CHAPTER 4

47 5 5
                                    

Habang nag papahinga ako sa sofa ay biglang may nag doorbell.

Pagbukas ko ng pinto ay alak agad ang bumungad sa harapan ko. After how many years, ngayon lang ulit ako iinom ng alak.

"Pasok kayo" pag yaya ko sa kanila. Nag sipasukan naman sila. Bakit nandito si Gadiel? What the hell... Thank God, wala si Gavin.

Umupo lang ulit ako sa sofa at pinabayaan ko sila mangalikot sa loob ng bahay ko.

"Wala si Gavin?" Tanong ni Aella. Nakita ko naman na napatingin ang dalawang lalaki saakin.

"Wala, nasa bahay nila mommy. Iniwan ko muna roon para makapag enjoy din dito sa bahay" tumango lang si Aella sa sagot ko.

Biglang may tumabi sa akin. Si Kade.

"Kamusta maging nanay?" Natawa naman ako sa tanong niya.

"It's good. Masaya lalo na at pampa good vibes ang dala ni Gavin" nakangiti kong sagot.

"Hindi mo nasagot mga tanong namin sayo" sabat ni Dione habang umiinom na ng alak.

"Ilang taon na ba si Gavin?" hindi ko alam kung sasabihin ko ang tunay na edad ng anak ko.

"He's 2 years old" sagot ko. Uminom din ako ng alak tuloy tuloy. Walang nag sasalita, tahimik ang lahat.

"Kayo ba? Kamusta?" tanong ko sa kanila.

"Ito, ayos naman. We're doctors, pilot, and engineer now. Well, you are now a successful business woman" napangiti ako. We are now sa successful persons. Nilagok ko ulit ang alak na iniinom ko.

"Hoyy! Dahan dahan naman! Nakakailang shot kana" sigaw ni Kade saakin.

"Wala bang magagalit na nandito kami? Asawa mo?" Napatingin kami lahat kay Gadiel. Nakita ko naman na nagtinginan yung tatlo.

"Ah, wala naman. I don't have a husband. Masaya na ako kay Gavin" ngayon naman ay nasa akin na ang mga tingin nila. Napairap nalang ako sa ginawa nila.

"Ang unfair! Hindi mo man lang kami ininvite sa binyag ng anak mo!" Pagmamaktol ni Kade. Kahit gusto ko ay ayaw kong gawin dahil nga malapit kayo kay Gadiel.

"Napaka gwapong bata nga eh" sabi naman ni Aella.

"Syempre, saakin sya nanggaling eh" sabat ko naman.

"Tangina mo parin, Irelyn! Madaya ka parin! Hindi ka nang iinvite!" Nakangiti lang ako sa pinag sasabi ni Kade. Dione, Jairo, and Gadiel is silent. Tahimik silang tatlo. Well, Jairo is silent talaga. Sa girlfriend niya lang ito maingay at sweet.

"Busy kayong lahat that time kaya hindi ko na kayo ininvite" sagot ko naman.

"Ninang ba ako?" Tanong ni Aella. Nilagay ko parin naman sila kahit hindi ko sila ininvite.

"Asim mo magtanong, Aella!" sigaw ni Kade kay Aella. Natawa naman kaming lahat. Kahit kalian talaga nagging habit na bwisitin ni Kade si Aella. Senior High palang kami ay lagi na namin ito pinag titripan.

"Yes, nilagay ko kayo. Hindi ko lang kayo sinabihan, syempre kailangan ni Gavin ng mapeperang ninong at ninang" sagot ko.

Nagtawanan naman silang dalawa. Tuloy tuloy lang ang inuman namin at nag kwentuhan. Nararamdaman ko ang mga tingin saakin ni Gadiel. Bawat inom ko ng alak ay tumitingin siya.

*

11:00 pm.

Gabi na pala at lasing na ang mga kaibigan ko. Inayos ko na ang mga kalat sa sala at nakita kong gising pa si Gadiel. Hindi siya nalasing?

"Kamusta?" Pagsisimula ko ng usapan. Agad siyang napatingin sa akin.

"Ayos naman, ikaw kamusta rin?" Balik na tanong niya saakin.

CHANCES, SAVE USWhere stories live. Discover now