CHAPTER 17

28 4 0
                                    

Dumating na ang araw ng pagpapakilala ni Gadiel kay Gavin sa mga Romero, ang problema pati ako inimbitahan niyang pumunta kasama din sila mommy and daddy at mga pinsan ko pero nagsabi na sila mommy na hindi makakapunta dahil masama ang pakiramdam ni daddy. Ayaw ko rin sanang sumama pa pero pinilit ako ni Gadiel at lalo na ang anak ko drinamahan pa ako.

"Mommy, if you don't want to come with us, I won't come too." with matching pout pa sa labi. Aba'y nag e-narte ang magaling kong anak.

Napilitan tuloy akong magbihis! Nag insist din kasi si Gadiel na sunduin nalang si Gavin sa bahay kaya siya nandito ngayon. Tuloy nalate ang alis namin dahil nagbihis pa ako.

"Gade, sure ka na okay lang akong sumama? No need naman na dapat ako, ang importante lang naman ay nandoon si Gavin eh"

Lumingon siya sa akin habang nagmamaneho, nasa likod naman namin si Gavin busy kakatingin sa labas ng bintana.

"Oo naman, ikaw ang ina ng anak ko dapat lang na nandoon ka"

"Ano ka ba nanay lang ako ng anak mo hanggang doon lang yon at saka isa pa, nasabi mo na ba ito kay Ms. Cheska?" Umiling lang siya. Nagulat din ako kasi 1 week na ang nakakalipas dapat nasabi na niya ito sa fiancé niya.

"Ano ka ba! Gade!? Kailangan mong sabihin ito sa kanya, ayaw kong dumating ang araw na magkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan ng dahil sa anak ko" lumingon siya bigla sa anak namin.

"Anak natin...Niv...natin!!" pinagkadiin diinan niya yung natin.

"Sasabihin ko naman sa kanya pagbalik niya galing hongkong" ako naman ay napalingon bigla sa kanya, kaya pala nagagawa nito ang magtambay sa bahay kasi wala palang bantay.

Pagdating namin sa bahay nila parang ayaw ko nang bumaba, nag aalangan ako kung tutuloy ba ako dahil nahihiya talaga ako. dapat hindi nalang ako sumama dahil alam ng buong angkan niya na Ex nalang ako, at may fiancé na siya.

"Gade" tawag ko ulit sa kanya. "Kayo nalang ni Gavin ang pumasok uwi nalang ako." Biglang nangunot ang noo niya ganyan yan kapag may ayaw na sinasabi ko sa kanya.

"Kasi hindi talaga ako belong dito. Ano ka ba!? baka may masabi ang mga kamag anak mo na hindi maganda sa akin." Hinawakan niya ako bigla sa kamay.

"Niv, please kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako para narin sa anak natin, gusto ko siyang ipakilala sa lahat ng angkan ko pero gusto ko din malaman nila kung sino ang mommy niya... please?" nakatingin lang ako sa kanya.

"Kasi Gade.." Tinakpan na niya ang bibig ko ng mga daliri niya.

"No buts na okay? tara na.."

"Gavin, anak, come here" tinawag niya ang anak niya at inayos ang buhok sabay halik sa noo ni Gavin bago bumaba. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto bago niya kinuha ang anak niya sa likod.

"Lets go, baby" sabay kinarga ang anak sabay lumingon sa akin, ako naman hindi malaman kung susunod sa kanila or babalik nalang ulit ako sa sasakyan niya kaso hinawakan niya ang mga kamay ko at binulungan ang anak. "Baby, hold mommy's hand" imagi-nin niyo nalang kung paano kami maglakad na karga ni Gadiel si Gavin habang hawak naman ng anak ko ang isang kamay ko.

Pagpasok namin sa malaking gate ang bumungad sa akin ay napaka liwanag na garden at napakaraming bisita hindi lang mga kamag anak ni Gadiel ang nandito nakita ko rin ang mga kaibigan ko. Nakita ko rin si ate Alinna, Kuya Jaiden na katabi si Perrie.

Sinalubong kami ni ate Rhea at tita Naia, nagmano naman agad ang anak ko sa kanila hinalikan agad ni ate Rhea at Tita Naia si Gavin ang gwapo ba naman ng pagkakangiti. Pati ako nagbigay galang din kay tita sabay niyakap ako at binulungan.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now