamit para ipakita ang iyong emosyon. Ang ngiti ay nagbibigay ng positibong enerhiya sa tao. At ang pag busangot naman ng mukha ay may kalungkutang dala.

Marami rin akong nameet na mga iba't ibang uri ng tao. Ang mga kapit bahay namin ay mababait at friendly. Madalas nila akong tinutulungan at binibigyan ng magagandang bagay.

Mayroon din naman mga masusungit at hindi pala kaibigan katulad ng boy friend ni Ryou Guerrero na si Jihan Singh. Siya yata ang tipo ng tao na kahit anong pakikisama ang gawin ay hinding hindi magiging mabait sa iyo. Gayon pa man ay natututo ako mula sa mga taong nakakasalamuha ko. Sabi nga nila ay may dalawang uri ng tao sa mundo. Ang una ay ang mga taong bubuiin ka at ang ikalawa ay ang mga taong wawasakin ka at ibabagsak. Sa huli ay pasasalamatan mo silang parehas.

Sa paglipas ng mga araw ay narealize ko rin na ang mga mermaids ay walang pinakaiba sa mga tao pagdating sa emosyonal na aspeto. Bakit ko nasabi? Dahil ang sirena at mga tao ay parehong marunong magmahal dahil pareho nilang taglay ang pinakamahalagang parte ng kanilang katawan, at iyon ang kanilang mga "puso."

At kapag ang puso ay tumibok para sa isang tao ay hindi ka na makakawala sa sumpang dala nito. Marahil ito rin ang nagbibigay sa akin ng matinding pagkalito.

"Siguro ay iniisip mo na naman siya? Tama?" tanong ni tiya Marine noong makita niya akong nakaupo sa dalampasigan.

Tumingin ako sa kanya at sumagot, "Hindi naman eh."

Natawa si tiya Marine, "Yue, kung may isang bagay na hindi ka mahusay, sa tingin iyon ang magsinungaling. Dahil obvious sa iyong mata na hindi ka nagsasabi ng totoo," nakangiti niyang sagot.

Napabuntong hininga ako, "pinuntahan ako ni Ryou Guerrero kahapon at tinulungan niya akong ibenta lahat ang aking mga paninda," ang tugon ko.

"That's great, bakit nalulungkot ka?" tanong ni tiya Marine.

"Dahil mali ang lahat ng ito. Dahil hindi dapat ako nakikipag kaibigan sa kanya. Dapat ay papatayin ko siya. Ipapaghihiganti ko dapat ang aking mga kalahing namatay dahil sa pagkalason doon sa karagatan," ang sagot ko na hindi maiwasang malito.

Noong mga sandaling iyon ay halos hindi ko na maituwid ang aking isipan. Para itong alon sa karagatan na binabagyo at kung saan saang dereksyon tumatama.

Noong unang beses na tumapak ako dito sa high ground ay buo ang aking loob na gawin ang aking misyon. Pero habang nagiging malapit ako kay Ryou Guerrero ay tila nahihirapan akong gawin ito. Parang mali yata ang aking strategy of getting closer to him. Dahil the more I get closer... The more I fall..

Napabuntong hininga si tiya Marine, "Tila yata nakalimutan kong ipaalala sa iyo na ang sirena ay marunong din magmahal. At wala tayong control sa mga feelings natin. Naalala mo ba ang nangyari kay Seres? Nagmahal siya ng isang lalaki ngunit niloko lamang siya nito kaya't minabuti na lamang niyang bumalik sa ilalim ng karagatan. Hindi naman ipinagbabawal sa mga sirena ang magmahal ng taga rito high ground as long as tanggap nila ang iyong sikreto."

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now