CHAPTER 10

27 4 0
                                    

"Ano ba kasing nangyari???" Sigaw ko sa tatlo.

"Hawak lang namin siya kanina tapos nagulat nalang kami nawala siya bigla" sinuklay ko ang buhok ko at humawak sa beywang.

"Tatlo tatlo na kayo! Mano sana kung yung isa ay taga bantay ni Gavin!" muli akong humawak sa ulo ko.

Please, ibalik niyo yung anak ko.

"Ma'am, wala raw po silang nakitang bata na nakalabas ng playground" bungad ni Riva sa akin.

Calling... Mommy

"Anak, bakit?" Naiiyak na ako ng marinig ko ang boses ni mommy.

"Mo...mommy" tumulo na ang luha ko.

"Bakit? Ano nangyari?" tanong ni mommy.

"Nawawala po si Gavin" narinig kong nag panic agad si mommy.

"Ha? Paano nangyari yon? Ano bang ginawa mo? Jusko kang bata ka! Iniwan siya dyan ng kuya Jaiden mo diba?" umiiyak na ako. Inaalo ako ni Dione.

"Kasama siya nila Dione dito sa may playground tapos bigla nalang daw nawala sa paningin nila" sagot ko.

"Please, call my cousins pakisabi sa kanila nawawala ang anak ko. I need them dahil kailangan kong hanapin si Gavin bago mag gabi mommy" pag mamakaawa ko sa mommy ko.

"Sige sige, tatawagan ko sila. Unahin mo diyan hanapin kung saan huling nakita"

"Opo" pinatay ko ang tawag at umiyak muli.

"Hawak ko pa siya kanina eh tapos nagulat nalang ako hindi ko na siya makita sa tabi ko" paliwanag ni Aella.

"Sorry, Irelyn" tumango lang ako sa kanila.

"Oumm Lets go. We need to find my son bago mag gabi. Hindi niya alam dito" sabi ko sa kanila. Nakita ko naman silang tatlo na aligagang umikot sa playground. Ngayon lang nakarating si Gavin sa company kaya bago ito sa paningin niya.

God, please. Help us to find my baby.

Lumapit ako sa mga tao roon sa playground at nag ikot ikot.

"Ms. nakita niyo po ba itong batang ito?" tanong ko sa unang tao na nakita ko. Pinakita ko ang picture ni Gavin sa kanya ngunit umiling lang siya.

Nasaan kana ba, anak?

"Hi, nakita niyo po ba itong batang ito?" Tanong kong muli sa nakita kong tao. Pinapakita ko ngayon ang picture ni Gavin at kuya Jaiden na sinend sa akin ni ate Charm. Umiling lamang ang lalaki.

"Irelyn!" rinig kong sigaw ni ate Alinna. Tumakbo ako sakanya at yumakap. Sinend ko sa kanila ang location na sinend ni Aella.

"Ate, yung anak ko.." umiiyak na ako sa harap niya. Nakikita ako ng mga pinsan ko ngayon.

"Kuya, yung anak ko.. kailangan ko siyang makita" niyakap ako ni kuya Jaiden at pinapatahan.

"Makikita rin natin si Gavin. Magtiwala tayo"

"Please, I need my son. Siya ang buhay ko" niyakap ulit ako ni ate Alinna. "Shhhh, mahahanap din natin si Gavin"

"Jensen, mag report na tayo sa police" tumango naman si Jensen sa sinabi ni kuya Jairus.

"Ate, nasa mabuti naman ang anak ko diba? Hindi naman siguro siya sasaktan ng mga nakakita sakanya kung sakali" nakatingin ako kay ate Alinna.

"Hindi naman, mabait naman si Gavin at baka nga hindi sumama yun sa iba. You always told him na huwag siyang kakausap sa hindi niya kilala" Sagot niya. Tama! Matalino ang anak ko hindi siya basta basta sasama kahit kanino.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now