CHAPTER 9

29 2 4
                                    

"Hello?" tanong ko sa tumawag sa cellphone ko.

"It's Jaiden" sagot ng linya.

"Bakit?" muling tanong ko.

"Hiramin ko muna si Gavin lalabas lang kami kasama si Charm. Nangako kasi ako sa pamangkin ko na pupunta kaming MOA ngayon" ngumiti naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Sure, no problem. Bantayan niyo ng mabuti yan kuya, malikot na yan" sabi ko naman.

"Oo, ako na bahala rito. Tapusin mo na yang trabaho mo" pag tapos niyang sabihin iyon at pinatay na niya yung tawag. Sobrang swerte ni Gavin sa mga tito at tita niya.

~~~~~

MOA

Charm, Gavin, and Jaiden is enjoying their time. Eating and playing.

"Tito, I wann spidelman po" sabi ni Gavin sa tito Jaiden niya.

"Bibilhin natin yan mamaya, tapusin mo muna kumain." kinuhanan ng picture ni Charm ang dalawa at sinend kay Irelyn.

"Ang cute cute mo talaga Gavin!" pinisil ni Charm ang pisnge nito.

Sa kabilang banda ay may dalawang babaeng nag-uusap.

"Ma, kamukha ni Gadiel yung bata oh" turo ng babae kay Gavin. Agad din naman tinignan ng nanay nito ang bata.

"Oo nga, kamukhang kamukha niya" gusto nilang lapitan sila Jaiden ngunit nag dadalawang isip sila dahil mamaya ay kung ano pa ang masabi ng mag asawa sa kanila.

"Maaa! tignan mo itong baby picture ni Gadiel oh! hawig na hawig! Hindi kaya may nabuntis yung kapatid ko?" sabi ni Rhea. natawa naman ang nanay nito na si Eleena.

"Hindi naman siguro magagawa ni Gadiel yun kasi si Nivya lang naman ang girlfriend niya noon" biglang natigilan si Eleena at napahawak sa dibdib.

Lumingon ulit ito sa batang lalaki at naibulalas. "Diyos ko! Rhea, baka naman kaya nabuntis ni Gadiel si Nivya?!" tanong nito sa anak.

"Ma, ano ka ba! Nakikita mo yung nanay nung bata diba? Hindi naman yan si Nivya, right?" napaisip ang isang babae.

"Oo nga noh! hehe. Kaya lang bakit kamukhang kamukha siya ng kapatid mo noong maliit pa siya at bakit ganito ang nararamdaman ko parang gusto kong lapitan at yakapin ang bata" sagot naman ng nanay nito. Hinawakan nito ang puso niya na kakaiba ang nararamdaman sa bata.

Pagkatapos kumain ay hindi mapalagay si Eleena sa kanyang upuan, gustong gusto niya talaga itong lapitan ngunit hindi niya magawa. Nang tumayo si Gavin at si Charm sa kanilang upuan ay sumunod si Eleena.

Sinundan niya ito hanggang sa cr. Narinig niya na nag uusap si Gavin at si Charm.

"Tita Chalm, I wann to bay only wan play play. Mommy toll me I shodent bay too many play play po becos I still hab some at home" nang marinig ni Eleena ang tawag ng bata sa babae ay na nabitawan niya ang cellphone nito sa lababo. Ang akala nito ay nanay niya ang kasama nito hindi pala. Ibig sabihin ay hindi nito anak ang bata.

"Yes, we will buy you only one toy" nakangiting sabi ni Charm kay Gavin.

"Yehey! Tenk you tita chalm" pinisil naman ni Charm ang pisngi ng bata. Nakatulala parin si Eleena hanggang sa nakalabas na si Gavin at Charm.

Maya maya ay sinundan ni Rhea si Eleena sa cr dahil sobrang tagal nitong bumalik. Samantala, yung dalawang sinundan ng nanay niya nakalabas na ng cr at papalabas na ng restaurant.

Nadatnan niya ang mama niya na nakatulala at namumutla.

Natakot siya at inalog ito "Ma! What happened bakit namumutla ka??" Doon nakabawi si Eleena sa pag kakagulat ng alugin siya ng anak niya.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now