CHAPTER 2

41 5 0
                                    

Irelyn Pov
Nang magising ako ay nakita kong mahimbing na natutulog si Gavin. Kapag tinititigan ang anak ko ay nagiging kamukha ito ng kanyang ama. His eyes, eyebrows, nose, and lips. Half of his face ay kuhang kuha niya sa tatay niya.

Nag ayos na ako ng sarili ko dahil may pasok pa ako.

Binuhat ko ng dahan dahan si Gavin papuntang kotse at pinahiga roon. Nacancel ko na ang yaya na hinire ko dahil doon nalang daw siya sa parents ko mag sstay.

*

Nang makarating ako sa bahay nila Mommy ay dahan dahan ko siyang dinala papasok doon. Agad din naman siyang kinuha ni Daddy sa akin.

"Thank you, Mommy. Una na po ako. Ngumiti lang sila saakin.

"Ingat ka" tumango lang ako.

*

Nang makarating ako sa company ay agad nila akong binati. Pagpasok ko palang ng kwarto ko ay bumungad na agad ang secretary ko.

"Good morning, Ma'am. Mr. Fajardo, wants to talk to you."

"Papasukin mo." Sagot ko.

Narinig kong nag bukas sarado ang pinto ng room ko at may umupo sa harap ko.

"Good morning, Ms. Gomez" bati niya.

"Good morning, Mr. Fajardo. What do you want to talk about?" Tanong ko agad sakanya.

"I am here to have a proposal with you to merge with our company." Agad na nalukot ang mukha ko at nagtaka. Sinong bobong lalaki ang magsasabi ng ganoon saakin. Malamang, si Mr. Fajardo lang.

"What? Who I am to merge my company to your company?" Tanong ko sakanya.

"Alam mo naman na gusto kita Ms. Gomez"

"This is a business Mr. Fajardo and your personal interests are outside of the company. And for your information hindi kita gusto at hindi kita magiging gusto kailan man" sagot ko sakanya. Nakita ko naman ang mukha niya na naiinis na.

"Mapapa sa akin ka rin Ms. Gomez" agad siyang lumabas ng kwarto ko at binalibag ang pinto.

What a pathetic man. Yuck. Hindi ako papatol sa kagaya niya. Pwe!

Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko at bigla akong nakatanggap ng tawag.

"Hello?" Nakaipit ang cellphone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko habang nag tatype.

"Anak! Si Gavin! Nandito kami ngayon sa hospital. Inatake siya ng asthma" agad akong napatayo sa inuupuan ko at nagmadaling mag ayos.

"Saan pong hospital?" Tanong ko kay Mommy.

"Dito sa metro" sagot niya. Agad kong binaba ang tawag at tinawag ang secretary ko.

"Bakit po Ma'am?" Tanong sa akin ni Riva.

"Riva, cancel all my plans today. Kailangan ako ng anak ko ngayon, nasa hospital siya. Rechedule my meetings in other day." Agad siyang tumango saakin at lumabas ng kwarto ko.

Anak, please, be brave. Mommy is coming for you. Please, anak.

*

Nang makarating ako sa hospital ay agad kong hinanap sila Mommy. Nakita ko naman silang nakaupo sa upuan.

"Mommy, how's my baby?" Tanong ko kay Mommy.

"Nasa loob pa siya ng kwarto" sagot ni Mommy.

"Ano po bang nangyari?" Tanong ko habang hinihilot ang sentido ko.

"Naglalaro lang kaming tatlo nagulat nalang kami ng Daddy mo bigla nalang siyang hiningal at doon na siya inatake" napahinga nalang ako ng malalim sa kwento ni mommy.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now