Part 18: Attraction

514 41 0
                                    

Part 18: Attraction

Nakatahimik lamang si Ryou habang nakasandal sa gilid ng swimming pool sa harap ng kanyang bahay. Paulit ulit nagbabalik sa kanyang isipan ang mukha ni Yue at ngayon ay nais niyang makitang muli ang binata.

Natawa rin siya sa panaginip niya kagabi, napanaginipan niya na naliligo sila ng sabay ni Yue at magkayakap habang nakalubog sa karagatan. Hinahalikan niya ito at niroromansa sa ilalim ng tubig. Noong magising siya halos sumabog ang tamod sa kanyang brief, kumalat ito sa kanyang bulbol at bayag. Nag wet dreams siya at si Yue pa rin ang laman ng kanyang panaginip.

Natatawa siya sa kanyang sarili habang nakalunoy sa swimming pool..

"Parang sobrang lalim ng iniisip mo, bro?" tanong ni Gino, siya ay best friend ni Ryou. Inabutan niya ng isang basong alak ang kaibigan.

"Possible bang magkagusto ako sa isang taong hindi ko masyadong kilala?" tanong ni Ryou sa kanya.

"Oo naman, posible ito lalo't taglay ng taong iyon ang mga qualities na hinahanap mo. Wait, sino ba ang tao ito? Ito ba yung gwapong lalaki na kasama mo sa restaurant noong nakaraang linggo?" tanong ni Gino.

"Yung lalaki nakasama ko sa restaurant, siya ang tinutukoy ko," ang sagot ni Ryou.

"Talagang good looking siya, parang isang Diyos sa Olympus ang datingan. Well, gwapo rin naman si Jihan at sa tingin ko ay nakahanda siyang ibigay sa iyo ang lahat," ang sagot ni Gino, nakangisi ito.

"Malaki ang difference ni Yue at Jihan. Si Yue ay inosente, maligaya na ito sa mga simpleng bagay while si Jihan naman ay ayaw ng mga simpleng bagay at madalang itong maka appreciate. You know, marami na akong mga taong nakilala pero karamihan sa kanila ay sex at money lang ang habol," ang tugon ni Ryou.

"At iyan ang mahirap sa mga katulad mong Bilyonaryo, hindi mo alam kung ano ba alam kung ano ang gusto sa iyo, is it you or your money? Kaya hindi na ako nagtataka na maattract ka kay Yue dahil iba ang ipinakita niya sa usual na taong nakilala mo," sagot ni Gino.

"Gagawin ko ang best ko para makilala ng mabuti si Yue, sana ay hindi niya ako madisappoint," tugon ni Ryou, napabuntong hininga na lamang ito.

"Well, you have to understand na ang lahat ng tao ay may flaws, mayroong mga dark side na parang mga diamond na nacover ng dust. Kung mahal mo ang isang tao ay mamahalin mo ang lahat lahat sa kanya. And besides, there's no way you can know everything about someone. That's what keeps it interesting. At some point, you just have to learn to trust that person," dagdag ni Gino habang nagsasalin ng alak sa baso.

Napabuntong hininga si Ryou.

Tumingin siya sa kalangitan kung saan naroon ang buwan. Kasing kulay ng buwan ang buntot ng mermaid sa painting ni Yue. Ito ang naging daan upang makilala niya ang binata. Para bang ang lahat ay meant to be na mangyari.

Dito ay nagdesisyon siya na muling makipagkita kay Yue. That moment ay narealize niya na gusto pa niya itong makilala ng mas mabuti.

"Pero paano si Jihan? Alam mo naman na itinalaga niya ang kanyang sarili na maging kasintahan mo. Alam mo ba na pati butas ng pwet niya pinapaganda niya para masarapan ka kapag nag sex kayong dalawa? Wala lang nabalitaan ko lang sa isang kaibigan niya from na upper upper upper," hirit ni Gino.

"I didn't asked him to do that, si Jihan ay parang isang anino na nakamonitor at nakasunod sa akin. May times na mahirap siyang pakisamahan dahil siya moody at madalas demanding. Gusto niyang lagi siyang nasusunod at nakakasakal na siya," sagot ni Ryou.

"Kaya nga bro, ang maipapayo ko lamang sa iyo bilang malapit mong kaibigan ay iwasan mong makipag sex kay Jihan, dahil baka magpanggap iyan na buntis at bigla kayong ipakasal ni Mr. Singh," ang natatawang tugon ni Gino.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now