Part 40: Conclusion

359 46 0
                                    

Part 40: Conclusion

Bago iannounce ang nanalo sa contest ay nagkaroon muna ilang minutong fire works display. Nagliwanag ang buong paligid at ang makukulay na fire crackers ay gumuhit sa alapaap.

Noong mga sandaling iyon ay nakangiti lamang si Yue habang nakatanaw sa makukulay na paputok sa langit. Kahit ano ang maging resulta ng contest ay proud na rin at masaya na siya sa kanyang naabot.

Humarap siya kay Kurt at ngumiti.

"Thank you," ang salita ni Kurt, baka ang luha ng kaligayahan sa kanyang mga mata.

"Ako yung dapat magpasalamat sa iyo, manalo matalo ay ikaw ang pinaka "the best" the stylist at designer para sa akin," ang sagot ni Yue at niyakap niya si Kurt na noon ay patuloy sa pag iyak.

Samantala, sa kabilang banda ay inggit na inggit si Rezy ang designer ni Jihan. Naisip niya na sana ay naappreciate din siya ni Jihan ngunit sa ngayon ay wala itong pakialam sa kanya. Ni hindi nga siya nagawang pasalamatan. Naakit lamang siya sa malaking halagang inioffer nito kaya siya pumayag na maging designer ng binata, hindi naman siya aware na ganito ka sama ng ugali nito.

Makalipas ang ilang minutong fire works display ay muling umakyat sa stage ang host at dito ay muling tumugtong ang suspense music.

HOST: Ito na ang moment of truth. Ngayon ay i-aannounce na natin ang mga nanalo sa contest na ito. At simulan natin sa 2nd Runner Up..

"The second runner up is candidate number 6! Leo Smith!"

Crow cheering..

Mas lalo pang binalot ng kaba at excitement ang buong venue.

HOST: There are 9 candidates standing before me. Pero dalawa na lamang ang spot na nalalabi. At ikaw ang First Runner Up..

"You are the First Runner Up! Number 28! Yue Fortaleza!"

Noong mga sandaling iyon ay napasigaw si Ryou sa sobrang tuwa! Hindi napigilan ang kaligayahan noong tawagin si Yue. Samantalang walang mapaglagyang kaligayan si Kurt. Parang isang panaginip na sila ay nanalo! Wala siyang ibang nagawa kundi ang yakapin ang binata at pasalamatan ito sa kanyang effort na ipanalo ang laban.

Samantala ay malakas na binanggit ng host ang grand champion. "Jihan Singh IS THE NEW ELITE SUPER MODEL!!"

Bumagsak ang makukulay na confetti sa stage bilang pagsalubong at pag cecelebrate sa kanilang pagkapanalo.

Lumakad si Jihan sa stage habang kumakaway, masayang masaya ito sa kanyang naging tagumpay. Samantala ay kapansin pansin na maraming lumapit kay Yue na mga models at designers para icongratule ang kanyang tagumpay. Kung titingnan sa stage ay parang siya ang nanalo dahil siya ang pinagkakaguluhan ng mga candidate para batiin.

May ilang lumapit kay Jihan pero dineadma niya ang mga ito. Sa wakas ay nagtagumpay siya at napatunayan niya sa lahat na siya ang pinakamahusay at pinaka de kalibreng modelo sa bansa!

HOST: And there you have it ladies and gentlemen! Congratulations to all the winners and see you again next year! This is Anthony Choi your master ceremony! Good night!!

Natapos ang contest at pagbaba ni Yue sa back stage ay agad siyang sinalubong ni Ryou. Proud na proud ang binata. "Congratulations," ang pagbati nito sabay abot ng isang kumpol na pulang bulaklak. "At sayo rin Kurt, congratulations. Tiyak maraming mag oopen mas malalaking opportunity sa iyo after this," ang dagdag pa ni Ryou.

"Salamat po sir Ryou, painom ka naman dyan," ang biro ni Kurt.

"Sure naman, saan niyo gustong mag celebrate?" tanong ni Ryou habang nakangiti.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now