CHAPTER 6

31 5 2
                                    

Irelyn Pov
Back to work again after 2 days leave. Napakabusy ko sa office pagkapasok ko ang daming nag aantay na trabaho na dapat pirmahan at pag aralan na proposal hanggang sa hindi ko na namalayan ang takbo ng oras.

"Ma'am, may meeting ka po kay Mr. Cheng" Riva inform me habang busy ako sa pag rereview ng panlimang proposal.

"Muntik ko ng makalimutan, anong oras ba 'yun?" tanong ko kay Riva.

"10 am. Ma'am" sagot naman niya.

"Sige, papasukin mo na" sabi ko naman at inayos ang lamesa ko.

"Okay po" at tumalikod na sya para papasukin ang ka meeting ko.

"Good morning, Ms. Gomez" nakangiting bati sa akin ni Mr. Cheng.

"Good morning, Mr. Cheng" bati ko rin pagkatapps naming magkamay.

"Let's start" pag uumpisa ko.

Maayos ang naging meeting namin ni Mr. Cheng. Walang paligoy ligoy kaya after an hour natapos ang meeting namin.

~~~

Paglabas ko ng opisina ko nagbilin ako kay Riva na may lunch ako with my cousins malapit lang din naman sa building ng company ko.

Pagdating ko sa restaurant na napili nila kompleto ang mga pinsan ko, maliban syempre kay ate Avy dahil nasa abroad na sila ng pamilya niya. Pagkatapos namin magbatian nag order na kami ng pagkain.

Nakakatitig ang mga pinsan ko sa akin lalo na yung tatlong lalaki.

Habang kumakain kami ay nagtanong bigla si Jensen. "Bakit nasa condo mo si Gadiel nung nakaraan?" nagulat ako sa biglaang tanong niya pero inaasahan ko naman na ioopen topic nila yun, mga pinsan ko pa ba masyado silang protective sa akin pati na rin kay Gavin.

"Hindi ko rin alam na pupunta siya that time sumama lang siya sa tropa kaya nakasama sya sa bahay noong nag get together kami pero huwag na kayong mag alala ikakasal na yung tao. Inamin ko narin sa mga kaibigan ko na anak ko si Gavin at si Gadiel ang ama" sabi ko sa kanila. Lahat sila ay napatingin saakin at muling kumain.

"Paano si Gadiel anong plano mo?" Tanong ni kuya Jairus.

"Wala pa basta ayaw ko munang sabihin sakanya ang tungkol kay Gavin" tinitigan lang nila akong lahat at tumango.

"Kamusta si Gavin? Malapit na ang birthday niya" tanong ni Jensen sa akin. Hay, salamat buti nalang nailihis ni Jensen ang usapan kay Gavin.

"Okay naman si Gavin, lagi na siya na kila mommy pinacancel na kasi nila yung yaya ni Gavin. About sa birthday party niya wala pa akong plano roon" sagot ko naman. Napatingin naman agad si Ate Alinna sa akin.

"Huh? 2 months nalang! wala ka paring plano? Puro ka kasi trabaho nakakalimutan mo tuloy yung special event ng anak mo" napainom ako ng tubig sa sinabi niya.

Bigla naman sumabat si Sadie "Ate, kung hindi mo kaya sabihan mo lang ako. Tutulungan kita na mag plano" tiningnan ko si Sadie at ngumiti ako.

"Plano nila ate Avy at kuya Melvin na umuwi rito sa birthday ni Gavin sakto rin na bakasyon ni Matthew sa school" sabi ni kuya Jairus.

"Sige, tatapusin ko lahat ng trabaho ko sa opisina para matutukan ang party ni Gavin" sagot ko naman.

"Ate, anong theme ba ng party niya?" tanong ni Sadie.

"Favorite niya ang spiderman, so, 'yun nalang ang gagawin kong theme. Makita niya palang si spiderman ay tuwang tuwa na siya" napangiti ako sa sinabi ko dahil naalala ko ang mukha ng anak ko na nakangiti habang nakikita ang mga spiderman toys niya.

CHANCES, SAVE USDonde viven las historias. Descúbrelo ahora