CHAPTER 7

26 5 0
                                    

Nakaupo kami sa sala nila daddy at mommy, natutulog na si Gavin sa kwarto ko sa bahay na ito.

"Anong problema Irelyn?" tanong ni mommy.

Tiningnan ko silang dalawa at naiiyak na naman ako hindi ko alam paano ko sisimulan ang kwento sa mga magulang ko simula sa muling pagkikita namin ni Gadiel. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanginginig ganun ako kapag natetense ako since immemorial.

"Mommy, Daddy, nagkita kami ni Gadiel last 2 days ago" hindi pa ako tapos magsalita nakita ko agad ang pagkagulat sa mukha ng magulang ko lalo na kay mommy.

"How?" sabi ni mommy, si daddy tahimik lang na nakikinig pero alam kong nag aalala siya sa akin ganyan naman si daddy masyadong protective sa akin lalo na sa nararamdaman ko.

Maliban din kasi sa kambal ko na si Perrie ang buong pamilya ko ang nakakaalam na si Gadiel ang totoong ama ni Gavin, mga tito tita ko, at mga pinsan ko, alam nila ang kwento ng relasyon namin ni Gadiel noon.

Perrie is my best friend, simula junior high ay mag magkaibigan na kami.

Naalala ko pa noong nalaman nila na buntis ako kay Gavin, hindi ko man lang nakita o naramdaman sa kanila na nagalit sila sa nangyari sa akin, kahit nalaman nila na hiwalay na kami ni Gadiel that time sinuportahan parin nila ako sa pagbubuntis ko.

Binalik ko ang tingin ko kay mommy. "Natatandan nyo po nung iniwan ko dito si Gavin dahil may bisita po ako sa bahay. Sila yung mga tropa ko noong senior high sila Dione" tumango naman sila mommy. "Kasama nila non si Gadiel. Nagkaroon po kami ng get together pero wala pa po silang alam tungkol sa anak ko." Paliwanag ko sa mga magulang ko.

"Kinabukasan po non dinala nila kuya si Gavin sa bahay dahil pinasundo nyo kasi hinahanap nya ako. Una, pinaalis ko muna sila para mailayo si Gavin pansamantala kasi nga po kasama po si Gadiel sa mga nag overnight sa bahay ko. Then, hindi naman nagtagal si Gadiel sa bahay umalis din siya kasi may lakad sila ng fiancé nya" pag kwento ko sa kanila.

"Pagkaalis nya kinausap na rin po ako ng mga kaibigan ko dahil po nasilayan nila minsan si Gavin at naghinala agad sila sa bata kasi kahawig po sya ng ama nya, kaya wala narin po akong nagawa kundi umamin sa kanila dahil nga may hinala na silang anak namin sya ni Gadiel" nakatitig lang sila mommy sa akin.

"Kaya po pinadala ko si Gavin agad sa bahay at pinakilala sa mga kaibigan ko na mga ninong at ninang din naman nya hindi ko lang sila ininvite dati kasi nga po iniiwas ko ang anak ko sa lahat ng taong malalapit kay Gadiel" parehas sila ni daddy na tahimik at nakikinig sa mga sinabi ko.

"Si Perrie lang talaga ang may alam na may anak ako kay Gadiel" si Perrie ang unang nakaalam na buntis ako kaya tinulungan niya akong mag sabi sa pamilya ko.

"Mommy, daddy, natatakot ako anong gagawin ko?" at nagsimula na akong umiyak hindi ko na mapigilan ang luha ko, tumayo si mommy at niyakap ako ng mahigpit. Wala akong ginawa kundi ang humagulhol pati si mommy umiiyak narin at si daddy namumula narin ang mata. Ayokong mawala sa akin ang nag iisang buhay ko. Kunin na lahat, huwag lang si Gavin.

Noong nahimasmasan na ako, nakatitig si mommy at daddy sa akin. Maya maya binasag ni daddy ang katahimikan.

"Ano ngayon ang plano mo sa anak mo at sa ama nya?" tanong ni daddy. Huminga ako ng malalim.

"Hindi ko po alam daddy pero ang plano ko as of now ayaw kong sabihin kay Gadiel ang tungkol kay Gavin, dahil ikakasal narin po sya, ayaw ko po sanang makagulo pa sa buhay nya" nagtinginan silang dalawa ni mommy. Ayokong dumating sa punto na dahil lang kay Gavin ay magkagulo din sila ng fiancé niya.

Hinawakan ni mommy yung mga kamay ko. "Anak, dapat mo parin ipaalam kay Gadiel ang tungkol kay Gavin unang una anak niya yan may karapatan syang malaman" Nakatingin lang ako kay mommy ng sabihin niya iyon. Anak niya yan, 'yan din ang sabi ng mga kaibigan at pinsan ko pare parehas sila ng dahilan.

CHANCES, SAVE USOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz