CHAPTER 15

28 4 2
                                    

Pagbalik ko ng tingin kay Gadiel ay palipat lipat ang tingin niya sa amin ng anak ko. Inikot din niya ang tingin sa mga kasama niya at sa mga magulang ko na may pagtataka, ibig sabihin wala pa siyang idea.

"N-Niv.."Narinig kong binanggit niya ang pangalan ko pero lumapit siya agad sa magulang ko at nagmano.

Hindi ko mabasa ang mga mata niya kaya tumayo ako at sinalubong ko siya pero ang tingin niya sa akin ay tagusan banda sa anak ko.

Hinawakan ko siya sa braso at paglingon niya sa akin nakita ko na ang namumuong luha sa mga mata niya at umiiling hindi tuloy agad ako nakapagsalita, maya maya hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kanya napansin ko yung panginginig at panlalamig niya.

"Niv.. is he my son?" nakatitig siya sa akin na may luha sa mga mata.

Naramdaman ko nalang ang paghawak niya sa pisngi ko at pinupunasan ito hindi ko namalayan na tumutulo narin pala ang luha ko.

"Mommy?" tawag ni Gavin sa akin. Pinahid ko agad ang mga luha ko napansin ko rin ang pasimpleng pagpahid ni Gadiel sa mga mata niya at lumapit kami sa anak ko doon ko lang napansin na magkahawak kamay na pala kami.

"Baby, diba sabi sayo ni mommy ngayon mo makikilala ang daddy mo?" Tumango ang anak ko na palipat lipat ang tingin kay Gadiel at sa akin. Mas lumapit pa si Gadiel sa kama ni Gavin.

"Mommy, is he my daddy?" Ngumiti ako sa anak ko at tumango.

"Yes, baby...Siya ang Daddy Gadiel mo." sagot ko.

"D-Daddy..." Gavin was sobbing so hard.

"You're...hele..."

"Yess...I'm sorry, s-son!" bulong ni Gadiel habang tumutulo ang luha mula sa mga mata niya. Niyakap niya ng sobrang higpit ang anak. Nakita ko nalang na yumuyugyog ang mga balikat niya pati ako napaiyak sa nakikita kong eksena. Paglingon ko sa mga kasama namin sa kwarto lahat ay lumuluha narin.

"Don't cry, baby...I'm here now" Gadiel whispered to our son.

Naibalik ko lang ang tingin ko sa mag ama ko nang narinig ko ang hikbi ng anak ko umiiyak narin siya at nakayakap din sa ama niya. Humiwalay si Gadiel sa anak namin at pinapatahan nito sa pag iyak.

Gadiel smiled at him and wiped his tears.

"How are you?" tanong ni Gade kay Gavin.

"I'm okay na po daddy" sagot ng anak ko.

Hinalikan niya ito sa noo. Umayos narin ng upo si Gavin at nagsimula nang magkwento. Nakikinig lang din naman si Gadiel at napapangiti sa mga kwento ng anak ko kaya hinayaan ko lang sila, lumapit narin sila Tita Eleena at ate Rhea.

Ang daming daldal ng anak ko nagsusumbong pa na masakit na daw yong kamay niya na may tusok. Sakto naman may pumasok na nurse at tatanggalin na ang dextrose niya. Nag request pa ang anak ko na si tita na lang daw niya ang magtanggal kasi nong tinusok daw siya hindi masakit buti nalang at kaibigan din ni ate Rhea yong nurse kaya ayos lang naman yong request ng anak ko.

Pumasok din yung doctor ni Gavin at sinabing okay na siya pero bukas na siya palalabasin dahil kailangan pa siyang obserbahan mabuti lalo na yong paghinga niya. Sa sobrang bibo ng anak ko pinakilala niya pa ang daddy niya dito, nagpakilala din ng maayos si Gadiel kay doctora.

Mga hapon na ng nakapagpahinga si Gavin ayaw pa nga niyang matulog kasi baka daw paggising niya wala na ulit ang daddy niya kaya nangako si Gadiel na paggising ng anak nandoon lang siya sa tabi niya at binabantayan siya kaya ayun sumunod din kaya nakatulog siya.

Nagpaalam saglit na may bibilhin sila daddy, mommy kasama sila tita Eleena at ate Rhea alam kung sinadya nila yon para din siguro makapag usap kami ni Gadiel.

CHANCES, SAVE USOnde histórias criam vida. Descubra agora