CHAPTER 11

22 4 0
                                    

Pagkaalis ni Gadiel nakaramdam ako ng panghihina at panghihinayang sa presensya niya pero medyo naginhawaan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung makikita niya sa ganitong pagkakataon ang anak namin hindi pa ako handa na magkita silang mag ama.

Kaya nagpapasalamat ako na tumawag si Cheska. May dahilan para umalis siya pero kahit ganun na nakaalis na siya maya't maya naman ay tumatawag para alamin kung may balita na sa anak ko.

Nakita kong may kausap si kuya Jaiden sa phone niya at nanlalaki ang mga mata. Pagkababa nya bigla siyang lumapit sa akin at sinabing nakausap nya ang mga pulis nakita na daw si Gavin. Bigla akong napaiyak sa tuwa.

Oh God! Thank you so much nakita na ang anak ko..

Mabilis kaming nagpunta sa lugar na binigay ng mga pulis nandoon nga si Gavin karga ni Gyan. Tinakbo ko ang ilang distansya namin ng anak ko at niyakap ito mugto rin ang mga mata niya siguro sa kaiiyak din niya dahil nawala siya ng mga ninong at ninang nya.

"Mommy!!!" balik na yakap niya sa akin.

"Are you okay? Wala bang masakit sayo?" tanong ko sakanya at umiling lang siya.

"I'm okay, mommy" sabi niya sa akin at niyakap ulit ako.

"Anak mo?" gulat na tanong ni Faye sa akin, kita ko rin yung dalawa na gulat sa nangyayari ngayon.

"Tara sa bahay, doon ako mag papaliwanag sainyo" tumango naman sila at umalis na kami sa police station.

Nang makarating kami sa bahay ay sobrang tahimik nila na nakaupo sa sala.

"Niv, patulugin na namin si Gavin" tumango ako sa sinabi ni Jensen. Nilapitan ko sila at kinarga ang anak ko.

"Good night, my love" niyakap ko ito ng mahigpit at hinalikan sa noo. Hindi niya ako binibitawan kaya pinabayaan ko na yakapin niya lang ako.

"Mommy, I lab you" nag tubig ng mga mata ko. Akala ko hindi ko na siya makikita pa.

"Mommy, loves you so much baby. Sige na, matulog kana susunod si mommy" niyakap ko ulit ito at hinalikan sa pisngi. Agad din naman itong sumama kay ate Ali.

Irelyn: Gavin is home.

Gadiel: That's good :). How is he?

Irelyn: He's fine but a little bit tired for what happened to him an hour ago.. By the way thank you for helping.

Gadiel: You're welcome, no worries.

Kailangan ko rin balitaan ang mga magulang ko dahil alam kong alalang alala rin sila para sa apo nila.

Calling... mommy

"Mommy, nakita na po si Gavin" narinig ko na huminga sila ng malalim sa background.

"Salamat sa Diyos. Kamusta naman siya? Wala bang masakit sakanya?" tanong ni daddy.

"Wala naman po, maayos po siya. Nakita raw po siya nila Gyan na umiiyak sa tabi ng restaurant kung saan sila kumakain"

"Gyan?" tanong ng kabilang linya.

"Si Gyan po yung kaibigan ko nung senior high"

"Ah, naalala ko na kung ganun buti sila ang nakakita"

"Oo nga po, pinapatulog narin po siya nila kuya Jaiden"

"Oh siya! Pumunta nalang kayo bukas dito" nag paalam na ako at ganun din sila.

Nang matapos kong mag timpla ng juice ay dinala ko ito sa sala.

"Ang tahimik niyo naman" pag basag ko ng katahimikan. Akala mo naman hindi sila mag kakakilala.

CHANCES, SAVE USTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang