Part 27: Romantic Night

454 46 0
                                    

Part 27: Romantic Night

Noong makababa si Yue sa hagdan ay lalapitan sana siya ni Ryou ngunit hinawakan ni Jihan ang braso ng binata at nagwika ito, "Sige, subukan mo siyang lapitan, subukan mo akong ipahiya! Subukan mong lapitan ang cheap at trying hard na lalaking iyan na mukhang silver paper ng sigarilyo, tiyak kong hindi mo magugustuhan ang mga susunod na mangyayari," ang pagbabanta ni Jihan kay Ryou.

"May gold paper din ang loob ng sigarilyo, magkamukha lang kayong dalawa," ang sagot ni Ryou.

"Hindi ako nagbibiro Ryou! Nandito ang mga common friends natin, huwag mo akong ipahiya ng ganito!" ang bulong ni Jihan na hindi maitago ang galit.

Walang nagawa si Ryou kundi ang manatili sa tabi ni Jihan, kesa nga naman mag iskandalo ang spoiled brat na binatang ito. Buti na lamang at napansin agad ni Kurt na pinigilan ni Jihan si Ryou lumapit kay Yue. Kaya naman sa halip ay siya lamang ang lumapit kay Yue at inalalayan ito sa huling baitang ng hagdan.

"Ladies and gentlemen, siya si Mister Yue, ang nagpinta ng artwork na kung tawagin ay "The Silver Moon", ang wika ni Kurt sabay turo sa painting ni Yue na nakadisplay sa isang parte ng exhibit.

Kurt saves the night!

Pinagkaguluhan ng mga bisita si Yue at ang lahat ay binati siya. "Hindi ako makapaniwala na isang napakagwapong binata ang nasa likod ng painting na iyon. Nakakamangha talaga, mayroon ka pa bang ibang paintings? Maaari mo ba itong ibenta sa akin, binibini?" tanong ng isang businessman.

"Magandang lalaki, matangkad at makinis ng isang ito maaari ko na siyang kuning modelo ng aking produkto, ilang taon ka na ba hijo?Gusto mo bang maging modelo?" tanong naman ng isa pa.

"Excuse me, sir and maam, bigyan po natin ng space si Sir Yue at sana bigyan natin siya ng time na sagutin ang ating mga katanungan," ang wika ni Kurt dahil napansin niyang nalilito na ang binata kung sino ang unang sasagutin. Halata sa mukha niya na hindi ito komportable.

Lalo lang naging magulo ang sitwasyon noong lumapit na ang mga bachelor na kaibigan, business partners at mga college friends ni Ryou kay Yue upang makipagkilala. "Uy, Kurt ipakilala mo naman kami sa bisita," ang wika nila habang nakangiti. Hindi rin ineexpect ni Kurt na dudumugin ang binata ng mga instant admirer at fans.

Pinaikutan ng mga gwapong bachelor si Yue, lahat ay nagpakita ng interest at paghanga kanya. Hindi na malaman ni Yue ang gagawin, nabibigla siya at nakaramdam ng pagkalito dahil halos sabay sabay nagpapakilala sa kanya ang mga binata sa paligid. Hindi na halos na control si Kurt ang crowd sa loob ng yate.

Totally na out shined na talaga si Jihan noong mga sandaling iyon dahil walang pumansin sa kanya. At ang one minute fame niya madaling natapos.

Napansin ni Ryou na tila hindi komportable si Yue sa kanyang paligid dahil parang litong lito na ito, kaya naman inalis ni Ryou ang kamay ni Jihan sa kanyang braso at mabilis itong nagpunta kay Yue. Hinawakan niya ang kamay nito at inalalayan sa paglalakad, "Sorry gentlemen pero nandito si Yue para ipromote ang kanyang painting," ang pagharang ni Ryou sa kanila.

"Wooo, damot mo naman bro!" ang biro ng kanyang mga kaibigan.

Humarap si Ryou sa binata at ngumiti ito, "okay ka lang ba? Sorry ha, masyado yata silang na starstruck sa iyo," ang salita nito.

"Oh ano, magaling ako diba?" tanong ni Kurt sa kanya.

"Oo naman, isa kang mahusay na stylist, good job, Kurt," ang nakangiting papuri ni Ryou.

"Okay lang ako, sorry hindi talaga ako sanay sa maraming tao. Hindi ko alam kung sino ang una kong kakausapin sa kanila," ang tugon ni Yue na may halong pagkahiya.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now