Part 29: Publicity

465 45 1
                                    

Part 29: Publicity

"Bro, totoo ba itong nasa front page ng business column?" tanong ni Gino noong pumasok ito sa office ni Ryou dala ang pahayagan.

"Tungkol saan?" tanong ni Ryou, wala siyang kamalay-malay na inilabas na ng press ang publicity ni Jihan kahapon. Nagkaroon kasi ng biusiness gathering kahapon at doon ay umeksena si Jihan, nagpasikat ito sa press at gumawa na naman ng paraan para siya ay pag usapan maging sentro ng attraction.

"Hindi masyadong big deal. Larawan niyo lang ni Jihan na magka-kiss sa lips at nakalagay ang caption na "The Perfect Business Couple is Getting Married!"

"Ano?! Patingin nga!" ang gulat na tanong ni Ryou, agad niyang kinuha ang pahayagan at dito ay nakita ang headline tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Jihan at sa ibabang portion nito ay ang larawan nila na magkadikit ang mga labi.

"Fuck! Ano ito? Bakit naglalagay sila ng maling impormasyon sa pahayagan? Alam nagsisisi ako na umattend sa business gathering na iyan kasama siya," tanong ni Ryou na may halong pagkainis.

"So meaning hindi mo alam ang tungkol dito? Siguro ay publicity ito ni Jihan para pag usapan kayo at ang inyong mga negosyo. Alam naman natin na mahusay talaga siya sa pagkuha ng atensyon," ang tugon ni Ryou.

"Sa palagay mo ba ay maniniwala ang taong makakabasa nito?" tanong ni Ryou.

"Oo naman, ang lahat ng mga bagay na nakatala sa pahayagan ay pinaniniwalaan ng mga ordinaryong tao," sagot ni Gino habang nakatingin sa larawan. "Grabe makahalik si Jihan huh, talagang sinunggaban ang nguso mo." dagdag pa niya.

"Obvious naman na siya ang nag initiate diba?" tugon ni Ryou.

Tawanan sila.

FLASH BACK

Habang busy sina Ryou at Jihan sa pagsagot sa tanong ng press ay bigla na lang hinawakan ni Jihan ang kanyang ulo at saka hinalikan siya nito sa labi. Nagulat ang press at agad silang kinuhanan ng larawan.

Pagkatapos ng interview ay sinita ni Ryou si Jihan, "Anong ginagawa mo? Business gathering ito, hindi ka dapat nag papasikat ng ganoon," ang tanong ng binata.

Natawa si Jihan, "For publicity, ano bang nirereklamo mo? Halik lang naman iyon, huwag ka ngang magpaka conservative dyan," ang sagot ni Jihan.

"Pero mali pa rin na bigla mo ako hahalikan sa harap ng press. Importanteng business gathering ito at hindi show mo," ang sagot ni Ryou.

Natawa si Jihan, "Para simpleng halik lang iyon, baka gusto mong ipaalala ko sayo yung nangyari sa pagitan natin noong 1st time tayong nagmeet sa bar 4 years ago? Kinantot mo lang naman yung bibig ko at pinakain mo sa akin yung tamod mo. Well, nag enjoy naman ako noon, kelan ka kaya ulit malalasing ng todo para maulit ang pangyayaring iyon?" nakangising tanong ni Jihan.

"Huwag mo na ibalik ang pangyayari 4 years ago, ayoko na isipin iyon. At hindi na mauulit iyon. Move on!" ang sagot ni Ryou sabay alis sa harapan ni Jihan.

END OF FLASHBACK

Pero noong mga sandaling ay napaisip si Ryou, baka maya maya ay mabasa si Yue ang nakalagay sa pahayagan at maniwala ito sa nakatala dito. Oo, minsan ay weird si Yue pero hindi naman ito tanga, siguro mauunawaan niya ang salitang "marriage" at kung may feelings siya kay Ryou ay tiyak na malulungkot ito.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now