CHAPTER 19

17 4 0
                                    

Natatandaan ko pa noong nalaman kong buntis ako. Kasama ko si Perrie my best friend.

Nagising ako ng bigla akong nasusuka. Agad akong tumakbo sa cr at sumuka pero walang lumalabas na kahit ano kaya hindi ko nalang ito pinansin. Baka wala lang ito. Nag ayos ako ng sarili ko ng may kumatok sa kwarto ko, its Perrie.

"Hi, kambal!!!" bati nito sa akin at bumeso.

"Good morning" bati ko naman sa kanya. May binigay ito sa akin na naka tupperware.

"Ano to bal?" kumunot ang noo ko.

"Lasagna, hindi ba obvious?" Inirapan ko siya. Tinitingnan ko palang ay parang bumabaliktad na ulit ang sikmura ko. Lalo na nang naamoy ko agad kong inilayo sa harapan ko.

"Ang baho naman niyan, bal! Bakit ganon? Sira ba ito?"

"Ayoko niyan!" Agad na sabi ko.

"Huh? Bakit? Diba favourite mo yan." sabi ni Perrie. Tinakpan ko ang ilong ko.

"Ang baho nga!" biglang bumaliktad ang sikmura ko kaya nagmamadali akong tumakbo papunta sa C.R. at nagduduwal.

"Irelyn? Okay ka lang, bal?" Nag aalalang tanong ni Perrie sa akin. May kakaiba narin siyang tingin sa akin.

May luhang namuo sa mga mata ko dahil sa pag-suka ko kaya naghilamos ako at kumuha ng tissue para punasan ang bibig at mukha ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tiningnan ang sarili sa salamin. Naguguluhan sa inaakto ko. May pumasok sa isip ko pero agad kong ring binura ang ideyang yon.

Hindi kaya??

"Hindi naman siguro?" Sambit ko sa sarili ko. Imposible.

"Anong binubulong mo, bal?" sabi ni Perrie.

Umiling ako, "Wala bal, masama lang pakiramdam ko. Kailangan kong mag pahinga" umalis ako sa harap niya at pupunta na sana ng kama.

Hinabol ako ni Perrie. "Kambal, magtapat ka nga sa akin. May kailangan ba akong malaman?"

Tiningnan ko siya ng matagal at kinuha ko ang wallet at susi ng kotse ko.

"Bal, pwede mo ba akong samahan sa drugstore may bibilhin lang ako"

"Anong bibilin mo?" tanong niya sa akin.

"Bibili akong pregnacy test..." nanlaki ang mga mata ni Perrie sabay takip pa sa bibig.

"Oh my God, tangina mo! Ano to?! Gaga ka?!" mabilis siyang sumunod sa akin at sa sasakyan ko na siya sumakay at siya na ang nagmaneho papuntang drugstore. Siya narin ang bumaba at bumili ng 5 pregnancy test. Dinala niya ako sa condo niya at doon ko gagamitin yong mga binili niya. Kinakabahan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Bal, natatakot ako i-take" sabi ko sa kanya habang nakatitig sa hawak kong pregnancy test.

"Hala, Dalian mo na! Umihi ka na roon! Jusko, pakiramdam ko ako yung buntis dito!" Napasabunot pa siya sa ulo niya. "Kailan ka ba huling nagkaroon?" Napakagat ako sa daliri ko nang maalala ko.

"H-hindi pa ko dinatnan last month pero hindi naman ako kinakabahan. Ngayong month, hindi ko pa naman period, bal"

"Kailan huling may nangyari sainyo ni Gadiel?" tanong niya sa akin.

"Ano ka ba! Isang gabi lang yun noong 6th years anniversary namin" huminga siya ng malalim.

"Kahit isang gabi lang yan ang tanong ilang beses niyo ginawa yon sa isang gabi!?" siya na mismo ang nagtanggal ng ng PT sa pack pagkatapos binigay niya sa akin.

"Bal, balikan mo ilang beses pinutok ni Gadiel diyan sa loob mo na wala man lang kayong proteksyon! Malamang makakabuo kayo ng bata! Boba!" Parang siya ang naiistress sa aming dalawa.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now