Part 15: Sign

537 40 0
                                    

Part 15: Sign

"Kumusta ang date mo with Ryou Guerrero?" tanong ni Marine, noong makita niya si Yuelo nakaupo sa tabing dagat at nakatanaw sa malayo.

Batid niyang malalim ang inisip ng binata.

Tumingin sa kanya ni Yuelo at nagbigay ito ng simpleng ngiti. "Anong iniisip mo?" tanong ni Marine sa kanya, umupo rin siya sa tabi ni Yuelo at pareho nilang pinagmasdan ang asul na karagatan.

"Hindi ko maunawaan kung ano yung nararamdaman ko. Nakakaramdam ako ng nakakatawang pakiramdam, parang tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag naiisip ko si Ryou," ang sagot ni Yuelo.

"Ohhh," ang reaksyon ni Marine noong marinig ang sagot ng binata.

"Siguro ay na eexcite lang akong patayin siya, kaya ko nararamdaman ang ganitong pakiramdam," ang dagdag pa ni Yuelo.

Natawa si Marine, "masaya ka ba kapag naiisip mo siya? Pakiramdam mo ba ay parang mayroong paru-paro sa inyong tiyan? Gusto mo ba ulit siyang makita? Lagi mo bang naalala yung moment na kayo ay magkasama? May naramdaman ka bang something noong hawakan niya ang iyong kamay?"

"Oo, lahat ng iyan ay nararamdaman ko. Napagtataka talaga," tugon ni Yue.

Ngumiti si Marine, "Iyan ang sign na ikaw ay in love. At hindi mo maaaring ideny ang nararamdaman mo."

"In love? Posible ba iyon? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito," ang sagot ni Yue.

"Nasa wastong edad ka na para mainlove, ito ang mga bagay hindi mo maaaring iwasan. Ang lahat ng nilalang dito sa mundo ay may kakayahang magmahal, kahit na ang pinakamaliit na bagay pa. Ang pagmamahal ang pinaka makapangyarihang bagay sa buong mundo dahil may kakayahan ito baguhin ang paniniwala ng isang tao."

"Maiiwasan ko ba ang pagmamahal? Kung iibig ako kay Ryou Guerrero, paano ang misyon ko?" tanong ni Yuelo na may halong pag-alala.

"Hindi mo maiiwasan ang pagmamahal dahil ang pag-ibig ang pinakamagandang sumpa sa buong mundo. Kusang titibok ang puso mo para sa isang tao and at hindi mo matatakasan ang mahikang dala nito. Ngayon, kung sakaling mainlove ka kay Ryou, you have to chose between love and your mission. Iyan ang mga bagay na magpapakomplikado ng buhay mo," ang paliwanag ni Marine.

Napayuko si Yue at lalong bumakas ang pag alala sa kanyang mukha, "Kung mangyayari iyon ay tiyak na mahihirapan ako. Ang pamimili pa naman ang pinaka komplikadong bagay na ayokong gawin!"

"Kung ayaw mong mamili I think It's time na ipaubaya mo sa kapalaran ang lahat ng bagay. Mangyari ang dapat mangayri at hayaan mong dalhin ka ng agos sa lugar na dapat mong kalagyan," sagot ni Marine.

"Sabi nila ang pagmamahal ay magdadala lamang ng kahinaan," sagot ni Yue

"Sa kabilang banda, nagdadala rin ito ng kalasakan sa atin," sagot din ni Marine.

Hindi sigurado si Yue kung ano ba talaga ang nararamdaman niya. Ngunit hindi maalis si Ryou sa kanyang isipan. May pagkakataon pa na papanaginipan niya ang binata habang nakangiti ito at hinahawakan ng kanyang kamay.

Masaya siya habang nasa loob ng kanyang panaginip, ngunit sa oras na gumising siya ay ibayong kalungkutan ang kanyang nararamdaman dahil wala na si Ryou sa kanyang tabi at ang lahat ay babalik na naman sa reyalidad.

*****

Samantala, alam naman ni Marine na si Yuelo ay nagkakaroon ng interest kay Ryou Guerrero. Una pa lamang ay alam niyang mangyayari ito dahil nasa edad siya ng kapusukan ng damdamin. At alam din ni Marine na magiging complicated ang misyon ni Yuelo lalo't darating ang oras na maglalaban ang kanyang puso at ang kanyang isipan. At kahit ano pa ang sundin niya dito ay tiyak na magdudulot ito ng kaguluhan.

The Ocean Tail: Loving The Merman BXBWhere stories live. Discover now