Part 47: Cruelty

425 44 1
                                    

Part 47: Cruelty

YUELO POV

"Masama pa sila kaysa sa akin inaasahan? Bakit niyo ito nasabi? Ano ba ang kanyang gawin ng mga elders? Kaya pa ba nila tayong saktan kahit nasa ibabaw na tayo ng lupa?" ang pagtataka ko na may halong pangamba.

"Sa tingin ko ay may kakayahan silang gawin ito. Mayroon akong naalalang kwento tungkol sa isang mermaid na ang pangalan ay Merwin," ang wika ni tiya Marine.

Tumago naman si inay at sumuporta, "Oo, naalala ko ang tungkol kay Merwin. Siya ang pinaka unang merman na pinatawan ng kasalanang pag ta-traydor at kamatayan noon," ang sagot niya.

"Sino si Merwin?" ang pagtataka ko naman.

"Ang tungkol kay Merwin ay matagal nang naganap. Bata pa kami ni Marine noon. Siya ang kauna unahang merman na napatawan ng parusang pag ttraydor sa ating lahi. Halos pareho rin ang inyong naging sitwasyon ngayon," ang sagot ni Ina.

"Paano siya nagtraydor? Masama ba talaga ang kanyang ginawa?" tanong ko naman.

"Ang totoo ay hindi ko alam kung masama ba ang kanyang ginawa, hindi ko alam kung mali ba ito o tama. Bata pa kami Marine noon at hindi pa kami aware sa mga issue sa aming paligid. Basta ang alam lamang namin noon ay nagkamali si Merwin kaya pinarusahan ito," tugon ni inay.

Napabuntong hininga si tiya Marine at napatingin sa kalawakan ng karagatan.

Ngayon ay isang gabing malamlam at punong puno ng kalungkutan. Habang nakatingin siya sa kalayuan at unti unting binalikan ang kwento ni Merwin na naganap matagal na panahon na ang nakalipas.

"Hindi ko na maalala ang buong detalye sa mga pangyayaring iyon. Basta ang alam ko lamang ay si Merwin ang pinaka gwapong merman noon sa Liquara. Ang lahat ng mga sirena ay talaga nagkakagusto at umiibig sa kanya. Ngunit si Merwin ay nainlove at nahulog sa isang mangingisda.

"Pinatunayan ni Merwin na ang pag-ibig ay makapangyarihan dahil tinanggap siya ng mangingisda at nagmahalan silang dalawa. Inamin niya sa kanyang nobyo ang kanyang totoong katauhan, ang akala ni Merwin ay hindi siya tanggapin nito. Ngunit nagkakamali siya dahil buong puso siyang tinanggap ng binata.

"Naging makabuluhan ang pagsasama ni Merwin ng kanyang kasintahang mangingisda. Naging masaya sila sa itaas ng lupa at kapwa namuhay doon ng normal. Itinago ng mangingisda ang sikreto ni Merwin at hindi niya ito ipinagsabi kahit na kanino upang maprotektahan ang kanyang pinakamamahal.

"Isang araw ay nagkaroon ng isang malawakan dynamite fishing sa karagatan at marami sa ating mga kalahi ang napinsala lubos dahil sa matitindi at malalakas na pagsabog sa ilalim ng karagatan. Halos nawasak ang Liquara noong mga sandaling iyon.

"Dito napag-alaman ng mga elder mermaids na isa sa mga pinuno ng dynamite fishing na iyon ay ang lalaking nobyo ni Merwin. At noong araw ding iyon inutos ng matatandang gabay na wakasan at paslangin ang lahat ng mga maningingisdang kabilang sa pang aabuso at pagpapasabog ng karagatan. Nakakalungkot ngunit kabilang sa black list ang kasintahan ni Merwin.

"Umakyat ang mga assassin sa lupa upang patayin ang lahat ng salarin. Syempre ay buong lakas na ipinagtanggol ni Merwin ang kanyang nobyo at dalawang mermaid assassin ang kanyang napatay dahil sa labis na pagmamahal. Kaya si Merwin ay pinatawan ng parusang kamatayan sa salang pag ttraydor sa kanyang mga kalahi. Hindi na rin siya pinayagang makabalik pa sa Liquara.

"Walang nagawa sina Merwin kundi ang umalis na lamang at magtago sa ibang lugar na hindi sila mahahanap ng mga mermaid assassins. Sa huli ay naging matagumpay sila sa pagtatago at nakaiwas sa matinding kaguluhan," ang salaysay ni Tiy Marine.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon