CHAPTER 22

21 2 0
                                    

Skyler POV

Palabas na ako at papunta akong parking lot ng hospital kung saan dinala si Grandpa nang may napansin akong babae na nakaupo sa bench. Maganda siya maamo ang mukha at slim ang katawan. May kaputian din naman siya at mahaba ang buhok, biglang kumabog ang puso ko para akong na love at first sight.

Napansin kong malayo ang tingin niya, kung tititigan mo parang may malalim na iniisip ito, parang gusto ko siyang lapitan pero nag alangan ako dahil hindi ko naman siya kilala mamaya mahambugan pa siya sa akin. Lalagpasan ko na sana siya pero napansin kung tumutulo na pala ang luha niya.

Napahinto ako bigla sa tapat niya at nagulat nalang ako dahil inabutan ko na siya ng panyo, "Miss, I think you need this" kaso imbes na kunin inirapan niya pa ako. Mukhang may pagkamataray ito ah. Akala ko mabait dahil maamo ang mukha kabaliktaran pala.

Then, the next thing I knew I was holding her in my arms. She fainted. Dinala ko siya sa agad sa emergency. Hindi ko alam anong gagawin ko dahil ngayon ko lang ito nakita hindi ko naman siya kayang iwan sa hospital para sila na ang kumontact sa relatives niya nakita ko sa ID niya sa wallet ang name niya Irelyn Nivya Rivera Gomez.

Doon ko nalaman na 6 weeks pregnant siya. Ang sabi ng doctor na tumingin sa kanya normal lang na mangyari yung nawalan siya ng malay pero may napansin sila sa test niya na overstress kaya din daw siya nahimatay. Napagkamalan pa nga ako ang tatay ng dinadala niya. Hindi ko pa naitatama yung hinala sa akin nagsalita agad ang doctor.

"Please Sir, don't stress her too much makakasama kasi yon sa baby ninyo"

"W-what??" sabay tinalikuran ako ng doctor. Pagtingin ko sa babaeng pasyente gising na siya. Nilapitan ko siya at kinamusta ko narin ganun parin mailap siya kausap but I understand dahil narin sa sitwasyon niya. Nag offer akong ihatid na siya but she decline and sabi niya magpapasundo siya sa kaibigan or pinsan niya pero hindi ko siya iniwan until hindi dumating yung susundo sa kanya.

Ako narin ang nag settle ng bills niya. Kinausap niya ako at kinuha ang number ko para daw makuha yung details ko para maibalik yung inabuno ko.

Ito na ang simula nang pagkakakilala namin nang minamahal ko. Ang babaeng mataray na may maamong mukha. But she's kind and wonderful woman. Naging mabuting ina siya kay Gavin Zade Gomez. Naalala ko pa sa akin niya kinuha yong name na Zade dahil Zackary ang second name ko at gusto niya may letter Z din ang pangalan ng anak niya.

Nang lumabas na ang gender ng baby ay nandoon ako, ang kaibigan niya, at ang pinsan niya.

"Kambal! It's a boy!" sabi ni Perrie ang bff ni Irie.

"What's the name of the baby?" Ali ask.

Marami silang suggestion pero lahat walang napili si Irie.

Habang tumatagal lalong lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya, may mga against and pro. But I don't care sa kanya ko lang naramdaman yung ganitong feelings.

Hanggang sa nakapanganak na siya at nasa tabi niya ako.

"Huii!! Sky! ikaw kumalma ka nga!! parang ikaw pa itong tatay ng anak ni Irelyn!" sabay na sabi ni Perrie at Alinna.

Grabe ang kaba ko noon habang nasa labor room si Irelyn parang ako yung asawa yung pakiramdam na natatakot at kinakabahan baka may mangyari sa kanya habang nanganganak siya mga ganoong scenario ang nasa isip ko.

Matapos niyang makapanganak doon lang din ako nakahinga ng maluwag, lalo na nung nakita ko na siya at nagpapahinga sa room niya. Nung nakita ko yung baby na hawak ng nurse at inilapit na kay Irelyn, nakita ko ang mukhang anghel na bata napatibok ng malakas ang puso ko.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 03, 2023 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

CHANCES, SAVE USDonde viven las historias. Descúbrelo ahora