Part 39: Moment of Truth

360 43 0
                                    

Part 39: Moment of Truth

Walang nagawa si Jihan kundi ang itigil ang pag-aamok at bumalik na lamang sa kanilang dressing room.

"Ibang klase rin talaga ng sikmura ng lalaking iyon. Walang delikadesa, naghahanap lagi ng gulo," ang wika ni Kurt.

"Malakas kasi ang laban niyo kaya naiinis siya. At obvious naman na natatakot siya kay Yue dahil mas favorite ito ng crowd kaysa sa kanya. Tanggapin na lamang niya ang katotohanan na sawa na sa mukha niya yung mga tao at naghahanap sila ng fresh face kagaya ni Yue," ang sagot ng mga kaibigan niya.

"Yue, taga saan ka ba? Alam mo ngayon ko lang nakita ang mukha mo. Nakatira ka ba sa ibang bansa? Ang ganda ng balat mo at napaka kinis nito, ano bang secret mo? Soap reveal please," tanong ng kaibigang stylist ni Kurt.

Natawa si Yue at napatingin sa kanyang balat. Naalalala niya yung espesyal na lumot na ipinapahid nila sa kanilang balat para mapanatiling malinis at makinis ito.

"Taga dyan lang si Yue sa tabi ng sea wall, kung di niyo naitatanong ay artist din ang batang ito dahil isa siyang painter. At ang painting niya ay binili ni Ryou Guerrero sa malaking halaga," ang wika sagot ni Kurt kaya naman mas lalo siya na namangha.

Tuloy ang contest, ngayon ang Top 25 ay lalabas sa stage para i-show case ang kanilang kasuotan sa category na "anything goes."

HOST: "Anything Goes" meaning ay kahit na anong damit o creation ang nais nilang isuot para mapansin sila ng mga hurado. Ito rin ang kanilang magiging ticket para makapasok sa Top 10 Finalist! ARE YOU READY SEASIDE ARENA??!!!"

Crowd cheering!

Nagsimulang tawagin ang unang semi finalist sa top 25. Dito napuno na naman ng excitement ang buong venue. Ang bawat candidate ay nakasuot ng iba't ibang kasuotan na likha ng kanilang mga designers. Mayroong nakasuot ng casual wear, school uniform, yukata dress, hanfu at ang iba naman ay tradisyunal dress ng mga native groups.

Malakas ang hiyawan kay Jihan, lumabas ito suot ang sexy rave ourfits na kulay green. Kapansin pansin ang magandang hubog ng kanyang katawan at ang kanyang tanned skin na nagbigay ng justice sa kanyang kausotan. Ang kanyang upper part na katawan ay may armor na nagliliwanag kapag tinatamaan ng ilaw ng entablado. Lumakad ito na parang isang seductive model at sa kada pose ay nagbabago ang expression ng kanyang mukha. Mala modern warrior at spartan ang style ng kanyang suot at talagang mamahaling materyales ang gamit dito mula palamuti sa ulo hanggang sa kanyang mga paa.

Makalipas ang ilang sandali ay lumabas naman si Yue, suot ang merman inspired na dress. Hubad ang kanyang pang itaas na bahagi ng katawan ngunit ang kanyang braso ay may silver na kaliskis at palikpik. At ang kanyang pang ibabang damit ay merman style na kulay silver pants. At mas lalo pang namangha ang tao dahil habang lumalakad siya ay nagliliwanag ang kanyang suot na pang ibabang damit at ang palikpik na nakapalibot dito. Maamo ang kanyang mukha at sa kada ngiti na kanyang ginagawa ay nagiging wild ang mga audience sa buong venue.

Samantalang nakatahimik lang si Ryou, noong makita niya si Yue sa ganitong kasuotan ay biglang nag "flash" sa kanyang isipan ang imahe ng mermaid na nagligtas sa kanya sa karagatan. Hindi niya maunawaan ngunit kumabog ng malakas ang kanyang puso habang nakatitig sa binatang nakasuot ng merman na creation. Medyo malapit ang itsura ni Yue sa merman na nagligtas sa kanya!

"Ayos ka lang ba pare?" tanong ni Gino sa kaibigan noong makita nakatahimik lang ito.

"Ayos lang ako, mayroon lang akong naalala," ang sagot ni Ryou.

"Don't tell me iniisip mo na si Yue yung sirenang na nagligtas sa iyo? Porket ganyan ang suot niyang damit?" pang aasar ni Gino.

Hindi naman sumagot si Ryou, kinatukan lang niya sa ulo ang kaibigan saka tumawa ng malakas. Bagamat iyon nga ang nasa isip niya.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now