Part 67: Vision

259 30 0
                                    

Part 67: Vision

"Yue, isang ngiti naman dito! Ang gwapo gwapo mo talaga!" ang masayang salita ng mga photographer na nakaaabang sa venue. Agad nilang nilapitan si Yue noong makababa ang ang binata sa sasakyan. Suot niya ang combination ng red and white suit na fitted sa kanyang magandang katawan.

Ngayong gabi ang launching party ni Yue bilang official na modelo ng Singh's Cosmetics kaya naman sa red carpet pa lang ay dagsa na agad ang press para makausap siya.

"Teka, wag mo naman akong iwanan dito," ang bulong ng binata kay Ryou sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng binata.

Natawa si Ryou, "Hindi naman kita iiwanan, mahirap talaga kapag sikat na ang kasintahan mo," ang bulong ni Ryou habang nakangiti. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ng binata.

Noong gabing iyon lumabas si Mr. Singh sa mini stage at humarap siya sa press kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga staff at mga tao sa likod ng Singh Cosmetics. Ipinakilala rin niya si Yue bilang opisyal na modelo ng company at inacknowledge din niya ang success ng Singh Cosmetics nitong nakakaraang araw dahil nonstop ang trend nito sa social media.

"Mr. Fredrick, saan mo naman nadiscover ang bagong face ng company?" tanong ng press sa kanya.

"Actually, si Yue ay nanalo sa Elite Super Model last month and as far as I know ay grinab niya ang lahat ng special awards. Ganoon siya kahusay at katalented bilang isang model. And aside from that, he is also a good friend of Ryou Guerrero kaya't nagkaroon ako ng chance na bigyan siya ng opportunity. Kung hindi niyo naitatanong ay isa rin siyang mahusay na painter at artist. He is everything you need, he is everything under the sun. He is more than a pretty face!" ang nakangiting sagot ni Mr. Singh.

"It's obvious naman na gustong gusto si Yue ng market dahil mataas ang engagement ng mga commercials niya online. He's truly one of a kind. Congratulations Mr. Singh, its a very wise descision na gawing official model ang fresh face na katulad ni Yue," ang sagot ng press na hindi maitago ang paghanga sa binata.

Noong mga sandaling iyon ay nakaupo lamang si Yue at nakangiti sa press habang nakatabi si Ryou. May mga pagkakataon na tinatanong siya at iniinterview ng press ngunit dahil komplikado ang ibang question ay mas mabuti si Ryou na lamang ang sumagot nito lalo't siya ang nagpakilala bilang personal na manager ng binata.

"Ano yung reaction ni Jihan? Hindi naman ba nagkaroon ng conflict between him and Yue? Kasi simula pa lamang ng Elite Modeling ay rival na silang dalawa doon sa contest. So anong naging reaction ni Jihan noong malaman niya na si Yue ang papalit sa kanyang bilang bagong mukha ng company?" pang uusisa ng isang press.

"Wala akong nakitang problema kay Jihan dahil mahalaga rin sa kanya ang progress ng business. She's very professional and wala siyang anything against Yue. Infact, lahat ng ideas at concept na ginamit sa commercials ay ideas niya. At sobrang na proud siya noong makita ang final product. Right now si Jihan ay nasa isang importanteng pag aaral upang mas maunawaan ang operations ng business," ang paliwanag ni Mr. Singh.

Halos tumagal ng limang oras ang party, may kalaliman na rin ng gabi kaya't nag desisyon sina Yue at Ryou na huwag na lamang tapusin ang pagdiriwang. Agad silang nagpaalam kay Mr. Singh at sa iba pang business associate. Alam naman nila na hindi makabubuti para kay Yue ang magpuyat at mapagod ng husto dahil marami pa itong mga trabahong dapat gawin. Ilang pictorials pa ang naka line up ngayong week.

Agad na nag drive si Ryou pauwi sa kanilang private resort. Habang nasa ganoong posisyon sila ay hindi maiwasang tumingala ni Yue sa kalangitan dahil masyadong maliwanag ang buwan, nagdadala ito ng kakaibang pakiramdam sa kanya na hindi niya halos maisalarawan.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Ryou habang nag ddrive.

"Oo, kakaiba lang ang pakiramdam ko," ang simpleng sagot ni Yue, inilabas niya ang kamay sa bintana at maya maya biglang nag glow ang kanyang balat.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now