CHAPTER 13

29 4 3
                                    

"Baby Gavinnnnn!!!" sigaw ni Perrie. Grabe talaga ang bibig ng kaibigan ko na ito sakit sa tenga.

"Omg! Ang aking inaanak na pogi na manang mana sa ninang niya" ganyan yan kada makikita ang anak ko laging sinasabi na mana ito sa kanya akala mo naman siya ang nanay.

Sinadya namin siya sa clinic niya.

Doctora Perrie Santillan Resident doctor in cardiology dito sa Metropolitan Hospital.

Dahil check up ni Gavin sa pedia niya ay dinalaw na namin ito. Iisang hospital lang kasi sila at siya rin mismo ang nag recommend ng pediatrician ni Gavin.

Eksakto naman break ni Perrie, kaya nag snacks kami malapit sa hospital syempre lahat ng iturong pagkain ng anak ko ay binibili ng gaga huwag lang yung mga bawal, masiyado niyang spoiled ang baby ko. Sobrang natutuwa naman ako dahil maraming nagmamahal sa cute na cute kong anak.

Natuwa din ako sa mainit na pagtanggap ng mga kaibigan ko sa kanya at hindi ko man lang nakita sa kanila na hinusgahan ako inalam nila muna kung sino ang ama ng anak ko o kahit hindi nila ako tanungin alam na agad nila na si Gadiel ang ama Carbon copy ba naman eh!

"Kamusta naman ang trabaho mo?" tanong ko kay Perrie habang kumakain kami.

"Maayos naman" sagot niya sa akin.

"Ikaw, kamusta ka naman?" tanong naman niya.

"I'm fine, a little bit busy sobrang dami ng problema ngayon sa opisina."

"Bal, dahan dahan sa pagpapayaman ha? Marami ka nang pera, hindi bawal ang magpahinga"

"Luka luka" sabay nagtawanan kaming dalawa.

"Eh, kamusta naman ang inaanak ko?" tanong niya kay Gavin.

"I'm okay po, ninang" sagot ng anak ko at ngumiti lumabas pa ang dalawang biloy niya sa pisngi.

"Ang cute cute mo talaga!" pinisil naman ni Perrie ang pisngi niya.

Pagkatapos namin mag snacks ay aalis na dapat kami ng anak ko at may clinic pa naman si Perrie.

Biglang may lumapit sa amin si Mr. Fajardo, ang makulit kong manliligaw.

"Hi, Irelyn" binati ko lang din siya ng isang simpleng ngiti.

At sunod niya rin binati ang anak ko. "Hello, big boy."

"Hello po" bati ng anak ko at nag wave pa ng kamay.

Napangiti din si Mr. Fajardo sa kanya sabay kurot ng pino sa pisngi nito na namumula na naman ganyan yan kapag nahihiya or may ibang tao na hindi niya gusto.

Nag offer din siya na ihatid kaming mag ina pero sinabi kong may dala akong sasakyan.

Pagsakay namin sa kotse ay biglang nagtanong si Gavin.

"Mommy, Wos tat guy?" tanong ng anak ko sa akin.

"Hmm, one of my business partner. Why did you ask, baby?" Umiling lang ang anak ko.

Pagkakabit ko ng seatbelt niya at isasarado ko na sana ang pintuan ng kotse ng bigla siyang nagtanong ulit.

"Mommy, wer is my daddy?" bigla akong napatulala sa tanong nang anak ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa tanong niya.

Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya lalo nang makita ko ang mga mata niyang namumula. Nang nakabawi ako ay niyakap ko siya.

"Soon, baby, I'll tell you about your dad and maybe makikita mo na siya, okay?"

"Leally mommy?" biglang lumiwanag ang mga mata ng anak ko, ngayon ko lang napagtanto na may kakulangan nga sa buhay niya.

"Yes baby, promise" Bigla nya akong niyakap.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now