CHAPTER 5

36 5 1
                                    

Pov ito ng isa sa mga kabigan ni Irelyn bago at pagkatapos nilang makita si Irelyn. Ito ang mga reaksyon nila ng malaman na may anak si Irelyn.

Dione Pov
Ang cute talaga ng mga bata buti nalang at ito ang pinili kong bokasyon. Nakakapagod pero kapag nakikita ko ang ngiti ng mga bata na ginagamot ko ay nawawala ang pagod ko.

Agad kong sinagot ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang tumatawag.

Calling... from Kade

"Hello pre, bakit?" tanong ko sa linya

"Labas tayo pre, nabobored na ako" natawa naman ako sakanya dahil lagi naman siyang bored.

"Saan tayo? Natawagan mo na ba sila Aella at Irelyn?" tanong ko kay Kade.

"Hindi pa tatawagan ko palang after kitang kausapin. Saan ba tayo? Club?"

"Ayoko muna mag club ngayon wala si Jairo rito nasa seminar, out of town at bukas pa ang uwi niya. So, hindi ako pwedeng gumala sa club kapag wala siya. Mamaya mag away pa kami dahil diyan doon nalang kaya tayo sa condo mo" sagot ko naman kay Kade.

"Ayoko nga rito! lagi nalang tayo rito sa condo ko, kay Irelyn naman tayo ngayon hindi pa nararansak yung bago nyang condo" aya ni Kade saakin. Hindi pa nga nasasabihan si Irelyn ayang aya agad itong isang to.

"Sige, punta tayo doon bukas. May leave naman ako for 1week, in the next day kasi aalis kami ni Jairo papuntang palawan. I turn over ko nalang yung mga patients ko sa co-pedia ko." sagot ko sakanya.

"Okay" aba'y pinatayan ba naman ako ng tawag.

Matapos akong tawagan papatayan ako. Ugali talaga ni Kade!

Group Chat: (Dione, Kade, and Aella)

Kade: Oiii! Final na! kila Irelyn tayo bukas, Surprise natin siya.

Aella: G!!! Excited na ako makakainom ulit ako.

Dione: Mukhang inom ka talaga.

Kade: Ako na magdadala ng alak. Scotch nalang bibilhin ko.

Aella: Yun oh! Syempre laging si Kade ang bumibili ng alak natin. Senior high palang ikaw na pag asa namin sa alak.

Kade: asim mo talaga Aella.

Aella: Ano nanaman?

Dione: Anong oras bukas?

Kade: 5 am! Sasakyan ko nalang ang gagamitin. Unahin ko na si Aella. Then, sunduin ko nalang kayo ni Jairo kasi alam kong pagod yang jowa mo.

Dione: Thanks Kade! Pero whaat???

Aella: What??? 5 am?!

Kade: Aella, 4 am sharp! kita sunduin.! Kayo Dione mga 4:20!

Aella: Aga naman!!!

Dione: Gago pre, hindi pa ako gising non!

Kade: Morning owl si Irelyn, kailangan natin agahan mamaya pagdating natin doon nakaalis na yung babaitang yon!

Dione: okay, you win.

Aella: Oo na!

------

4:20 am.

Binuksan ko ang pinto ng condo namin ni Jairo at bumungad sa akin ang dalawang kaibigan ko.

"Dione oh! si Kade inaaway nanaman ako" natawa nalang ako dahil hanggang ngayon ay hindi parin natatapos ang pang bubwisit ni Kade kay Aella.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now