Part 54: Extinction

327 39 0
                                    

Part 54: Extinction

YUELO POV

"Inay, ganoon pala ang nangyari sa kanila. Ibig sabihin ay talagang may kinalaman ang forbidden plant sa naganap kay Caldina?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Oo Yue, malaki ang kinalaman ng forbidden plant nangyari kay Caldina, pinaniniwalaan na ang halamang ito ang dahilan kung bakit nagbago ang kulay ng mga buntot ng kanyang mga iniluwal na anak," ang sagot ni Inay.

"At dahil dito ay dumami ng dumami ang lahi ng mga mermaid na may iba't ibang kulay ang buntot. Ang mga silver tail mermaid ay unti unting naubos," ang sagot ko.

"Tama na iyon," ang malungkot na tungon ni Inay at dito ay nagpatuloy pa ang kanyang salaysay.

"Si Sebastian ang namuno sa mga mermaid na nakatira sa Liquara ayon na rin sa pangakong binitawan sa kanyang ama. Iyon nga lang ay hindi naging madali ang lahat dahil sa magkakaibang interest na umusbong sa bawat isa.

Dahil kumaunti ang lahi ng mga silver mermaid ay naging mahina ang kanilang tinig. Nagkaisa ang mga "colored tail mermaid" na magtalaga ng sarili nilang pinuno. At dahil mas nakakalamang ang kanilang bilang ay naging mas malakas ang kanilang mga pwersa.

Sa huli ay walang nagawa si Sebastian kundi ang ipagkatiwala na lamang ang pamumuno sa mga nakakarami. Ito ang simula ng pagkawala ng mga silver tail mermaids dahil ang iba sa kanila ay lumisan sa Liquara at napadpad na lamang kung saan.

Ang naiwan lamang sa Liquara ay si Sebastian at ang kanyang asawa. Dahil na rin sa paniniwala na ang lugar na ito ay pag aari ng kanyang mga ninuno at kanyang mga magulang. Pag aari ito ng lahat ng mga silver tail mermaid. Kaya't pinahahalagahan niya ang naiwang kayamanan ng kanyang amang si Donno.

Kaya't kahit mahirap ang sitwasyon ay hindi pa rin sila lumisan sa Liquara. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaki na mayroon ding silver tail at pinangalanan nila itong Romualdo.

Noong mamatay si Sebastian at ang kanyang asawa ay si Romualdo na lamang ang natira sa kanilang lahi. Nakita niya ang malaking pagbabago sa Liquara at naging saksi siya kung paano baguhin ng mga paniniwalang nakasanayan ng kanilang lahi.

At dahil siya na lamang ang nag iisang sirenang mayroong pilak na buntot ay naging kakaiba siya sa paningin ng lahat at sa tuwing may magaganap na hindi magandang bagay sa Liquara ay siya ang sinisisi dahil ang tingin sa kanya ay malas at parati siyang may dalang sakuna.

Mas lalo lamang lumala ang sitwasyon sa Liquara noong dumating ang mga Elder Mermaids sila ang mga anak nina Donno at Caldina, sila ay tumanda na at naging daan upang baguhin ang kasaysayan.

Tuluyang inalis ng mga elder mermaid ang tungkol sa mga silver tail hanggang ang kanilang kasaysayan ay hindi na kilala ng bagong henerasyon. At si Romualdo ay nanatili na lamang isang wirdong sirena na palaboy laboy sa Liquara.

Gayon pa man ay nagkaroon pa rin ng anak si Romualdo ay isinilang siya sa ilalim ng liwanag ng buwan. At iyon ay pinangalanan niyang "Yuelo" na ang ibig sabihin ay "kinulagdan ng buwan."

Dito nagtapos ang kasaysayan ng mga silver tail mermaid. Ito ang totoong kwento ng kanilang lahi na itinago at hindi kinilala ng mga elder mermaids. Dahil para sa kanila ay sila lamang ang superyor.

Ang naging "karma" lamang ng mga colored tailed mermaids ay mas maikli ang buhay nila kaysa sa mga silver tail. Ngayon ay para na lamang silang mga ordinaryong tao na nagkaka edad at namamatay.

Tahimik.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Nakakalungkot naman inay, ganoon lang kadaling nawala ang aming lahi," ang sagot tanging nasabi ko.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBDonde viven las historias. Descúbrelo ahora