Part 59: First Wave

379 45 0
                                    

Part 59: First Wave

"Ang luha naming mga sirena ay espesyal, ito ay nabubuo at nagiging perlas. Ang ordinaryong luha ay nagbibigay ng puting perlas na sakto lang ang kalidada. Ang luha naman ng kaligayahan ay nagbibigay ng kulay asul na perlas, ito ang may pinakamataas na kalidad sa lahat," ang paliwanag ni Yue.

"Kung ganoon ay talaga pa lang yayaman ka kung parati kang iiyak," ang sagot ni Ryou na hindi maitago ang pagkamangha.

"Katulad ng sinabi ko sa iyo, kung kukunin ko lahat ng mga kayamanan sa ilalim ng karagatan ay baka mas mayaman pa ako sa iyo," ang tugon ko ng binata.

"Ganoon naman pala, bakit kailangan mo pang pagurin ang sarili mo sa pagbebenta ng mga bracelet at souvenir items sa sea wall?"

"Dahil kailangan kong matutunan ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa aking paligid. Kailangan kong makipagbagay sa kanila upang makasanayan ko ang uri ng pamumuhay dito sa high ground," ang sagot ni Yue.

"Nahirapan ka sa pag aadjust?" tanong ni Ryou.

"Oo lalo na noong una, kami mga sirena ay nagkaka paa lamang tuwing araw. Kapag sumapit na ang sunset ay bumabalik ang aming buntot. Kaya mamaya lamang sila inay at tiya Marine ay muling magkakaroon ng buntot."

"Eh bakit ikaw ay nakakalakad sa gabi?" tanong ni Ryou.

"Dahil suot ko ang kwintas ito. Isang uri ng immunity na galing sa aking mga ninuno. Kung wala ang kwintas na ito hindi rin ako makakalakad at makakatayo sa gabi kaya kinakailangan kong bumalik sa karagatan o kaya ay magkulong sa isang silid na mayroong malaking paliguan," ang paliwanag ng binata.

"Naunawaan ko, talaga pa lang mahiwaga ang mga sirena. Nga pala, ano ba yung totoong dahilan? Bakit ka nandito sa ibabaw ng lupa? At kung bakit tayo hinahabol ni Seito para patayin?" nagtatakang tanong ni Ryou.

"Ito yung mga bagay na gusto kong sabihin sa iyo, Ryou. Ito ang mga bagay na dapat mong maunawaan," ang sagot ni Yue at noong mga sandaling iyon wala na siyang pagpipilian kundi ang sabihin kay Ryou ang totoong dahilan kung bakit siya nandito sa ibabaw ng lupa.

"Nagsimula ang lahat noong masira ang aming tahanan sa ilalim ng karagatan. Maraming mga sirena ang namatay at maraming napinsala. Ang dahilan ng pagkasira ng Liquara ay ang lason na kumalat sa tubig, ito ay nagmula sa isang malaking tangke ng langis na pag aari ng kumpanya ng Guerrero.

"Nagalit ang mga elder mermaids dahil nawasak ang aming tirahan at marami sa aming kalahi na nasawi. Dahil dito binigyan nila ako mismo at iyon ay ang magtungo sa high land upang patayin si Ryou Guerrero, ang lalaking responsable sa pagkasira ng aming tirahan.

"Dahil wala akong pamimilian ay umakyat ako sa ibabaw ng lupa upang isagawa ang misyon. Ginamit ko ang painting upang mapalapit sa aking target at iyon ang nangyari," ang bungad na salaysay ni Yue.

Napabuntong hininga si Ryou, "kasalanan ko pala talaga ang lahat. Hindi ko akalain na ganoon ang epekto sa inyo ng pagkakamali ng aming kumpanya, at hindi ko rin akalaing ganoon kalaki ang pinsalang nagawa ko sa karagatan. Katulad ng sinabi ko sa iyo, ang mga bagay na iyon ay pinagsisihan ko at pinagbayaran."

"Ilang beses kong pinagtangkaan ang buhay mo, pero hindi kita nagawang patayin.

Pinilit kong maging close sa iyo para maisagawa ko ang misyon. Pero habang tumatagal ay nagiging malapit ako sa iyo at nahihirapan akong gawin ito. Hanggang sa isang araw ay nagising na lamang ako na tila imposible ko na ito magawa dahil.. dahil umiibig na ako sa iyo," ang sagot ni Yue.

Humarap siya kay Ryou at saka tumawa, "nakakatawa diba? I was supposed to kill you, not to love you. Pero nangyari diba? Ang hina ko talaga dahil itong puso ko ay isang traydor at wala akong magawa para labanan ito."

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now