Part 3: The Silver Moon

879 77 3
                                    

Part 3: The Silver Moon

Payapa ang gabing iyon. Ang karagatan ay maliwanag dahil tumatama rito ang sinag ng buwan. Isang ordinaryong gabi ito kung kailan ang mga mangingisda ay abala sa paghila ng mga lambat na may huling mga isda.

"Hilahin ninyong mabuti! Mukhang maganda ang huli natin ngayon! Tiyak na maraming pera ang katumbas nito!" sigaw nila habang namamangha sa dami ng mga isdang nasa lambat.

Habang abala sa kanilang ginagawa ay may Nakita silang isang kakaibang bagay na lumalangoy sa ibabaw ng tubig. Kapansin-pansin ang buntot nito na nagliliwanag, kulay pilak at mabilis na lumalangoy sa paligid ng kanilang bangka.

Noong una ay namamangha sila dahil talagang kakaiba ang bagay na lumalangoy na iyon. Sa kada pagkilos nito ay kitang-kita ang kislap ng mga kaliskis lalo na kapag natatamaan ito ng liwanag ng buwan. Dahil sa tindi ng pagkamangha ay hindi na nakapagpigil ang pinuno ng mga mangingisda. Agad niyang kinuha ang isang matulis at matalim na sibat at buong lakas niya itong inihagis sa bagay na lumalangoy na iyon.

Sapul ito! Tinamaan ng sibat ang buntot nito dahilan para umangat ito sa tubig. Inakala nila na ito ay isang simpleng balyena o pating lamang. Ngunit laking gulat nila nang makitang ito ay may katawan ng tao at may buntot ng isda! Lahat sila ay nabigla sa nakita ng kanilang mga mata!

"Isang sirena! Hulihin n'yo!" ang sigaw ng pinuno. Mabilis siyang kumuha ng isang dinamita sa kaniyang kagamitan at agad nitong sinindihan! Walang pagdadalawang-isip niyang itinapon ang dinamita sa kinalalagyan ng sirena at nang sumabog ito ay nakita nila kung paano magdugo ang katawan nito.

Umiyak ang sirena. Kakaiba ang tunog na pinakawalan nito dahilan para magtaka sila at kilabutan. NangMerwing ang kanilang mga buhok sa katawan. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan!

"Sir, bakit sinaktan mo ang sirena? Malas iyon!" ang natatakot na wika ng isang mangingisda.

"Bakit? Wala akong pakialam kung malas ito! Alam mo ba kung gaano kamahal ang kaliskis ng sirena? Mas mahal pa ito sa mga buhay ninyo, mga tanga!" ang sigaw ng kanilang pinuno.

"Pero pinuno, alam mo na ba ang sabi sa alamat? Sinasabi nila na kapag umiyak ang sirena ay magagalit ang karagatan! Ang iyak nila ay magdadala ng delubyo, lalo na ang mga sirenang kulay pilak ang buntot na katulad sa kulay ng buwan!"

"Huwag kayong maniniwala doon! Kunin n'yo ang mga dinamita! Pasabugin n'yo ang tubig! Tiyak na mayroong mga kasama ang sirenang iyan!" ang sigaw ng pinuno at muling kumuha ng dalawa pang dinamita at saka inihagis sa tubig.

Noong sumabog ito ay muli na namang umiyak ang sirena at kasabay nito ang pagtigil ng alon sa karagatan.

Tumahimik ang buong paligid.

Ang lahat sa bangka ay nagtaka dahil ang karagatan ay nawalan ng alon. Hindi na ito kumikilos at parang isang patay na tubig na lamang. Maya-maya ay nagsimula nang magdilim ang kalangitan at nagsimulang dumagundong ang mabagsik na kulog at kumislap ang mga matatalim na kidlat sa paligid!

"Eto na nga ang sinasabi ko, ang iyak ng sirena ay magdadala ng delubyo! Dapat ay hindi n'yo sinaktan!" ang sigaw ng isang mangingisda. Halos atakihin na ito sa takot.

Pero gayon pa man ay hindi pa rin natinag ang pinuno ng mga mangingisda. Desidido siya na mahuli ang sirena kaya't sa halip na matakot sa matatalim na kidlat na bumabagsak sa paligid ay mas tumaas pa ang pagnanais niyang mahuli ang sirenang nakita kanina.

Lahat ng dinamita sa barko ay sinindihan niya at itinapon sa karagatan.

Sumasabog ang karagatan, namamatay ang mga isda sa ilalim nito. Ang mga korales ay nawawasak na rin at halos nagdudulot ito ng malalang pinsala sa mga parteng tinatamaan.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBDove le storie prendono vita. Scoprilo ora