Part 49: New Beginning

330 36 0
                                    

Part 49: New Beginning

RYOU POV

Nawalan ako ng malay..

At noong magising ako ay natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng isang public hospital at ginagamot ang mga galos sa aking katawan.

Ang sabi nila ay natagpuan akong walang malay sa tabing dagat. Marahil daw ay nahulog ako doon sa bangin at doon ko nakuha ang aking mga galos at pasa.

Pero alam ko ang totoo nangyari at tandang tanda ko ang lahat. Fuck! Si Yue ay isang sirena at si Seito ay isa ring sirena. Pareho silang may buntot at magkaiba lamang ang kulay nito.

I still remember all the details kaso nga lang ay talagang sumasakit ang aking ulo sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata at pilit kong binabalikan ang mga pangyayari iyon.

Ngayon ay malinaw ang lahat sa akin, si Yue ang lalaking modelo sa painting. It is very clear na ginawa niyang inspirasyon ang sarili niya upang makagawa ang isang

extraordinary na artwork.

At noong mga sandaling nagkaroon ng lindol sa karagatan, noong sandali na nahulog ako sa yate at nilamon ng malakas na alon. Totoong iniligtas ako ng mermaid at hindi iyon isang halusinasyon. Ang mermaid na iyon ay wala iba kundi si Yue rin.

Habang nasa ganoong pag iisip ay unti unting nagkaroon ng linaw sa aking isipan kung bakit ganoon siya kawirdo. Kung bakit wala siyang alam sa mga bagay dito sa mundo, kung bakit hindi magkapares ang mga sapatos niyang suot. Kung bakit parati siyang naglalakad ng naka yapak, kung bakit ganoon siya magdamit. At kung bakit hindi siya marunong kumain sa mga restaurant. Ang kasagutan ay dahil hindi niya alam ang way of living dito sa lupa at ang bawat oras ng pananatili niya dito ay pag aadjust sa kanyang sarili.

It's all makes sense now..

"Bro, mabuti naman at gising ka na. Talagang dumayo ka pa dito sa rest house mo para tumalon sa bangin? Ano bang iniisip mo? Ang layo ng byahe ko para sa emergency na ito," ang reklamo ni Gino.

Naalala ko na isinama ko nga pala si Yue dito sa rest house para magtago ngunit nasundan pa rin kami ni Seito at nagkaroon sila paglalaban doon sa karagatan. Mahirap paniwalaan ngunit iyon talaga ang totoong nangyari. Pero wala akong ibang pagsasabihan nito dahil iisipin nila na nababaliw na ako.

Lumapit sa akin si Gino, "Tell me, ano bang nangyari sa iyo?"

"Nalasing ako at nahulog doon sa bangin, mabuti na lang at bumagsak ako sa karagatan," ang sagot ko, mas mabuti na yung ganito.

"Tapos ay iniligtas ka ng kaibigan mong mermaid?" natatawang biro ni Gino.

Pero seryoso akong sumagot, "hindi, lumangoy ako patungo sa pampang. Walang mermaid, hindi sila totoo."

"Biglang seryoso ka ah, alam mo hindi talaga ako sanay na ganya ka kaseryoso. Anyway magpahinga ka muna dito at uuwi na tayo sa siyudad sa susunod na araw," ang sagot ni Gino.

"Salamat sa pagpunta dito. Paano mo nalaman yung nangyari sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Tumawag sa akin yung caretaker ng rest house mo. Noong marinig kong emergency ay agad ako ng drive ng 3 hours patungo dito," paliwanag ni Gino.

Tumango ako at nagbitiw ng simple ngiti. Ewan ko, para bang wala akong gana magsalita at nais ko na lamang pumikit at timbangin ang aking emosyon. Kumakabog ang aking dibdib at halos hindi ako mapalagay. Paulit ulit kong itinatanong sa aking isipan kung totoo ba talagang nangyayari ito? O baka naman nananaginip lamang ako?

Ngunit kahit ilang beses kong tangkaing gumising o kahit ilang beses ko pang kurutin ang aking sarili ay bale wala lamang rin.

"Akala ko ay kasama mo si Yue dito sa rest house?" ang pang uusisa ni Gino.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon