CHAPTER 8

28 4 1
                                    

Nasa opisina ako nakaupo at binabasa ang mga documents na binigay sa akin ni Riva. Too many proposals, sa sobrang dami ay nakaka stress tignan.

"Ma'am, nandito po si Ms. Roces" napatingin ako kay Riva ng marinig ang binanggit niyang pangalan.

"Papasukin mo" sabi ko naman.

"Sige po, Ma'am" sagot naman niya. Nakita ko naman agad na nakangiti si Ms. Roces sa akin pagpasok niya ng opisina ko.

"What's the matter, Ms. Roces?" tanong ko sakanya.

"This is my proposal to you last time, hindi ko siya nadala nung nag meeting tayo kaya hindi kita napapirmahan doon. Dumaan na ako rito kasi malapit lang dito yung meeting ko." tumango naman ako sa sinabi niya. "Here" binigay niya sa akin ang documento at tinignan ko sabay pinirmahan ko na rin.

"Thank you, Ms. Gomez" ngumiti naman ako sakanya. Nag paalam naman agad siya matapos kong pirmahan ang document na binigay niya Iyon lang daw ang sadya nya.

Ilang oras din akong nakaupo at binabasa ang proposals ng ibang company.

"Ma,am, nandito po ang mga kaibigan niyo, gusto raw po kayo makausap" muli akong napatingin kay Riva ng sabihin niya yon.

"Papasukin mo" sagot ko ulit.

"Okay po, Ma'am" may pumasok na dalawang babae at isang lalaki.

"Irelyn!!!!!" rinig kong sigaw ng lalaki. Gyan?

"Gyan???" agad akong tumakbo at niyakap siya. Another close friend of mine. Hindi rin nila alam ang tungkol kay Gavin.

"I miss you three, ang tagal na natin hindi nag kita kita" sabi ko naman sakanila.

"True" sabi naman ni Faye.

"Kamusta life?" tanong ni Elixin, napatingin naman ako sakanya at niyakap niya. I miss them.

"Okay naman, masaya" nakangiti kong sagot. I'm super happy.

"Ikaw ah! ang tagal mong hindi nag paramdam sa amin" sabat ni Gyan. Ngumiti lamang ako sakanya.

"Umupo muna kayo" umupo naman sila sa upuan na kaharap ko.

"Guys, anong gusto niyo? coffee or juice?" tanong ko kila Gyan.

"Juice nalang" sagot naman ni Faye.

"Riva, pakuha naman ng apat na juice" utos ko sa secretary ko.

"Sige po, Ma'am" sagot nito.

"Ang ganda ng company mo ah! ang laki na" simula ni Faye. Nag basa lang ulit ako ng mga proposals.

"Kamusta naman ang love life?" tanong ni Elixin. Umiling naman ako na parang pinahihiwatag na walang bagong lalaki. Simula ng mag hiwalay kami ni Gadiel ay hindi na ako nag entertain ng ibang lalaki, nilalapitan at nililigawan nila ako pero mas inisip ko muna ang anak ko bago ang mag mahal ulit ng bago.

"Si mimaa! hindi na ulit nag mahal. Ganyan ba kapag minahal ng sobra ang ex" nag tawanan naman kaming apat.

"Tigilan mo ako Gyan. Masaya na ako sa buhay ko ngayon hindi ko na kailangan ng lalaki" sabi ko naman at pare parehas silang nag tinginan. Ito nanaman tayo sa tinginan eh! Nandiyan na ang nagpapasaya sa akin si Gavin. Ang anak ko.

"Alam mo minsan kailangan mo rin sumaya" sabat ni Faye. Masaya ako. Akala ko rin hindi na ako magiging masaya pero nang makita ko si Gavin ng pag kapanganak ko sakanya ay doon bumalik ang kasiyahan ko. At minahal ko siya ng sobra.

"Masaya naman ako. Sobrang saya pa" ngumiti naman silang tatlo. Pumasok si Riva at dinala ang apat ng juice.

"Tigilan niyo na nga si Irelyn hayaan niyo siya kung saan siya sasaya" sabi ni Elixin habang iniinom yung juice. "Buti pa si Elixin. Hayyy" sabi ko naman at biglang tumayo si Gyan.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now